Panaginip lang ba ‘yon? Pagkagising na pagkagising ko ay ang nangyari sa apartment ni Blessie ang agad na naalala ko. Alam kong hindi iyon panaginip dahil malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Agad na napahawak ako sa tiyan ko na sinuntok ng boyfriend ni Blessie kagabi. Napadaing ako nang madiinan ang isang bahagi sa gawing sikmura ko. Masakit pa rin pero hindi na kagaya sa sakit na naramdaman ko kagabi. I almost fainted last night because of the searing pain in my stomach. Mabuti na lang at may nakarinig sa sigaw ko at may tumulong sa akin. Kung wala sigurong dumating para tumulong ay baka tuluyan ko nang isinumpa ang mga lalaki! Hindi lang iyon ang unang beses na muntik na akong mapagsamantalahan. At ang nakakainis pa at hindi ko makalimutan ay dahil ex-boyfrie