MEREDITH'S POV Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock sa phone ko. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan, at pinatay. Grabe, napagod ako kahapon dahil sa activity namin. Nag-unat na'ko at tumayo, humikab pa nga. "Good morning!" rinig kong bati sa'kin ni Deither, kaya nag 'morning' din ako. Pumasok ako sa bathroom, para magsipilyo at maghilamos ng mukha. Nagising ang buong katawan ko dahil sa lamig ng tubig na nasa mukha ko. Nagpunas na'ko ng mukha at lumabas. Bumungad sa'kin si Deither na naka suot na ng team T-shirt. Ngayong araw gaganapin ang huling activity namin, bukas naman yung huling araw namin dito sa resort. Pagkatapos naming mag-ala Tarzan kahapon, at maligo sa putik, agad namin ito pinalabhan, para sa activity ngayon. Binigay sa'kin ni Deither yung T-shirt ko, na ag