Chapter 31

2022 Words
CAITH "GOOD morning, Cai," Agad na umangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses na iyon ni Sir Justin. Agad kong binaba ang phone ko at tumayo. "Good morning po," nakangiti kong bati dito na siyang ipinagtaka niya. Marahil ay iba ang ngiti ko sa mga nakasanayan nito. Hindi kasi ako mapakali, may tatlong number na iba-iba ang tumatawag sa akin. Hindi ko naman masagot dahil baka budulin lang ako. Uso pa naman iyon ngayon. Hindi ko naman masabi na baka company ang kailangan dahil may company phone kaming gamit at iyon ang ibinibigay tuwing may magtatanong. Imposisble din naman na number iyon ng mga pinag-applyan ko noon dahil ilang buwan na din at halos mag-iisang taon na ako dito. Isang buwan na lang, isang taon na ako dito kaya imposible. "Bakit parang hindi good ang morning mo?" tanong nito sa akin sabay dungaw. Marahan akong umupo tapos umiling. "Maganda naman po, naiinis lang po ako sa mga scammer na ito, pati tawag ginagawa na nilang bisyo," usal ko na ikinatawa nito. "Akala ko naman kung ano! Akala ko hindi mo pa kasi nakikita si Dustin," saad niya na ikinataas ng kilay ko. "Hindi po, sabay nga kaming pumasok e," saad ko na ikinagulat niya. "What?! Sinundo ka niya sa inyo?!" Medyo oa iyong reaksyon na iyon pero tinanguan ko pa din. Totoo naman kasi, nagulat din ako pagbaba ko ng sala namin para magpaalam na aalis ay nandoon siya at kakwentuhan si Papa. Nakakahiya nga lang dahil parang hindi pareho ang trato ni Mama kay Ali at kay Keith noon. Ngayon kitang-kita na ayaw ni Mama ang ideya na nandoon si Ali para sa akin. Bago pa ako umalis ay pasekreto pa akong tinanong ni Mama kung manliligaw ko ba si Ali sumagot ako ng totoo pero sa huli ay hindi naman ako nito pinaniwalaan. Hindi ko na lang pinansin dahil totoo naman ang sinabi ko at wala akong dapat iexplain dahil hindi rin naman nila papakinggan o paniniwalaan. Baka nga naninigurado lang si Mama. Magsasalita pa lang sana siya nang biglang sumulpot ang pinag-uusapan namin. "Ano na namang ginagawa mo dito?!" inis na tanong nito kay Sir Justin. Napatawa na lang ako dahil sa tanong niyang iyon pati na sa tono. Tono kasing 'pag-aari ko iyan, bakit binabakuran mo?' ganon! Hindi naman na bago iyan dahil isang linggo na simula nang umamin ako sa kan'ya at ayan nga nang-aakin na siya. Ang sabi pa niya noong nakaraan ay sisiguraduhin niyang kaming dalawa ang haharap sa altar. Hindi na ako kumontra doon dahil nang minsan kong kinontra ang pangarap niya ay inaway ako. Minsan lang naman siya magsabi ng pangarap niya sa akin kaya natutuwa na din ako. "Bakit ba? Gusto ko maggood morning e," saad nitong kaibigan niya sabay kindat. Natawa na lang ako nang biglang sundutin ni Ali ung mata niya. Mabuti na lang at mabilis na umiwas si Sir Justin kaya hindi talaga na natusok. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa habang nagsasagutan doon. Agad din naman silang natahimik nang dumating si Sir Miggy na kunot ang noo. "Dapat na ba akong masanay na kayo ang masisilayan ko dito bukod kay Cai?" tanong nito. "Si Justin lang, akala ko kasi nandito ka na kaya ako pumunta," usal ni Ali. "May balita na ba kay Theo?" tanong nito sa seryosong paraan. Tumingin naman sa akin si Sir Miggy bago muling tumingin kay Ali tapos tumuro sa opisina niya. "Doon tayo mag-usap," saad niya. "Cai, you can bring my schedules later paglabas nilang dalawa," usal nito sa akin na mabilis kong tinanguan. Nauna itong maglakad papasok kasunod si Sir Justin at naiwan si Ali sa akin. "Hindi ka pa papasok?" tanong ko sa kan'ya na nakatitig lang sa akin. "I love you," usal nito tapos kumindat at mabilis na naglakad papasok ng opisina. Iniwan ako nitong nakanganga at walang sagot sa sinabi niya. Imbes na mainis ay natawa na lang ako dahil sa ginawa niya. Muli akong naupo at inihanda ang sarili para anytime na lumabas sila Ali ay ako naman ang papasok sa loob. Habang nakaupo at nagbabasa, agad ako na patingin sa telepono ko nang tumunog iyon. Kunot noo ko iyong tinignan at ibang number na naman ang tumatawag. Napahinga na lang ako nang malalim at walang ganang sinagot ito. "Hello! Is this Caith Fayra delos Santos?" ayan ang bungad doon kaya naman alam ko na agad na isa ito sa mga inapplyan ko noon. I immediately reject it the moment she asks me if I'm still interested in the job. I told her that I already have a job and I'm settled on it. Nang matapos ang tawag ay napaisip ako na mukhang ung ibang natawag sa akin ay ganon din ang hanggad, maybe I should answer them too. Muli ko nang ibinaba ang phone ko at nagbasa-basa ng kung anu-ano doon habang sumusulyap-sulyap sa pintuan ni Sir Miggy na hindi naman nagtagal ay bumukas kaya mabilis akong tumayo bitbit ang ipad na may schedule ni Sir Migs. Habang naglalakad ako pasalubong kila Ali ay nagulat ako nang bigla akong pigilan ni Ali sa kakaibang paraan. He placed his right hand top of my tummy, para siyang nakayakap sa akin kaya mabilis akong napahinto. "Sa office ka maglunch," may ngiti ang labi nitong pagkakasabi sa akin kaya naman napangiti na lang din ako at tumango. "Sure, nagluto ka ng lunch?" tanong ko na mabilis nitong tinanguan kaya naman mangha akong ngumiti muli sa kan'ya. Kumindat lang naman ito sa akin at bago pa kami mahulog sa mundo ng isa't-isa ay may nagsalita na kaya sabay kaming napatingin sa kan'ya. "Ehem! Nandito ako oh?! Harap-harapan naghaharutan?!" sarkastikong saad ni Sir Justin at umirap pa sa amin. Kung ako ay natawa, eto namang nakakapit sa akin ay nakakunot ang noo. "Mukha ba akong may pakialam sa iyo?" pagtataray ni Ali kay Sir Justin kaya nakasimangot din siyang binalingan nito. "At least si Cai, concern sa akin," pagyayabang niya labas ng dila para dilaan si Ali. Padabog itong naglakad palagpas sa amin kaya naman niligon ko ito kaya nalipat sa likod ko ang kamay ni Ali. Napangiti naman ako nang bigla itong muling humarap sa amin. "Kapag ako nagkajowa! Iyayabang ko din sa iyo! Tapos lagi kaming magkikiss sa harapan ninyong dalawa!" usal niya sabay dila ulit at muling tumalikod. Hindi ko naman naiwasan na matawa sa sinabi nito, para siyang isang batang kinawawa ng kalaro. "Isip-bata kahit kailan," usal nitong katabi ko kaya mabilis ko siyang nilingon. "Ikaw din naman, pinatulan mo pa kasi," natatawang saad ko. "Sige na, punta na lang ako sa office mo mamaya, may gagawin pa ako," marahang usal ko na ikinatango niya. Matapos nitong muling magpaalala sa akin ay mabilis na kaming naghiwalay at nagtrabaho. "CAITH, maglunch ka na din," Isang tango naman ang sagot ko kay Sir Miggy nang dumaan ito sa akin. Ako naman din ay nag-asikaso ng sarili para makapunta sa floor nila Ali. Habang nasa kasagsagan ako ng paglalagay ng pulbo ay bigla akong napatigil. "Bakit ba ako nag-aayos? Kakain lang naman kami!" singhal ko sa sarili ko at mabilis na itinago ang lipstick ko at face powder. Masyado akong nagpapaganda e, kakain lang naman kami ni Ali hindi naman kami magdedate! Jusko po! Nagsuklay na lang ako ng ilang ulit bago naisipang bumaba na. Baka kasi mapagalitan na naman ako kung hindi ko bibilisan. Nang makarating ako doon sa floor nila, agad na tumaas ang kilay ko nang makita ko si Vera habang kausap si Jem. Sabay silang tumingin sa akin habang nakataas ang kilay at syempre dahil mas maldita ako sa kanila, hindi ako nagpatalo. Aba! Hindi na ako api-apihan dito 'no! Si Lloyd nga kaya kong harapin, sila pa?! Taas noo akong lumakad palagpas sa kanila at narinig ko silang nagsalita. "Linta," usal itong palakang ito. Huminto ako at nakangiting tumingin sa kanila. "Bagay kayong dalawa na magbff, isang plastic na basurahan at isang basura. Perfect combination," usal ko. nakangiti akong tumalikod sa kanila para sana maglakad papunta sa opisina ni Ali pero agad akong napahinto at napakagat ng ibabang labi nang makita ko si Ali na nakatingin sa akin. Nakangisi ito at habang ipinaparamdam na hindi siya natutuwa sa asal ko. Bakit? Sila nauna e! Tinawag nila akong linta! Ngumiti na lang ako dito at ipinagpatuloy ang paglalakad. Agad naman niya akong sinalubong ng kamay niya kaya sisimple sana ako ng tingin sa likod ko pero agad din naman akong pinitik nitong si Ali. "Enough," bulong niya na ikinatawa ko. Mabilis niya akong hinila papasok sa loob at doon ako muling pinitik sa noo, hindi naman masakit kaya tinawanan ko lang. "Ikaw, naghahanap ng away," sermon nito. "Hindi ako ang nauna ha! Sila iyon e! Sinabihan nila akong linta!" bwelta ko sabay himas kunwari sa noo ko. Nakataas ang kilay nitong tumawa sa akin at umirap. "Mahina lang iyon, wag ka magdrama diyan," saad niya habang patuloy sa paghila sa akin. "Kailan mo kaya ako lalambingin?" pagtataray ko kaya bigla siyang huminto at tumingin sa akin. "Kapag asawa na kita," usal nito. Napanguso lang naman ako at napairap. "Oh! Kokontrahin mo na naman ako," habol nito. "That's what I can see in my future, so don't say anything," Muli ako nitong hinila paupo sa couch ng office niya at iniwan doon. "Fortune teller ka na?" birong usal ko sabay sunod ng tingin sa kan'ya. Nakita ko itong nagpunta sa lamesa niya. Yumuko ito at mukhang may kinuha doon, pagkaangat niya buhat na nito ang isang thermal bag, mukhang doon niya inilagay ang niluto nito. "Oo, gusto mo hulaan kita?" usal nito habang pabalik sa upuan kung nasaan ako. Natawa naman ako nang makita ko ang itsura nito na nakasimangot. "Game! Mr. Fortune teller!" pang-aasar ko. Ibinaba nito ang dala niya at tumabi sa akin, mabilis na kinuha ang kamay ko at kunwaring binasa doon. "Nababasa ko na mapapalitan ng Montero ang surname mo in…" pinutol nito ang sinasabi at mukhang nag-isip. "In 2 years!" bulaslas niya. Malakas naman akong napatawa nang sabihin niya iyon at hindi ko pa sinasadyang nahampas siya. "Scoldy! Nakakainis! Ang korny mo!" singhal ko sabay kuha ng kamay ko sa kan'ya at nagpaypay bahagya. "Korny but you look like a cherry," usal niya. Napahawak naman ako sa dalawang pisngi ko at napanguso. Tumingin ako sa kan'ya at na natatawa lang ito habang inaayos ang pagkain namin. Napakatalaga nitong lalaking ito pagtinotopak! Kinalma ko na lang ang sarili ko bago ko tinignan ang niluto nito at namangha ako nang makita ko ang dalawang putahe na ginawa niya. "Marunong ka palang magluto? Tumingin sa akin at tumango. "Ikaw ba naman mamuhay ng mag-isa, kung hindi ako matuto magluto at asikasuhin ang sarili ko, mamatay ako," saad nito. "Ayokong kumakain sa mga restaurant o sa fast food chain. That's not healthy but okay lang naman pero hindi pwedeng madalas kaya nagluluto ako," Bigla namang nag-iba ang aura ko dahil sa sinabi nito at kusang napahawak ang kamay ko sa likod nito. "Life been so tough to you, kaya deserve mong maging masaya," usal ko dito. Ngumiti naman ito sa akin at tumango. "Everyone deserves to have a happy life. Maybe life is not fair but you have to get used to it and don't be unfair to others, let them also live in a happy life," Iba talaga si Ali kapag usapang buhay… seryoso at may laman lahat ng sinasabi. "Anyway! I also want to show you something!" usal niya at mabilis na tumayo kaya sinundan ko ito ng tingin. Napunta siya sa mga frame at napalaki ang mata ko nang makita ko iyong katabi ng constellation noong una. "I already I have a stars formation when you told me you love me," usal niya at malawak na ngumiti. Biglang akong nahawa sa ngiti nito na hindi ipinapakita sa iba. Parang napakapalad ko dahil nakikita ko ang pagiging masayahing side niya. Ibang-iba na siya kesa noong una kaming nagkita at nagkausap. Hindi na gaanong malalim at nakakalunod ang mga mata nito kung titig sa akin. I can now see through his eyes the happiness and love. I really hope it will last… -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD