O1. HORROR PARTY
MELISA
"good bye everyone" sabi ng guro namin at lumabas na ng room namin. Recess time na namin kaya nagsihandaan na kami para pumunta ng canteen ng pigilan kami ng president namin.
"let's have discuss our horror party first!" sabi nya na may mataas na boses dahil maingay ang iba naming kaklase.
Natahimik kami at unti unti nagsibalikan sa mga sarili naming upuan. Plano namin na magkaroon ng horror party since malapit na ang halloween.
Lumapit sya sa may board at may kinuhang chalk "any suggestions for place" tanong nya kaya nagtaasan ang mga classmate ko. "arianne!" pagtawag nya sa isa kong kaklase
"I suggest delora mansion" sabi nya sabay turo sa kaklase kong lalaki na umiiling.
"bawal doon dahil bibisita sila grandma and grandpa" pag eexplain nya kaya nalungkot ang iba sa amin. Kadalasan kapag nagpaparty kami ay sa bahay nila dahil sya lang lagi ang naroon.
"any one, saan pa pwede" tanong ulit ni president, he's name is mario. "stephen" pagtawag nya sa kaklase kong lalaki
"what if kila melisa" sabi nya kaya nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin.
"sorry guys pero bawal sa amin ehh" simpleng sabi ko dahil alam naman nila na kapag month of November ay walang pasok ang lahat ng nakita sa bahay namin at ayaw nila mom ng maingay.
"oo nga pala november gaganapin yung horror party" nanghihinayang na sabi ni stephen
"sino pa may suggestions" pagtatanong ulit ni mario "okay, michelle" pagtatawag nya sa best friend ko kaya napatingin ako doon.
Ang alam ko ay bawal sa bahay nila dahil istrikto ang dad nya.
"I suggest my grandma's mansion" sabi nya kaya napatingin kami dito ng nakakunot. Nakakatakot ang mansion ng lola nya. Maraming mga design sa gilid na mga mata dahil mahilig sa mga mata ang lola nya, nakakatakot din ang labas ng mansion dahil sa mga tuyong puno doon lalo na kapag gabi. Nalaman namin yun once na nagparty kami doon pero saglit lang kami doon dahil nga sa nakakatakot.
"no way!" sabi ni mielda, isa sa matatakutin na kaklase ko. Napilit lang sya dahil binantaan sya na kapag hindi sya sumama ay bubulihin sya nila arianne.
"you have a point michelle, more scary, more fun" sabi ni mario at nagsipag tanguan naman kami bilang pagsang ayon. "okay it settled then sa mansion ng lola ni michelle natin gaganapin ang party"
"next, the costume" sabi ni mario "kailangan nakakatakot talaga ha"
Nagsipagtanguan kami "and then sa foods, bring what you want"
⏳⌛⏳
Pagkatapos namin mag usap usap ay lumabas na ako kasama si michelle at pumunta na kami ng canteen para magreccess.
Every 1st week of november ay wala kaming pasok at simula yun next week at simula nun ang horror party namin. We always do this every year and same with other occasions.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa room at nakinig sa mga boring na lessons.
⏳⌛⏳
Kinabukasan ay sabado at pupunta kami ni michelle sa SM para bumili ng costume para sa horror party namin. Today is october 29 at malapit na Mag November kaya may mga design narin yung SM pagpasok namin. Pumunta kami sa store ng mga costume at namili ng mga susuotin.
Naghiwalay muna kami ni michelle para mamili ng masusuot. Pumunta ako sa may mga vampire costume dahil ito ang napili kong suotin. Pumili na ako ng masusuot at syempre naghanap din ako ng pangil.
Pagkatapos kong mamili ay pumunta na ako sa cashier para magbayad na. Pagpunta ko doon ay nakita ko na si michelle na nakaupo sa may upuan at hawak ang dalawang paper bag kaya kumunot ang noo ko. May nagpabili ba sa kanya ng costume? .
Maraming nakapila ng pumila ako. Ilang tao pa ang nagbayad hanggang sa ako na ang sunod. Nagbayad na ako sa cashier at pinuntahan si michelle na nakaupo. Pagpunta ko doon ay tumayo na sya ng makita ako.
"antagal mo" may pagka inis na sabi nya kaya natawa nalang ako.
"alam mo naman na maraming tao doon kaya natagalan ako magbayad" sabi ko dito. "any way bakit dalawa ang binili mo?, may nagpabili ba sayo?" tanong ko dito
Napansin kong napa hinto sya sa tanong ko at parang nag isip ng isasagot sa tanong ko. "ahmm o-oo nagpabili sa akin si megan" medyo nauutal na sabi nya.
Nagtataka man sa kilos nya ay binalewala ko nalang ito. Kumain pa kami dahil sa tagal namin sa pagbili ng costume at nagutom kami. Alas siete na rin ng gabi ng napagpasyahan namin na umuwi na.
Sumakay na kami sa kotse nya dahil hindi na ako nagdala ng kotse ko. Pagkasakay namin sa kotse nya ay nagmaneho na sya papunta sa bahay namin.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami kaya nagtaka ako. Kapag naalis kami ay lagi kaming maingay at nagkekwentuhan kaya nagtataka ako ngayon sa katahimikan. Nasa tapat na kami ng bahay namin kaya inihinto na nya ito.
Bumaba na ako at hinintay ko pa syang may sasabihin pero pagbaba ko palang ay pinaandar nya na agad ang kotse nya paalis. Siguro ay nag away nanaman sila ng daddy nya kaya tulala sya ngayong araw.
Pumasok na ako sa gate namin at pagkatapos ay isinara ito. Nasa may pintuan na ako ng may makita ako sa sahig na isang card, black card.
Kinuha ko ito kahit na nagtataka. Pagkakuha ko dito ay binuksan ko ito at binasa.
Dear Melisa,
Let's start the party today, a party that will be a bloody party. Your going to find us but don't told them. Once you told them, you'll die with them.
The killer,
Golden skull
Nabitawan ang hawak kong papel pagkatapos kong basahin ang nakasulat. Nanginginig ang mga kamay at paa ko pero binuksan ko parin ang pintuan ng bahay namin.
W-what was that?!. Bakit may ganon sa labas ng pintuan namin?. Naglakad ako papunta sa kwarto ko ng tulala pagkabukas ko sa pintuan. Tumayo ang balahibo ko ng maalala ko yung sulat. Sino naman may gawa non. Bakit dito sa amin.
Inisip ko na baka prank lang yun dahil Mag no-november na. Huminga ako ng ilang beses bago ko napagdesisyonan na maligo na. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko ng nakatulala hanggang sa makatulog na ako.