Prologue

1062 Words
As a writer, one of my strategies to get the heart of my female readers is to create a perfect hero for them to love. Who wouldn't love a perfect man? The one who can treat, love and care for a woman in the right way. Akala ko isa ako sa mga babaeng swerte na nakatagpo ng isang lalaking papasa sa standards ng karamihan, 'yon bang imbes ako ang magselos sa iba, ang mga babaeng nakapaligid sa akin pa ang nagseselos dahil sobrang swerte ko sa kaniya. Wala na nga akong mahihiling pa. Swerte na ako kay Marvin, siya 'yong klase ng lalaking may plano at pangarap sa buhay, 'yong alam kong hindi ako kailanman mabibigo sa kaniya. Sa walong taon naming relasyon mula pa noong high school, walang araw na hindi niya ipinaramdam sa akin na mahal niya ako. Siguro nga, totoo 'yong sabi-sabi na nababasa ko sa social media na kadalasan daw sa mga kabataang nasa edad na sixteen ay natatagpuan na 'yong taong makakasama nila habang-buhay. I was sixteen when I decided to take risks. I was sixteen when I decided to start something romantic with him, and even until now, I was wondering how we managed to survive the eight years of being together, parang sobrang bilis lamang nang panahon. Sobrang tagal at dami na ng pinagsamahan naming dalawa… kaya naman… hindi ko inaasahang sa isang iglap, magwawakas ang lahat sa amin. Pagod ako galing sa book signing and meet-up event namin sa Cebu kasama ang iba pang mga published novelist, ini-organize ng aming butihing publishing house ang event na 'yon, kaya sino naman ako para tumanggi, hindi ba? Book signing events are one of the best events na mangyayari sa karera ng isang manunulat at maswerte akong nagkaroon ako ng pagkakataong maranasan 'yon. Malapit nang magpasko, at pinangako ko kay Marvin na sabay naming ipagdidiriwang ang araw na 'yon. Kaya naman, kahit pagod, pinilit kong bumiyahe pabalik ng Manila para naman makapaghanda kaming dalawa ng aming makakain sa parating na noche buena. Wala ang parehong parents namin ni Marvin dito sa Pilipinas. Ang mga magulang niya ay naroon sa Australia, nag-aasikaso ng kanilang photoshoot studio. Ang mga magulang ko naman ay nandoon sa Canada, doon nag-aaral ang kapatid kong mas bata sa akin ng ilang taon. Kaya naman, kami lamang dalawa ni Marvin ang magkasama, nakaasa kami palagi sa isa't-isa. Lumabas ako ng airport nang nakangiti, alam kong masusurpresa si Marvin dahil sinabi ko na sa kaniyang bukas na ako makakauwi, December 24, ang hindi niya alam ay humabol ako sa flight, muntik na ngang hindi matuloy dahil madalas fully-booked ang mga sasakyan ngayon mapa-eroplano man o bus, mabuti na lang tinulungan ako ng boss ko, ang slot niya ang ginamit ko. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni Marvin, doon kami parehong nakatira dahil mahihirapan kaming pareho sa oras kung maghihiwalay pa kami ng bahay, isa siyang busy na civil engineer bagaman hindi pa naman professional dahil ilang taon pa lamang ang experience, at ako naman ay busy ako sa pag-pu-pursue and passion ko which is ang pagsusulat ng mga nobela. Nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng building, agad akong nagbayad sa driver. Isang suitcase lang naman ang dala ko, kaya hindi na ako nahirapan pang bumaba. "Good evening, Maam Yen," bati sa akin ng guard. Sa ilang taon kong pagtira rito ay kilala ko na ang karamihan sa mga empleyado ng building na 'to. "Good evening, Kuya. Nasa taas po ba si Marvin?" "Hindi ko naman po napansing bumaba o lumabas, Maam. Baka nandoon lamang sa taas," magalang niyang sagot. "Ganoon po ba? Sige po, Kuya. Salamat po," sabi ko. Dumeritso ako sa elevator at agad sumakay sa lift upang marating ang palapag kung nasaan ang unit ni Marvin. Dati pa man, kabadong-kabado na ako tuwing sinusurpresa ko siya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dahil may sarili naman akong susi sa condo, sinadya kong hindi kumatok, sa mga oras na 'to, madalas siyang nasa kusina, nagluluto ng haponan. Nakangiti kong tinahak ang daan papasok ng condo, ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay, sigurado akong magugulat siya, yayakapin ako nang mahigpit dahil ilang araw din kaming hindi nagkita. Una kong nilingon ang maliit na kusina, wala siya roon, pati sa sala ay wala rin. Kaya naman alam kong nasa kwarto namin siya. Akmang pipihitin ko na ang doorknob ngunit napako ako sa kinatatayuan ko nang mapansin ang ilang damit na nagkalat sa sahig. Nangunot ang noo ko, hindi naman makalat ang aking nobyo. Imbes na pumasok sa kwarto, dinampot ko ang isang T-shirt at sinundan ang ilan pang mga damit na nasa sahig. Naroon ang sinturon niya at ang kaniyang pantalon. Umabot ako sa sala at labis kong ipinagtaka nang makita ang dalawang baso at isang bote ng alak. Hindi ko maintindihan ang kabang namutawi sa aking dibdib, malalaki ang hakbang kong bumalik sa pintuan ng aming kwarto at walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko, nasurpresa sa nakita. Ang mga tuhod ko ay biglang nanlambot habang atomatiko akong napatakip sa aking bibig sa labis na pagkagulat. Unti-unting dumiin ang pagkakalapat ng aking mga ngipin, sa bawat halinghing at ungol na naririnig ko, parang pinapatay ang aking damdamin. Si Marvin—paano niya nagawa sa'kin 'to? Hindi ko akalaing ito ang madadatnan ko. Ang aking nobyo… at pinsan, magkasama sa isang kwarto, parehong hubo't hubad sa ibabaw ng kama, naghahalikan na animo bagong mag-asawa. T*ng*na! Napamura ako sa aking isip. "Mga walang-hiya kayo!" sigaw ko at malalaki ang hakbang kong sinugod silang dalawa. Sa gulat nila ay agad silang napabalikwas at napatingin sa akin. Nakita ko ang gulat na bumakas sa mukha ni Marvin. "Y-Yen?!" Malakas ko siyang sinampal, "How dare you?! Paano mo nagawa sa akin 'to?! T*ng*na, Marvin!" Napaluhod ako sa sahig, ang aking taksil na pinsan ay naroon lamang binabalot ang sarili sa kumot na hawak niya. Napahagulhol ako, para akong sinisilaban sa galit ngunit nangingibabaw sa aking dibdib ang sakit na umuubos ng aking lakas. "T*ng*na, Marvin, bakit?! Bakit, Marvin?!" paulit-ulit kong tanong sa kaniya. Ngunit wala akong nakuhang sagot, sa gabing 'yon, ang inakala kong perpektong relasyon at magandang kinabukasan kasama siya ay bigla na lamang gumuho. Bigla na lamang akong napatanong sa aking sarili… Totoo kayang may lalaki pang matino gaya ng mga sinusulat ko sa aking mga libro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD