PINILI ko na lang na hindi magsalita matapos ang kaniyang sinabi, ngunit nagsimula na naman akong mag-isip sa kung ano ang ibig niyang sabihin. He wants me to be happy with him but he doesn't want me to fall in love? Okay, I get it because we're best friends, I guess being happy with him is very possible... Pero bakit niya ako hinalikan bago niya sabihin 'yon? Anong gusto niyang iparating? Napakalabo naman yata? Nakarating kami sa resto nang nakalutang ang isip ko, pinakilala sa 'min ng staff ang mga tour guide na sasamahan namin for today's tour, pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Sabi naman ng staff na after lunch ay may time pa kami para kumuha ng mga gamit basta hindi lang kami magtagal. Kaya naman nagmadali akong kumain, hindi rin naman mahirap magmadali lalo na't masarap an