Chapter 5

1024 Words
Patrick Cervantes "Anong ba 'yang suot mo, Rick?" ani ni Ate Paris nang makita ang suot ko. Wala naman akong nakikitang problema sa suot ko. Nakasuot lang naman ako ng three piece suot. "My god Rick, magme-meet kayo ng fiancée mo. Hindi ka pupunta sa isang meeting." Binuksan ni Ate Paris ang closet ko at isa-isang nilabas ang mga damit saka inilapag sa kama ko. "Ano ba 'tong mga damit mo Rick? Wala ka talagang fashion sense. Akala ko ba fashion model 'yung girlfriend mo." "E, r'yan ako komportable." "Ewan ko sa'yo. Teka nga lang." Lumabas saglit si Ate Paris ng kwarto at pagbalik niya may dala na siyang mga damit. "Halika rito dali. Tingnan natin kung ano ang babagay sa'yo." "Kanino ang mga 'yan? At kailan ka pa nahilig sa mga damit na panglalaki? Don't tell me may binabahay kang lalaki rito. Aba! Ate, hindi porke't ikaw ang pinakamatanda sa'tin, e, papalampasin namin 'to." Wala man lang kaming kaalam-alam sa pilipinas na may ka-live in na pala itong kapatid namin kaya pala may nakita akong tsinelas na panlalaki sa banyo niya. "Akala mo sa'kin, easy to get? Hoy! Rick, 'yang mga damit na 'yan ipangsasalubong ko sana sa inyong lahat 'yan, e, nakalimutan kong dalhin kaya ayan sa'yo na lang lahat 'yan nang magmukha ka namang tao paminsan-minsan." "Grabe ka naman, Ate. Tao ako." "Hindi ka tao. Alien ka. Sige na magbihis ka na. Nakakahiya kong ikaw pa ang mala-late sa meet up niyo ng fiancee mo." Wala na akong nagawa nang pagtulukan ako ng kapatid ko papasok ng banyo para magbihis. "Bilisan mo at titingnan ko kung bagay ba sa'yo." Pahabol niya bago tuluyang isara ang pinto. Mayamaya'y lumabas na ako pagkatapos kong magbihis. Naabutan kong nakatayo si Ate sa harap ko at nakapamewang habang sinusuyod ng tingin ang ayos ko. "Ayan, ang gwapo mo, Rick. Nagmumukha ka ng tao talaga." aniya habang inaayos ang three fourt sleeves ko. Nangunot ang noo kong nang makita ang mga mata niyang parang naiiyak. Siguro sinisisi na naman niya ang sarili niya sa nangyari sa MC Apparels at ang pagpapakasal ko sa hindi ko kilala. Pinahid ko ang mukha niya nang may kumalawang luha mula sa mata niya. "Stop blaming yourself, Ate. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa MC at desisyon kong tulungan ang MC." "Blaming? I'm not blaming myself. Naalala ko lang si Mom. Siguro natutuwa siyang unti-unti na kayong mga lalaki niyang lumagay sa tahimik para hindi na kayo maging sakit sa ulo namin ni Daddy." "Grabe ka naman, ate para mo naman kaming pinatay n'yan." "Hindi naman gano'n ang ibig kong sabihin. Ang akin lang matutuwa si Mom nang makita kayong bubuo ng sariling pamilya." Siguro nga matutuwa si Mom pero paano naman ako? Hindi ko mahal at mas lalong hindi ko kilala ang mapapangasawa ko. Isa lang talaga ang pag-asa ko 'yun ay hindi rin gusto ng mapapangasawa ko ang magpakasal. "Ate, nakalimutan kong itanong. Anong pangalan ng fiancee ko?" "Akala ko hindi mo na itatanong sa'kin." Napa-nod na lang ako. "Okay. Shane. Shane Dominguez." -----***----- "You're really excited to see your fiancee, son, a. Halatang pinaghandaan mo talaga ito." ani ni Dad habang papasok kami sa restaurant. "Anyway, sinabi na pala sa'yo ng Ate mo ang pangalan ng fiancee mo. Tsk. 'yung Ate mo talaga spoiler." Napailing na lamang si Marcus. "O, nandito na pala sila." Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Dad. Si Tito Rodrigo? "Kumpadre, kumusta? Ang ilang buwan na rin no'ng huling tayong nagkita. Sa kasal pa 'yun ng mga bata." ani ni Dad. Ang alam ko tatlo ang anak na babae ni Tito Rod. 'Yung isa kasal na kay CJ. 'Yung isa nakilala ko sa araw ng kasal nina CJ at Hera. Hindi naman siguro 'yun ang ipinagkasundo sa'kin. Nag-aaral pa 'yun at nililigawan 'yun ni Angelo. 'Yung isa hindi ko pa nakita. Wala siya sa araw ng kasal nina CJ dahil may seminar daw ito sa Cebu at saka sabi ni Ate Paris isang Shane Dominguez ang fiancee ko hindi Davin. "Siya nga pala, kumpadre, ito ang pangalawa kong lalaki. Nagkakilala na kayo sa kasal ni Carlos at ng anak mo si Hera." ani ni Dad. "Oo kumpadre. Siguradong masaya si Lorenzo kung nasa'n man siya ngayon na ikakasal ang unica hija niya rito kay Patrick. Balita ko magaling ito sa larangan niya at napabilang sa most outstanding young businessman sa isang kilalang magazine sa international." ani ni Tito Rodrigo. "Hindi naman po, Tito." Nakakahiya. Hindi ko naman pinagmamalaki 'yun. "Simula ngayon tawagin mo na akong Papa ikakasal na rin naman kayo ni Shane sa lalong madaling panahon." ani ni Tito Rodrigo. "Nasa'n na pala si Shane, kumpadre? Matagal ko ng hindi nakikita ang batang 'yun." ani ni Dad. "Parating na. Nauna lang ako dahil may ka-meeting akong kliyente kanina sa malapit. Alam mo na tumatanda mabilis ng mapagod." Natatawang ani ni Tito Rodrigo na siya namang ikinatawa ni Dad. "Tanggap mo na talaga, kumpadre na matanda ka na?" ani ni Dad. "Saan pa ba tayo pupunta?" Natutuwa pa silang tumanda. 'Yung iba nga natatakot tumanda. Ibang klase rin talaga 'tong magkaibigan na 'to. "Maiba tayo kumpadre, sigurado ka bang sisipot rito 'yung anak mo? Ang balita ko tutol din 'yun sa kasunduang ito." ani ni Dad. Ayaw rin naman pala nong Shane bakit kailangan pang ipagpilitan nila ang kasal. "Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan? 'Wag kang mag-alala, kumpadre siguradong sisipot 'yun. May isang salita ang anak kong 'yun." ani ni Tito Rodrigo. Sana mapakiusapan ko 'yung Shane na 'yun na 'wag ng ituloy ang kasal. Nakikita ko namang mabait si Tito Rodrigo na kahit hindi matuloy ang kasal namin ng anak niya ay tutulungan pa rin nito ang MC Apparels. "Dad, Tito Rodrigo, excuse po magbabanyo po muna ako." "Sige hijo. Take your time." ani ni Tito Rodrigo. "Anak, kilala kita 'wag mo akong ipahiya rito kay kumpadre at sa fiancee mo." ani ni Dad. "Ano ka ba kumpadre. Magbabanyo lang 'yang anak mo. Sige hijo." ani ni Tito Rodrigo. "Mahirap na, kumpadre." Narinig ko pang ani ni Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD