Mirabella's POV . Secret . . "Ano? Masarapa ba ang unang halik? Mag kwento ka naman, Mirabella!" padabog na tanong ni Bebe. . Hindi ko siya pinansin at panay ang ayos ko sa mga gamit na nabili ko galing Maynila. Wala ni isa sa kanila ang sumundo sa akin. Kahit pa ang driver namin ay abala rin. Kaya ang ending ay kay Bebe na ako nagpasundo. At heto siya ngayon nangungulit sa detalye ng first kiss ko. . "Hoy, Mirabella! Ano ba! Magkwento ka naman, bruha!" Sapak niya sa balikat ko. Mahina lang naman ito. "Tasteless, lifeless, walang lasa at panis!" nguso ko sa kanya. . Napaawang lang din ang labi niya at mukhang natulalang nakatitig sa akin. Isa-isa ko nang nilapag sa harap niya ang regalo ko. Natahimik agad siya at napatingin na lang din dito. . "Bakit ba ang tahimik ng bahay n