Mirabella's POV . Exclusive . . Pesting palaka ang gwapo pa rin niya! Sigaw ng isip ko habang nakatitig ako ng husto sa mga mata ni Travis. Napunit ang puso ko at mukhang lalabas na ito mula sa dibdib ko ngayon. Ang daya nga naman ng tadhana. Heto ako patay na patay pa rin sa kanya, samantalang may asawa na siya. Kaloka! . Umayos ka Mirabella! Sigaw ng isip ko. . Napakurap ako at pilit na ngumiti. Natunaw lang lalo ang puso ko nang ngumiti siya at wala pa rin nagbago sa close-up smile ni Travis. Makalaglag panty pa rin ang ngiti niya. Dios ko, ano ba! . "Come on in," baritonong tugon niya. . He smile like a gentleman and open the door widely for me. Ang lamesa agad ng Papa niya ang una kong nakita. Pero nabigla ako dahil iba na ang nakasulat ng pangalan sa ibabaw nito, Travis