MARCO's POV Nung tumayo na'ko pagkatapos mag dismiss ng prof, bigla na lang nag-vibrate yung phone ko sa bulsa, kaya agad kong tiningnan ko sino ang nag-text. Nagpop-up yung pangalan ni Derrick sa screen. Ano na naman kaya, ang kailanga ne'to? From: Derrick Roove Dude, pnta kayo ni Rose dto sa club pagktapos ng klase nyo. Urgent. Anong 'urgent' ang pinagsasabi niya? Tiningnan ko ang buong silid, at nakita ko pa si Meredith na nag-aayos ng gamit niya. Binasa ko ulit ang text na galing ni Derrick bago napabuga ng hangin. Kaagad kong nilapitan si Meredith sa pwesto niya. Hindi ko parin talaga maiaalis ang tingin sa suot-suot niyang jacket. "Meredith" tawag ko sa kanya na ikinatingin niya sa'kin. She faced me with a 'what' look, kulang nalang tumaas ang isa niyang kilay. "Kasi,