Chapter 22

2025 Words

Walang kalakas lakas at lutang na lutang ako nakalabas ng opisina nina Tito Aidan. Tama sina Haze at Con. Nagiging halimaw si Tito Aidan pagdating sa kanyang trabaho. Nang una ay hindi siya umiimik sa kanyang inuupuan pero nang simulan na niya ako utusan ay naging sunud sunod naman ito. Hindi man lang niya ako binigyan ng kahit isang segundo na makapagpahinga o kaya makainom man lang ng tubig. Basta abot lang siya ng abot kaya hindi ko mabilang kung ilang building ang itinakbo ko para ihatid lang ang kanyang mga papeles na pinabibigay niya sa iba't ibang departamento ng Enchantasia. Dito ko napatunayan na hindi biro ang pagkalaki ng Enchantasia. Tila mga ilang kilometro yata ang itinakbo ko para lang makarating sa isang building. Sana lang ay nabigyan ako ng mahika na kasing bilis ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD