MEREDITH'S POV Hindi ko alam kung bakit kami pinatawag ni prof. para pumunta sa tabing dagat. Pero pagdating ko rito, wala naman siya. May nakita akong bonfire na nasa di kalayuan, at nandon na din yung mga ka club mate ko. Kaya lumakad na'ko papalapit sa kanila. "Rose! You came!" sabi ni Karch at tumayo pa para alalayin ako sa pwesto ko, na nasa tabi lang din niya. Bale, magkatabi kami. "So, anong meron?" tanong ko sa kanya. "Since last day na natin rito sa resort. Napag-isipan namin na mag alam mo na..." si Derrick na yung sumagot, at pinakita sakin ang ilang bote ng beer... Okay? Iinum kami ngayon? Bigla na lang nagsigawan yung mga ka club mate ko. Nagsimula na silang mag-inuman, at ako? Nah... I don't want to drink, bukas na yung biyahe namin papuntang Manila, t