Chapter 35

1817 Words

Napatili ng malakas si Erah nang makita ako. "Cipher, what the hell happened to you?!" Malakas niyang sigaw saka maingat na hinawakan ang aking kamay. Doon ko lang naalala na tinarakan ito ng punyal ng isa sa kasamahan ni Mysti. Nawala sa isip ko ang sakit nito dahil na rin sa mas inisip ko ang aking kaligtasan at ang pagnanais na makatakas sa kanila. "C-Cipher..." Nag-aalalang sambit ni Erah. "A-Ano ba kasi ang nangyari sa iyo para magkaganito ka?" Hindi ako makasagot sa tanong ni Erah. Hindi ko alam kung dapat na ipaalam ko sa kanya ang tungkol kay Erret. Nangako ako sa kanya na walang ibang pagsasabihan tungkol sa kanyang sikreto. "Cipher... B-B-Bakit ayaw mo na magsalita?" Naiiyak ng sambit ni Erah at hindi malaman kung paano bubunutin ang punyal na nakatarak pa rin sa aking kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD