MEREDITH'S POV Lumabas na kami sa sasakyan. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Nasa harap kami ng isang malaking abandonadong warehouse, na sa palagay ko ay dagat na ang nasa likod nito. Rinig na rinig ko kasi ang mga alon at masyadong malakas ang hangin sa lugar na'to. Nagkatinginan kaming anim at sumenyas na kailangan na naming pumasok sa loob. We are wearing our masks, para hindi na rin kami ma-identify kung sakaling bumaliktad man ang transaction na 'to. Sina Tristan at Adam ay nanatili lang sa mga kotse nila. May nakadikit na micro-camera sa mga damit namin, at si Tristan naman ang bahalang magmasid gamit ang mga maliliit na camera na nakadikit sa suot namin. Tristan is expert in terms of technology, siya kasi yung pinakamatalino. And by the way, he's a hacke