Mirabella's POV . Dream . . "Travis!" . Halos lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Nahinto siya at nilingon ako. Tumaas medyo ang dalawang kilay niya at seryoso akong tinitigan. Nanginig ang tuhod ko habang palapit ako sa kanya. . "G-Gawa ko. S-Sana magustuhan mo." . Nilahad ko agad sa kanya ang plastic container. Nagluto ako kahapon ng moist chocolate cake. Birthday kasi ni Goldie, ang alaga naming isda. Hindi na nga niya dinalaw sa bahay ito. Naalala ko pa noon, noong ibinigay niya sa akin si Goldie, dalawang taon na din iyon. Napatitig lang siya sa container na hawak ko. Hindi pa niya kinuha ito. . "Yo, Travis! Ano iyan, Mirabella?" si Jaxon, isa sa mga barkada niya at kaklase na din. "Oi, Mirabella. May gusto ka kay Travis ano? Ikaw talaga bata ka. First year hi