Chapter 3

1775 Words
THREE Quira I shut my eyes as cold water embraced me. Napakasarap ng ihip ng hanging umiihip sa mga dahon. Mula sa aking pwesto sa maliit na lawang mayroon ang teritoryo ng Mayhem, napagmasdan ko ang papalubog na araw. Lumangoy ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa pantalan at tahimik na pinagmasdan ang aking mga paang nakalubog sa tubig. I remember going here with my Dad to fish. He's not really good at fishing but for the sake of quality time, he forced himself to catch worms and try to catch even small fishes for me. Mapakla akong napangiti nang maalala na naman ang mga pinagsamahan namin ng aking ama. Anim na taon na mula nang mawala siya pero tila kahapon lang nangyari ang trahedyang bumago sa aking buhay. I am no longer the bratty daughter of Alpha Quivo. The night Mayhem was given to me to rule, I slowly turned into someone I never imagined myself to be. Masyadong natuon sa Mayhem ang aking atensyon. Pinalakas ko ang aking hukbo, pinatibay ang depensang nakapalibot sa aming teritoryo, ginawa kong bato ang puso ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng oras para intindihin ang nararamdaman ko. All I cared about is my pack. I wanted my Daddy to be proud of me. I wanted him to see that I am worthy of his place. Kahit na babae ako, hindi ko hahayaang maliitin ng iba ang Mayhem. I breathed deeply then released a sigh. Nang maramdaman ko ang pamilyar na mga hakbang, muli kong iminulat ang aking mga mata. "Kamusta ang naging lakad ninyo?" Tanong ko habang nakatitig sa aking mga paang nakalubog pa rin sa tubig. He continued walking towards me. Nang marating niya ako'y hinubad niya ang kanyang sapatos at tiniklop ang kanyang pantalon saka siya naupo sa aking tabi. Nilubog niya ang kanyang mga paa sa tubig saka siya tumingala upang pagmasdan ang papalubong na araw. "Aerom seems to hate the idea." He said in a tired tone. Napairap ako sa kawalan. Hinilamos ko sa aking mukha ang aking palad saka ko ikinampay ang aking mga paa. "That man. Kailan ba makikiisa ang lalakeng iyon? Nirvana will never unite if he'll keep being such a nomad. " Inis kong tugon. Mahinang natawa si Rixon. Pinisil niya ang aking pisngi dahilan para mabaling ang aking tingin sa singkit niyang mga mata. "Pabayaan mo na lang siya. Darating ang araw na mangangailangan din siya ng tulong. He's just being neutral, I guess." Malumanay niyang sabi. "Argh!" I groaned then rolled my eyes. "Tigilan niya ako sa neutral-neutral na 'yan. Wala na siyang naitulong para maging maayos ang Nirvana." Mahinang piniga ni Rixon ang aking balikat matapos niyang umakbay. "Relax, will yah? Pumapanget ka. When was the last time you smiled, huh?" Nakakunot ang noo niyang tanong. Muli ko siyang inirapan. "Wala akong panahon para r'yan. Masyadong maraming nagbabadyang panganib. Hindi pwedeng basta na lang akong magpakakampante." Napabuntong hininga siya sa narinig. "Alam mo, Leonie, siguro kaya ka ganyan kasi kailangan mo na ng lalake sa buhay mo." Kunot-noo ko siyang nilingon. "Hindi pa ba lalake ang tawag mo sa sarili mo? Kay Uncle Laurde? Sa mga myembro ng pack?" Sarkastiko kong tanong. Marahas siyang bumuntong hininga habang nakasimangot. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Ngumisi ako at umiling saka ko muling ibinaling sa tubig ang aking tingin. "Alam ko..." "Alam mo naman pala. Bakit kasi hindi mo naman subukan? Malay mo, mas gumaan ang buhay mo kapa--" "Tell me, Rixon. What guarantees that if I'd start dating, I'd be more than what I am right now?" I cut him off. Sandali siyang hindi nakakibo. Mayamaya'y napakamot siya ng patilya niya saka marahas na bumuntong hininga. "It really is the independent women who are the hardest to convince that they need men in their life..." "Exactly." I crossed my arms in front of my chest. "Why? Hmm? Tell me?" He pouted then gazed back at the sky. Mayamaya'y bahagyang kumurba ang kanyang mga labi. "Because maybe tough people needs a little touch of softness in their lives to keep things balanced..." Napangisi ako sa narinig. "There we go again with your book-ish words, Rix." Mahina siyang natawa. "What I mean is, love will balance things. Hindi naman sa lahat ng oras kailangang malakas ka. Minsan kailangan mo ring hayaang makita ng ibang tao ang kahinaan mo." "At bakit ko naman gagawin 'yon?" Tumaas ang aking kilay. Mapakla siyang ngumiti at ilang segundong tumitig sa akin. "So you'd know who's willing to see your flaws and weaknesses but would still love you anyway...because those people are the ones who truly deserve to be in your heart." Natigilan ako sa narinig. Napatitig ako kay Rixon at napaisip sa kanyang sinabi. Tama siya... Ang may karapatan lamang na manatili sa ating puso ay ang mga taong tanggap ang parte ng pagkatao nating madalas maging tayo, hindi natin kayang tanggapin. Sadly, only a few people are willing to love that way. Madalas palaging may kapalit. It's so hard to show your weakness to some people because you don't know if they'd love you more for that or they'd use that against you. Mahirap kasing malaman kung sinong totoo sa hindi. Kapag dumilim na ang paligid mo, mahirap nang tukuyin kung sinong mananatili sa tabi mo kapag nawalan na ng kinang ang koronang suot mo. I'm afraid to show everything of me to people. I guess that's the sad truth. Everyone has a side we do not let others to see 'cause we're afraid that they wouldn't accept us anymore once they see it. I let out a sigh then gently stroked my wet hair with my fingers. "I guess dating isn't for me, Rix. After all, I've always been one of the boys." Umismid siya at muling piniga ang aking balikat. "Maybe you just haven't met the right man, Leonie. Maybe none of the boys in Mayhem picks your attention..." Napangisi ako sa narinig. Iniling ko ang aking ulo saka ko pinatong ang aking mga kamay sa aking magkabilang hita. Humugot akong muli ng malalim na hininga saka ito pinakawalan. "Billions... Billions of people are walking on this Earth yet it seems so hard to find someone to be with forever..." I uttered hopelessly. "Maybe because you are setting a standard you're not supposed to set in the first place..." He said softly. My brows furrowed. "Everyone has standards. You have standards." Tumango-tango siya. "I do. But standards are set by our minds...love is supposed to be felt by the heart." Mahina akong natawa. "Okay, Shakespeare. What exactly do you mean?" Natawa rin siya sa sinabi ko. "What I mean is, we shouldn't let the standards our eyes and mind had set to stop us from finding true love. Okay, that's just so gay. Forget I ever said that." I chuckled softly. "Enough with the romantic novels, Rixon. You're being hopeless romantic. You're starting to scare me..." Ginulo niya ang aking buhok saka siya tumingal ulit sa langit. Ilang bituin na ang sumisilip dala ng tuluyang paglubog ng araw. "I hope we find love the way the characters in the books did..." He said hopelessly. I just chuckled softly. Yes, hopeleas romantic guys exist... Too bad, looks like their club president happened to be my bestfriend. He dramatically sighed then stood up. "A'right. I gotta go visit the Deltas on the North boundary. May dalawang trainees doon. Baka mapag-initan ni Shane." "Go. Susunod ako." Untag ko bago ako tumalon ulit sa tubig. Rixon smiled at me then nodded his hand. Nakabaon ang mga palad sa kanyang bulsa nang tuluyan siyang humakbang paalis. Lumangoy ako patungo sa mas malalim na parte ng lawa saka ko pinagmasdan ang mga bituin. Hinayaan ko ang sarili kong magbabad pa ng halos kalahating oras. My eyes focused on the star near the crescent moon. Its glow seems so inviting and mesmerizing. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isip at bigla kong isinara ang aking mga mata. As I slowly shut my eyes, my lips suddenly uttered a wish I never thought I'd ever ask. Give me someone who'll make me believe in magic again... Magic. Not the magic the spells could do... But the magic love can. Natawa ako sa aking sarili dahil sa nahiling. Umiling-iling ako't hinilamusan ang aking mukha. "Kung ano-anong naiisip mo, Quira." Bumuga ako ng hangin at nagdesisyon nang bumalik sa pantalan. Sumampa ako rito at dinampot ang coat at boots ko ngunit kukunin ko pa lang ang aking mga espada ay bigla kong narinig ang tinig ng aking Beta. Tresspasser... North border... Inayos ko ang aking sarili saka ako nagtungo sa nasabing lugar. Hindi ito kalayuan sa lawa kaya naman ilang minuto pa lamang, narating ko na ang pangkat ng deltas na nagbabantay sa bahaging iyon. There's twelve of them including Shane and Rixon. Si Shane ay may inaapakang nakadapang tao sa lupa. "What's going on here?" Seryoso kong tanong. Nabaling ang tingin ng lahat sa akin maliban sa lalakeng nakadapa. Nakaapak si Shane sa gilid ng mukha nito kaya hindi niya magawang ibaling sa akin ang kanyang tingin. "Nakapasok. Hinahanap si Alpha Quivo." Ani Shane. Bahagyang kumirot ang aking dibdib sa pangalang nabanggit. Lumunok ako at sinenyas ang aking kamay. "Get him up." Utos ko. Kaagad na inalis ni Shane ang pagkakatapak sa lalake. He seems decent with his denim jacket and faded jeans. His hair's dirty blonde that seems to be freshly cut. In his hand is a medium-size bag that doesn't smell anything threatening. Nang iangat siya ng mga delta ay humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang baba. I lifted his face up but the moment I catch his brown pools, an unfamiliar feeling made me feel that everything in the background magically freeze as our eyes locked at each other's gaze. His thick and intimidating brows matched with his well-defined jaw and narrow nose. There's freckles on his cheeks that seem to make him look better. I didn't know a flaw could make someone look better? And his lips...I've never seen such lips as inviting as his... I heard Rixon clear his throat. I suddenly went back to my senses and tried to compose myself again as I gave the tresspasser a cold stare. "Bakit hinahanap mo ang tatay ko?" Seryoso kong tanong. His manly brows furrowed. "You are Quivo Sutherhane's daughter?" I nodded my head. "I am. I am Alpha Quira Leonie Sutherhane...and you are?" Unti-unting gumuhit ang isang makahulugang ngisi sa kanyang mga labi. Mayamaya'y binuksan niya ang kanyang bag habang hindi pinuputol ang titig sa aking mga mata. Kumunot ang aking noo nang ilabas niya mula sa bag ang isang lang photo album. Binuklat niya ito saka niya ito itinapon sa lupa. Nang makita ko ang litrato ay halos manigas ang aking katawan. "The name's Amelic Rico I. Zumera...your brother, Miss Alpha..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD