Chapter 6

1138 Words
[MANDY] "E-Exception?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero pakiramdam ko tama siya. Para kasing wala na ako sa sarili ko kanina eh, nang muntik ng may mangyari sa amin, pero bigla na lang din akong nakagalaw at naitulak ko siya palayo sa'kin bago pa mapunta sa kung saan iyong nangyari kanina. "Ano'ng exception?" Parang ayaw niya pa magsalita pero napilit ko rin siya ulit nang hindi ko inaalis ang eye conatct ko sa kanya. Yun nga lang, medyo vague ang sinasabi niya. "You just repelled the power of my charm. And this is the first time that it has happened." "Ano raw? Baka pwedeng tagalugin mo na lang at baka sakilng maintindihan ko pa. Punyemas ka naman kasi, conyo ka pala 'di mo ako binigyan ng time makapag-adjust!" Hindi siya natawa doon sa sinabi ko kaya mas lalo akong nahiya. Mandy, ano na nga ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit hindi ka pa nagbibihis at umaalis dito? Talaga bang nagiging wild ka na? "You don't have to get it. In fact, it's better if you don't know exactly what just happened. I am a very dangerous person, Mandy. You should think that you are lucky that nothing happened between the two of us." Doon na ako napatayo. Hiyang-hiya na kasi ako. Talaga bang ipinapangalandakan niya pa na muntik ng may mangyari sa amin? Bweset talaga ang lalaking 'to! Napahiyaw naman ako sa gulat dahil nong pagkatayo ko sa kama, muntik naang malaglag 'yung kumot na nakatakip sa katawan ko. Mabuti na lang at maagap din pala itong lalaking 'to at nagawa niyang mapigilan yun bago pa mahulog sa bed ang kumot. Medyo nakakatawa nga eh, kasi ang dramatic ko pa sa part na yun kahit naman nakita na niya ang dapat niya makita sa'kin.  "Oo na! Wag ka ng feeling diyan! Alam ko naman na may kasalanan ako kasi pumunta pa ako rito, pero may kasalanan ka rin. Nag-take advantage ka. Kung 'di pa kita itinulak, 'di ka pa titigil." "That's why I apologized." "Okay, fine. Pareho lang naman tayo may mali. I guess, dapat din akong mag-sorry. Sorry for trespassing. O sige na, labas ka na muna at magbibihis na muna ako para makuwi na ako sa amin." Napangiti siya sa sinabi kong yun. Iyong smirk. May pagkasiraulo tlaga ang lalaking 'to eh. Alam ko kasi kung bakit siya napangiti nang ganun. Siguro natawa siyang pinalabas ko pa rin siya ng room kahit na siya rin naman ang naghubad ng pang-itaas ko. Jusko, ano ba talaga itong nagawa ko? Wala na talaga akong mukhang maihaharap dito sa lalaking ito. Pero teka nga, bakit ako ang mahihiya? Sinabi ko bang kaya ako nagpunta rito para makipagchukchakan sa kanya? Hindi naman ah! Kaya naman kinapalan ko na lang ang mukha ko at pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto niya at nagpunta na ako sa sala niya. Naabutan ko siyang umiinom ng tubig at ewan ko at sa Adam's Apple niya ako agad napatingin habang nalunok siya ng tubig. Siguro dahil hindi talaga maitanggi ng mga mata ko na hot nga talaga siya. Pero nag-iwas na ako ng tingin at dumiretso na pinto niya.  "Aalis na ako, Dark. Pasensiya ka na ha. Kalimutan na lang natin na nangyari yun---" "I don't think so, Mandy." "Huh?" "I said, I don't think na madali kitang makakalimutan. After what happened, you left me with damn good impression." Kumindat pa siya sa akin nang sinabi niya yun, pero dahil ayoko nang kiligin sa kanya ng wala sa oras, pinihit ko na ang door knob ng pinto niya at lumabas na ako.  Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas ko ng unit niya. Pero papunta pa lang ako sa unit ko, narinig ko na naman ang familiar na boses ng ex ko at ng Nanay niya kaya mula sa hagdanan kaya kaagad akong napabalik sa unit ni Dark. Mabuti na lamng at hindi niya iyon ni-lock kaya nabuksan ko agad. "Nakakaloka! Sana hindi ako nakita!" bulalas ko, at napahawak pa ako sa dibdib ko sa kaba. Ayoko lang talagang makaharap muna sina Rodney at ang nanay niya ngayon. "You're back," dinig kong sambit ng isang boses at nagulat na lang ako sa nakita. Nakahiga sa sofa si Dark, at wala na naman siyang suot maliban sa boxers. "This time, iisipin ko na talagang type mo ako kaya bumalik ka na naman." Hindi ko na ininda ang biro niya. "Dark, pwede bang dito muna ako? Please..." Nagmamakaawa na talaga ako sa kanya ngayon dahil wala na akong ibang mapagtataguan pa. "Bakit? What's happening?" "M-May iniiwasan lang ako. Andiyan na sila ngayon sa harap ng unit ko. Hindi nila ako pwedeng makita eh. Sige na, Dark, please..."  Akala ko talaga tatanggi siya dahil ang-iba bigla ang exp[ression ng mukha niya. Pero iba ang sinabi niya sa inaasahan ko. "Okay. I'll let you stay. But this time, you could no longer blame me if something happens between the two of us." "H-Ha? Bakit may ganyan pa? Sabihin mo na lang kung ayaw mong magpatuloy---" Napatayo siya mula sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Eh nasa pinto na ako, so wala na akong mappupuntahan kaya hindi ko na naiwasan nang ikulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya nang itukod niya ang mga ito sa pinto. Ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko, kaya napapikit ako. "You're worng, Mandy. On the contrary, gustong-gusto kong dito ka muna for the rest of the day. And night." Napamulat ako ulit dahil may diin sa pagkakasabi niya sa 'night.' "Dark... Hindi ko gusto ang sinasabi mo..." Napangisi siya and then lumayo na ulit sa akin. "Relax. I'm just playing with you. But yes, you can stay here."  "S-Salamat..." Nakahinga na ako nang maluwag dahil kahit papano ay kampante naman akong hindi na niya ako gagawan ng kung ano. Bumaliks siya sa kwarto niya at nagpaalam lang na matutulog siya, then nagsabi na rin siya na kumain na lang daw ako kung magutom na ako. marami naman daw siya pagkain sa ref. Basta, iniwan niya ako sa sala at narinig kong ni-lock niya pa ang pinto ng kwarto niya pagkasara niya rito. Nawindang tuloy ako.  Feeling niya ba papasukin ko siya? Neknek niya no! Kahit hot siya at parang model, hindi ako ganong tipo ng babae. Kaya naman naghintay na lang ako na umalis sina Rodney, pero mukhang trip niya talaga akong asarin dahil panay naman ang missed call niya sa akin. Dahil doon, alam kong nasa may unit ko pa siya.  Hindi ko na alam kung gaano katagal akong naghintay. Basta ang alam ko lang, sa sofa ako non naghihintay pero pagkamulat ko ng mata ko, nasa isang kama na ako at ang pinakanakakawindang ay nang ma-realize ko na may nakadagan sa akin, at ito'y walang iba kung hindi si Dark!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD