Chapter 10

1000 Words
Nakatulog ako pagkatapos lumabas ni Ridge sa kwarto. Hapon na rin nang magising ako. Pagbaba ko ay napansin kong tahimik ang bahay. Umalis siguro si Ridge? Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Uminit ang pisngi ko. Sakto namang nag-ring ang phone na hawak ko. Pagtingin ko ay tumatawag si Pia. Sinagot ko iyong tawag pagkatapos ng dalawang ring. “Hello?” “Hey, nasa bahay ka ba? Tinawagan ko si Ridge earlier. He said he wasn’t there in the house.” “Ahh, oo. Katunayan kakagising ko lang. Wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta,” saad ko habang papunta ng kusina para kumuha ng tubig. “Ah, okay. Yeah, he went to the office this morning. Nagkasalisihan kami. I’m actually driving to get you. Lalabas tayo.” “Saan tayo pupunta?” kunot-noo kong tanong. “Meet me in front of the gate. Susunduin lang kita.” Pagkarating ni Pia ay pumasok na ako agad sa passenger’s seat. Isinukbit ko iyong seatbelt bago niya paandarin ang sasakyan. “Saan tayo pupunta?” pag-uulit ko. “We’re gonna have a pamper day today. Kailangan mong kuminis. You have to look like a real celeb for this set up you and Ridge have.” Sumulyap si Pia sa akin. “I mean, you’re actually beautiful, no questions asked. But you really need a deep ritual to get to that glowy sh*t.” “Tanggap ko naman kung sasabihin mo na marumi ako, eh.” Pia burst out laughing. “Ano ka ba. That’s so rude. Ganoon ba ang gusto mo?” “Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Alam ko namang alam mo kung saan ako galing bago ako napulot ni Ridg,” maamo kong saad. “Yeah, but you’re still a human being. You should be treated fairly.” “Alam mo, napakabait mo, Pia,” nakangiti kong wika sa kanya. Kumibit-balikat naman siya. Matapos ang mahigit thirty minutes na pagbi-byahe ay nakarating kami sa isang building na aabot ng tenth floor. Bumaba kami ni Pia mula sa sasakyan at lumakad papunta sa tapat ng glass door. “A friend of mine owns this saloon and spa. We’re gonna go here regularly,” ani Pia. Tumango lamang ako bilang sagot. Pagkapasok namin ay binati kami ng mga staff. “Good day,” bati ng manager kasama ang limang staff na nasa likuran niya. “Ms. Lara called today and said to cater your needs, Ms. Pia.” “Actually, hindi ako. Siya,” turo ni Pia sa akin. “Make her the most sought after woman,” aniya pa. Tumango lamang ang mga staff bilang sagot. Iginiya kami ng manager papunta sa isang room kung saan ni-test nila ang balat ko sa mukha at sa katawan. Kung anu-ano ang mga sinasabi nila tungkol sa skin na hindi ko naman maintindihan dahil ito ang unang pagkakataon na nangyari sa akin ito. Nakaawang lamang ang bibig ko habang nagpapaliwanag iyong dermatologist yung tungkol sa aking balat at ang nais ma-achieve na resulta para sa akin. Matapos ang tila orientation na pag-uusap ay doon na ako isinalang sa isang room. Pinapalit nila ako ng damit na tube at pinahiga sa higaan na para bang stretcher. Pagkatapos ay pinalibutan na ako ng mga staff. Ganoon ba ako kadumi at kailangan nilang magtulung-tulong? Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang may kung anong ginagawa sa mukha ko. Nilagyan pa kasi nila ng takip ang aking mga mata. Para daw hindi maano sa laser. Pagkatapos ng mahigit isang oras ay iyong katawan ko naman ang pinagpaguran nila. Kung anu-anong ginawa sa akin hanggang talampakan. Halos limang oras rin ang ginugol nila sa akin. Nang matapos ay madaming skin care ang ibinigay sa akin ng tatlong dermatologist para gamitin. Tatlong paperbag ang hawak ko nang lumabas kami ni Pia. “Grabe yung kinis ng balat ko,” saad ko habang kinukurot ang pisngi ko at ang legs ko. “Naawa nga ako sa mga staff. Nahirapan sila sayo,” ani Pia sabay tawa. “Yung isa kitang-kita ko yung paghihirap niya. Sabi ko sa susunod ulit,” wika ko tapos tumawa kami parehas ni Pia. “Okay, next is fine dining. You have to know how to eat in a formal way. Lalo na kung pupunta kayo sa medyo fancy event ni Ridge. You have to look really classy.” Dinala ako ni Pia sa isang mamahaling restaurant. Nang pumasok ay mayroon naghihintay na chef at tatlong staff. “Miss Pia,” tawag ng chef. “We’re glad to meet you again. What can I help you with?” “I need Marshall to teach my friend with fine dining,” ani Pia. Tumingin ang chef sa lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. Napansin iyon agad ng lalaki kaya lumakad siya papunta sa gawi namin. Malambot siyang lumakad at madaling sabihin na isa siyang parte ng lgbt. “Marshall, kindly help them, please,” wika ng Chef. Nasa harapan kami ng mesa na maraming kung anu-anong kutsara, tinidor, kutsilyo, napkin at pagkain. Tinuro sa akin ni Marshall ang etiketa sa pagkain sa fine dining. Halos mabaliw ako sa dami ng kanyang pinapagawa. Ganito pala kapag mayaman. Kahit sa pagkain ay ganito o ganyan ang kailangang gawin. Sa amin nga ay nagkakamay pa ako minsan lalo na kapag prito ang ulam. Hindi ko alam kung anong oras kami natapos pero nagpasalamat ako dahil tapos na. Sobrang nakakapagod ng utak ang mga itinuro sa akin. “You better watch the youtube link I sent you para kahit nasa bahay ka natututo ka,” ani Pia. “Ihahatid na kita.” Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay nadatnan ko si Ridge na nasa living room. Naglalaro siya sa playstation na nakakonekta sa malaking smart TV. Lumapit ako sa kanya at hindi na nag-atubiling halikan siya sa labi. Napatigil siya sa kanyang nilalaro. “Nandito na ako,” saad ko. “Come here,” aniya. Pagkalapit ko ay hinila niya ang kamay ko at napaupo sa lap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD