TWO

3176 Words
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko sa kwarto, It's already 7 in the morning. Pagkatapos kong maghilamos ng mukha at mag toothbrush, pumunta ako sa walk-in closet ko at nagbihis ng sports attire. Lumabas ako ng kwarto at agad na bumaba. Wala pang tao, tulog pa siguro ang mga ‘yon. Dumiretso ako sa isang kwarto na puro weights, treadmill at kung ano-ano pa na pwedeng magamit para pang ehersisyo. Nagsimula na akong mag treadmill, push-up, sit-ups nang may biglang pumasok. Ang limang unggoy ang sabay-sabay na pumasok habang nag pu-push-up ako. Nakita ko na nagulat sila, ano naman ang ikinagulat ng mga unggoy na toh?   "A-ah,morning Rose." - Adam "Nag pupush-up ka? Astig!" - Lance "Ngayon ko lang ulit nakita ang totoong mata mo, Queen." - Tristan   Agad akong umiwas ng tingin, nakalimutan kong mag contact lens. Kahapon kasi wala akong suot na contact lens dun sa club, kaya yung bartender na ‘yon panay tingin sa mga mata ko. Napagdeisyunan ko na bago ako lumabas ng club pupunta muna ako restroom at mag suot ng contact lens na brown. Kaya nung pumunta ako sa bahay na'to kulay kayumangging mga mata ang nadatnan nila. Ngayun lang ulit nila nakita ang kulay berde kong mga mata, maliban na lang kay Van na palagi kong kasama sa L.A.   "Ang aga mo ata Queen." - Van   Hindi ko na sila pinansin at kumaha ng towel at pinunasan ang mga pawis ko sa mukha. Lumabas na’ko at agad na pumunta sa kwarto ko upang magpahinga muna at maligo pagkatapos.   VAN'S POV "Syete! Nanginit katawan ko nun ah!" sambit ni Lance. Aba't matinde! Kapag narinig ni Rose ang pinagsasabi netong lalakeng toh, ay naku! Bibili na ako ng kabaong.   "Pinagsasabi mo diyan huy!" singhal ko sa kanya. Kababata ko si Rose tapos pinagsasabihan pa niya ng ganon? Kaya ayun! Binatukan ko siya.   "Aray namana, eh syempre biro lang yun. Ano ka ba! Nagseselos ka no? Wag kang mag-alala Vanny Baby, sayo lang ang gwapong gwapong ako," ani niya. Eh gago pala toh eh! Vanny Baby, Vanny Baby siya diyan. Ang bakla!   "Manahimik ka diyan Hawkins! Eh di hamak mas gwapo ako sa'yo noh!" sambit ko habang nakangisi. Magpapahuli ba ako? Eh mas gwapo naman talaga ako kesa sa lalakeng toh. Mas matinik kaya ako sa mga chix.   "Eh mas gwapo kaya ako sa inyo." Aba! Sumibat din ‘tong Adam na ‘to habang nag pu-push-up. Si Lance nag te-treadmill at ako naman, nag we-weights. Kailangan kong ma enhance ang mga muscles ko noh.   "Ang ingay niyo," cold na sabi ni Sebastian habang nag si-sit-up, siya ang pinakatahimik sa aming lima. Eh boy version ata siya ni Rose eh, dine-dedma nga kami niyan minsan.   "Huy Tristan, ba't ang tahimik mo diyan? Ano na naman ang nakain mo?" ani niya Lance. Tahimik nga si Tristan habang nag te-treadmill din. Ano na naman kaya ang iniisip neto.   "Ah, wala, kasi ano yung mga mata ni Rose, ngayon ko lang ulit nakita. Eh bakit kaya tinatago niya yun, ang ganda nga ng mata niya." Napaisip nga din ako. Bakit kaya? Bakit kaya tinatago ni Rose ang magagandang berde niyang mga mata. Kung ako may ganun ka gandang mata, eh hindi ko talaga itatago. Siguradong matinik yun sa mga chix!   "Ako nga din eh, nagulat din ako nung nakita ko ulit ang mga mata niya, I mean it's been a decade since the last time I saw her mesmerizing green eyes. Kahit bumibisita tayo sa kanya sa L.A. eh naka contact lens lang siya." I agree to what Lance said, nung pumunta kami dito, wala naman siyang ginamit na contact lens. Tas pag dating niya dito sa bahay, ayun! Suot-suot na ang contact lens. Nabubwisit kasi siya kapag may tumititig sa kanyang mata. Tsk!   ---   Palabas na kami sa kwarto pagkatapos naming mag ehersisyo. Pero palabas palang kami naaamoy na namin ang masarap na pagkain. Takte! Nagugutom nako!   "Naiisip niyo ba ang iniisip ko?" - Lance   Gago! Sira ba siya? Malamang oo! Pagkain yun! Pagkain!   "Unahan na lang tayo!!" Nakita namin na kumaripas na sa pagtakbo si Adam papuntang dining area. Wengya! Mauubos niya yun!! Kaya tumakbo na kaming lahat papunta sa dining area. Hindi man halata pero matakaw kami sa pagkain hehe.   Natigilan kaming lahat sa dami ng pagkain na nakahain, at lahat sila masasarap!! Kukuha sana kami ng pagkain sa mesa, pero agad naming binawi ang mga kamay namin nang may limang kutsilyo ang humarang sa mga pagkain na balak naming tikman. At mas nagulat kami ng makita namin si Rose na naka apron at nakatali ang buhok. Siya ang nagluto ng mga pagkaing toh? Akala ko deliver lang.   "What are you guys doing?" sabi niya habang naka kunot ang noo. Putek! ilang lunok na ang nagawa ko, pero wala talaga ang may balak na sagutin ang tanong ni Rose. Eh pano naman kami makakasagot kung natatakot kami sa aura niya? Mukha naiinip na siya kaya ako na lang ang sumagot.   "Ah… Kase, balak lang naman naming tikman ang luto mo Queen. Mukhang masarap kasi," sambit ko pero tinaasan niya lang kami ng kilay. Tang*na! Kanina na'ko naglalaway sa mga pagkain dito. Pansin ko na din yung apat na kanina pa natatakaman sa mga pagkain na nakahain. Wengya!   "Maligo muna kayo, puno kayo ng pawis baka ano pa ang malasahan ko sa pagkain." Napanguso kaming lahat, pero syempre, maliban kay Sebastian. Ang seryoso kaya nung lalakeng yun. Pero hindi parin kami umaalis sa mga pwesto namin, kahit kating-kati na talaga ang mga kamay ko na kunin ang mga masasarap na pagkain ‘yon. "Walang kakain sa inyo kung hindi kayo maliligo," pagkasabi ni Rose nun, nakita na lang namin na agad na tumakbo si Sebastian papunta sa itaas, para maligo. Damn! Mauunahan kami nang mokong yun! Dali-dali na rin kaming sumunod sa taas upang maligo, ahhhh!!! Takam na takam na talaga ako!!     MEREDITH'S POV    Tapos na kaming kumain, and guess what? Naubos lahat and I'm happy because they actually liked it. It wasn't my first time cooking, but it was the first time I cook for them. Hindi nga sila makapaniwala na ako ang nagluto ng lahat na yun. Akala nila na deliver daw, tss   Nakita ko si Van sa labas na nasa garden, so I approached his direction and sat beside him. Saglit lang siyang tumingin sa'kin at ningitian ako, so I started the conversation.   "Is everything settled?"   "Yeah, papasok kana next week sa East Neumann University"   Tumango lang ako sa sagot ni Van. Pasukan na pala, hindi ko maiwasang makaramdam ng konting saya dahil matutupad ko na ang huling kahilingan ni mom na makapagtapos ako. "Van, how about the company?" "Well it's still great...”  Tumingin siya sa'kin na may ngiti ... your company goes very well" he continued, I can't help to but smile back. The company that he’s referring is the Thronos. We decided to established our training grounds here in the Philippines rather than in Los Angeles. Mas gusto ko dito mag recruit kesa doon. Most of our trainees are women and each one of them had different tragic experiences like mine. Thronos is the place where they can be who ever they wanted to be, it will mold them to become a fighter and an individual who can manage and protect their own lives.   "Movie Marathon tayo guys! Dali na!" rinig naming sigaw ni Adam, kaya nagkatinginan kami ni Van na may ngiti. Favorite bonding naming lahat ang movie marathon at namiss ko silang kasamang manood.   "Oh, movie marathon daw. Ano game?" - Van   "Oo ba," I heard him chuckled, kaya agad na akong tumayo at pumunta sa loob ng bahay. Pero agad niya akong nahabol at umakbay sa'kin. Kanya-kanya kaming pumili ng puwesto, ako dito ako sa gitna, mas gusto ko dito eh.   Ngayon na ang pasukan, and it was my last year in college. Pagkatapos kong magbihis, I look my whole reflection in the mirror, para lang akong ordinaryong babae. Nakacontact lens na din ako para hindi nila makita ang totoo kong mga mata. Agad ko nang kinuha ang bag na nasa kama at agad na lumabas nang kwarto.   "Aga natin ha? Excited kana bang pumasok Rose?" Nakasalubong ko si Tristan sa labas ng kwarto, mukhang kakagising lang ng unggoy, kinusot-kusot pa kasi ang mata.   "Tss, whatever." Sabi ko at inunahan ko na siyang bumaba. Agad naman akong pumunta sa dining area at nakita ko ang mga mug ng coffee and sandwiches. Ininum ko naman ang kape na mainit-init pa, at kinain ang isang pirasong sandwich. Lalabas na sana ako ng bahay ng may nagsalita sa likuran ko...     "You forgot to bring this." I saw Sebastian holding a gun. Ano bang pinagsasabi ng unggoy na'to? Hindi pwedeng magdala ng mga ganung bagay sa eskwelahan na pinasukan ko. Ganun ka higpit ang security ng eskwelahang yun, tsaka hindi naman talaga pwede ang mga ganyan sa loob ng university. Nag-iisip pa ba to ang isang to?   "What are you talking about? Hindi pwedeng magdala ng baril sa eskwelahang papasukan ko."   "I know, but this is for your safety Meire. Marami tayong mga kalaban sa mafia at alam natin na ikaw ang pakay nila."   "I can handle myself Dale, nothing to worry about," I said as I heard him sighed.    "Okay fine, basta mag-ingat ka dun," sabi niya. I smiled and run towards him to give him a hug. At first nagulat siya sa ginawa ko, but he also hugged me back.    "Eherm! Ano na naman yan? Hay naku Rose, magtatampo na talaga kami sa'yo. Si Sebastian lang ang niyayakap mo," napalingon ako sa likuran ni Dale at doon ko sila nakitang nakatayo habang nakakrus ang mga braso at sabay-sabay na umiwas ng tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa nila. "Hay naku din!" sabi ko habang papunta sa kanila at isa-isang niyakap. "I still have class, una nako," I continued. Palabas na sana ako ng bahay ng magsalita na naman ang isang unggoy. "Ihahatid ka na namin Rose," sabi ni Adam. "No, I can handle myself, mag mo-motor na lang ako." "Pero…" Heto na naman ang kakulitan ng mga unggoy. "No buts guys, malelate na'ko. Adios!" Lumabas na ako ng bahay habang bitbit ang aking bag. Pumunta na'ko sa motor ko at mabilis na pinaharurot, malelate na kasi ako. Alam ko naman kung nasan ang exact location ng eskwelahan kaya mabilis akong nakarating.   ---   Agad naman akong bumaba sa motor ng matapos ko na tong i-park. Madami ding mga tao dito sa parking area, halos sabay-sabay kasing dumadating. Nagumpisa na akong maglakad papunta sa una kong klase. Malaki naman ang East Neumann University, pero mas malaki talaga ang napasukan kong university sa L.A.   "Pare chicks oh."  "Transferee ata, ngayun ko lang nakita eh." "Ang ganda naman niya. Sana ganyan din ako kaganda." "Hmmp! Di hamak na mas maganda naman ako diyan eh."   Yan ang mga narinig ko habang naglalakad sa hallway ng isang building dito sa ENU. Sa totoo lang, gusto kong pag-untugin ang mga ulo ng mga tao dito. Ang ayaw ko sa lahat ang pagusapan ako kahit na rinig na rinig ko naman.   Dahil ayaw kong gumawa ng gulo dito, I remained my mouth shut, and calm myself. Kaya nang makita ko na ang hinahanap ko, agad na akong pumasok sa loob at umupo. Pero hindi parin ako nakatakas sa mga bulong-bulongan, at mga titig. ' F-ucking people! Stop staring at me!' yan ang gusto kong isigaw sa mga tao dito sa loob.      At sa wakas!   Ngayon lang ata ako nasiyahan na may pumasok na isang prof sa klase kaya agad na nag si-upuan ang mga tao dito.   "For those who are transferees, I'm Raymond Suarez. Your professor for Business Management Course"   "Ang gwapo talaga ni sir" "I agree" "Hottie Professor (chuckle)"     "Okay, now may each one of you please introduce yourself in class. May we start with...   May tiningnan siya sa papel, maybe its the list of students in this section.   ... Ms. Mercalli"   Agad naman akong tumayo, kaya tumingin silang lahat sa'kin. I stared at them for a while before I started to speak.   "I'm Rose Meredith Mercalli, 21," I normally said, kaya umupo na ako. Ilan sa kanila ay nakatingin parin sa’kin kaya hindi ko maiwasang mainis. What's wrong with my face?! Hindi naman ganito makatitig ang mga tao sa L.A. ah!   Madami-dami rin kami sa section na to, kaya whole time ng klase ay introduction lang ang ginawa. Most are nerds, varsity players, and uhm... bitches? I don't know? Mabibilang lang kasi ang mga 'normal' dito.   Wala nga kaming ginawa kundi ang umupo lang at maghintay na matapos ang pag i-introduce, habang yung iba, alam niyo na yung mga bitches? Pinaguusapan nila yung mga tao dito sa loob, especially yung mga varsity players, naka suot kasi ng varsity jacket first day na first day ng klase. Kung makabulong kasi parang bubuyog, eh maganda sana kung hindi mo naririnig, eh rinig na rinig kaya. Tss.   ----   "Dismiss." Finally, the unproductive class has ended. Eh gusto ko pa ngang matulog eh.   Wait, I think its a great idea!   Hindi naman siguro masama kong matulog lang ng ilang minuto diba? Sabi kasi nung prof wala naman daw masyadong gagawin sa araw na'to, since it was the first day of class. Pero bago ako humanap ng matutulugan sa eskwelahang toh. I decided to go to the cafeteria, simply because I want to eat.   Okay, now I'm heading to the cafeteria, pero panay titig pa rin ang mga tao na makasalubong ko. Ano ba naman! Alien ba'ko huh?   Cafeteria   I like the smell of aroma from the pastries in this cafeteria. Kaagad akong pumunta sa counter para pumili ng kakainin ko. I didn't mind those pairs of eyes staring at me kahit nakakairita na. I ordered a slice of cheesecake and a milkshake, pagkatapos ay humanap na ako ng vacant table. May nakita naman ako sa di kalayuan, kaya pumunta na ako dun at agad na inilapag ang dala kong tray at sinimulan ko nang kumain. Hindi pa nga ako nangangalahati sa pagkain ng cheesecake ay may lumapit nang tatlong lalake sa table ko. "Hey beautiful, I think you're just new here. I’m Dylan,” he said while flashing his sweet smile and extending his arms to me. Tiningnan ko lang siya ng pagkabagot, ang ayaw ko sa lahat ang may nang iistorbo sa'kin habang kumakain ako.  "Pano yan dude, hindi gumana ang charms mo haha! Ako naman." Hindi ba nila nahahalata na hindi ko sila gustong makilala, ha?! Sana dinala ko na lang yung baril. "Hey gorgeous, do you want to have lunch with me later? My treat *wink*" I still did the same thing to the second guy, I gave him my bored look.   "Tsk! alam niyo hindi kayo marunong, ako na nga," the last guy chuckled. Nakakairita na silang tatlo.   "Hi, if you're free later you can come to my place and probably do something... Fun?"  He said and bit his lower lip. Seriously? Is he trying to fcking seduce me? Napairap ako, its not effective, hindi siya marunong.    I gave them my seductive smile, nagulat nga sila pero nawala din agad. Kaya ayun yung ikatlong mokong ang lapad ng ngiti, akala niya siguro pumapayag ako. Well, he's wrong. I stood up and walk towards him, kinuha ko ang kwelyo niya at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.   "Are you trying to seduce me? *chuckles* Well I'm sorry honey, it doesn't turn me on." Tumingin ako sa kanya at ilang inch lang ang pagitan ng mukha namin. Pinapapawisan siya, pfftt! I gave him again my seductive smile. Pagkatapos, ay kaagad na akong lumabas sa cafeteria, tumitingin pa nga ang mga tao dito sa tuwing madadaanan ko sila. I also heard some gossips tsk! Umiiling na lang akong lumabas ng cafeteria. I left the 3 jerks dumbfounded.   Dahil na badtrip ako nang hindi ko man lang natapos ang pagkain ko, naghanap na ako ng lugar kung saan pwede akong matulog. Habang naghahanap, napatingin ako sa itaas ng building at napangiti ako ng may biglang akong naisip. Kaagad akong pumunta sa building nayun at naglakad papunta sa itaas.   Perfect...   A perfect place where to sleep, walang maingay, walang tao, at sariwa ang hangin. Napangiti na lang ako, I looked at my wristwatch and good thing I still have an hour before my next class. Hindi na din masama. Kaagad akong pumunta sa nagiisang bench dito sa rooftop, I positioned myself comfortably and closed my eyes.     -----     Agad akong napamulat ng pakiramdam ko'y may nakamasid sa'kin. Medyo blurry pa ang paningin ko, pero agad naman ding luminaw. At hindi nga ako nagkamali, may nakamasid nga sa'kin at ang lapit ng mukha niya!   Walang pagdadalawang isip ko siyang tinulak dahilan upang mapaupo siya sa sahig. At sino naman ang hindi magugulat kung may taong napakalapit ng mukha sa'yo?! Aber?!   "Aww... Ang sakit nun ha?" sabi nung lalake. He seems familiar, parang nakita ko na siya dati pero di ko naalala kung saan.   "Ano ba kasi ang ginagawa mo?!" I said. Hindi ko na na-control ang pagsigaw ko sa kanya.   "Woah, relax. Wala naman akong balak na gawin sa'yo. I'm just checking on you, kasi parang hindi ka na humihinga," he explained. Talaga lang ha? Checking on me? Tss.   Tiningnan ko lang siya ng maigi, he really looks familiar. He also did the same thing. Now, we're staring at each other straight into our eyes. It takes a second bago siya tumingin sa ibang direksyon.   "Ahm... What are you doing here?" he stated while avoiding my gaze.   "It's none of your business Mr.?" tumingin na siya sa'kin na may maliit na ngiti sa labi, tss.   "Neumann, Nick Marco Neumann," sabi niya at inilahad ang kanyang kamay. Neumann huh? Kung tama ang hinala ko, siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang to? East Neumann University. I smirked on my own thought.   "And you are Ms.?" Wala naman sigurong mawawala kung makipagkamayan lang ako sa anak ng may-ari ng eskwelahang ‘to diba?    "Mercalli, Rose Meredith Mercalli," I said and accept his hands. "Nice to meet you Meredith," he said while smiling. Hindi ba siya nagsasawang ngumiti? Meredith huh? He called me by my second name, obviously.   "Nice to meet you too Marco," ani ko, na mas lalong ikinalapad ng kanyang mga ngiti. Tinawag niya ko sa pangalawang pangalan ko, kaya tatawagin ko rin siya sa pangalawang pangalan niya. Patas lang kami, tss.   Agad naman akong may naalala, kaya agad akong tumingin sa relong pambisig ko. Nagulat ako ng malaman na limang minuto na lang at male-late na'ko. s**t! Tumayo ako at tumakbo papunta sa pinto ng rooftop, ayokong ma-late!   "Teka Meredith, saan ka pupunta?"   "Male-late na'ko okay?"   "Ahm.... See you around?" napatigil ako sa pagtakbo papunta sa pinto ng rooftop at lumingon sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo na, I admit he’s kinda tall. Tiningnan ko lang siya na halatang naghihintay ng sagot.   "See you around Marco," sambit ko. Pagkatapos nun ay kaagad na akong lumabas at tumakbo sa susunod kong klase. Dammit! Male-late ako ne'to! Sana late din ang prof namin.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD