Paglipat

648 Words
Hindi inaasahan ang paglipat ng pamilya nila Anne sa Cavite dahil doon na ang trabaho ng kanyang ama. Nagbukas kasi ng bagong branch ang loaning company na pinagtatrabahuhan nito sa Cavite at na-promote ito bilang branch manager. “Ma, Pa. Hindi po ba pwedeng kina Auntie Shirley na lamang po ako tumira,” pakiusap ni Anne sa mga magulang. “Baka po kasi hindi ako mkapag-adjust kaagad sa Cavite.” Ayaw man niya dahil Senior Highschool na siya sa pasukan, wala na siyang nagawa dahil walang maiiwan para asikasuhin siya. “Sweetheart, hindi naman pwedeng iwan ka namin ni papa mo dito,” sagot ng mama niya. Gusto din kasi ng papa niya na magsama-sama sila sa Cavite para hindi siya ma-homesick at para nadin hindi magastos sa pamasahe kung every month uuwi sa bahay nila sa Camarines Norte. “Ayaw mo ba Sweetheart na samahan si Papa tumira sa Cavite?” Sabat naman ng papa niya. “Kung ayaw mo talaga umalis dito, hindi ko na lang tatanggapin ang promotion sa akin. Hayaan na natin kung hindi magkaroon ng dagdag ang sahod ko, basta samasama tayo.” Naramdaman ni Anne ang lungkot sa mga sinabi ng papa niya. Alam niyang nagsusumikap ito sa pagtatrabaho para maibigay sa kanya ang lahat ng pangangailangan niya dahil nag-iisang anak lamang siya. Kaya nilapitan niya ito para lambingin uli. “Pa, sorry. Nag-aalala lang naman po ako na baka wala akong maging kaibigan agad sa bagong school na papasukan ko lalo na at malalaman nila na galing akong probinsya.” “Wag ka mag-alala, Sweetheart,” sagot ng papa niya sa kanya. “Mababait naman ang mga tao sa Cavite. Panigurado, di ka mahihirapang makahanap ng mga bagong kaibigan.” “Okay po, Pa. Sabi mo yan eh. ~~~~~~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~~~~~~ Maayos naman ang bahay na nilipatan nila sa Cavite, dahil bukod sa nasa bayan ito, malapit lang din ito sa lilipatan niyang bagong eskwelahan. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa bahay nila sa Bicol. Ngunit sinuguro ng pala ni Anne magkaroon parin ng sariling kwarto ang anak. “Hon, Sweetheart, pasensya na at maliit lang tong bagong bahay natin,” sambit ng papa ni Anne. Ang papa ni Anne ang unang tunawag sa kanya na Sweetheart simula bata pa lamang siya. Nakasanayan nadin ng mama nia na ito ang itawag sa kanya. Medyo nahihiya na siya pagtinatawag siyang Sweetheart ng mga magulang lalo na sa harap ng ibang tao, ngunit yung ang language of love nila pra sa anak kaya hinahayaan na lmang ito ni Anne. “Hon, wag ka mag-alala. Tatlo lang naman tayong titira dito,” tugon ng mama ni Anne. “Kaya ayos na sa amin ang ganto kaliit n bahay. Di’ba Sweetheart?” “Yes, Ma,” sagot ni Anne tanong ng ina. “Saka mas gusto ko nga din ang maliit n bahay lang para hindi mahirap linisin.” Tinawanan naman ng mga magulang ni Anne ang kanyang mga sinabi. “Ayusin ko na po muna Ma, mga gamit ko sa kwarto ko.” “Sige at ako naman ay dito muna sa labas mag-aayos.” “O, siya,” sabat ng papa ni Anne. “Ako’y bibisita muna sa opisina para macheck kung merong kailngang asikasuhin doon.” Humalik muna si Anne sa ama bago siya pumasok sa kanyang kwarto para mag-ayos. ~~~~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~~~~ Naayos na ng mama ni Anne lahat ng documents sa ipapasa para sa paglipat niya. Ngayong araw ay nkatakda ang kanyang Entrance Exam para sa strand na napili niya, ABM. Gusto kasi niyang kunin sa college ay Accountancy. Paborito niya ang subject na Mathematics mula noong elementary pa lamang siya. At noong nasa Junior High School siya, isa siya sa mga laging pinanlalaban ng dati niyang school sa mga Math Quiz Bee. Medyo kinakabahan siya sa kanyang entrance exam. Iniisip niya parin kasi ang adjustment na gagawin ninya pag nagsimula na ang klase.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD