Bago ko pa ilubog ang sarili ko sa kahihiyan ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa huling laban. Si Erol laban kay Ate Minao. "Ito na ang pinaka-aantay na laban nating lahat. Ang muling paghaharap nina Minao at Erol!" Masayang anunsiyo ng emcee na ikinahiyaw muli ng mga manunuod. "Sabi na sila muli ang maghaharap!" "Tingin ko mananalo ngayong taon si Erol!" "Dapat lang dahil ngayon huling taon ni Minao sa akademya kaya hindi niya maaaring palampasin ang pagkakataon na ito na matalo siya." "Waaah! Paniguradong mas magiging exciting ang laban nila!" Marami pa akong mga naririnig na komento para s huling paghaharap na ito. Kahit ang kasama ko at biglang natuon ang kanilang atensyon sa gitna ng arena. Naroroon na ang dalawa na may seryosong tingin na binibigay sa bawat isa. Tila ba h