Athena Shane Dominguez Abalang-abala sina Nana Sholing sa paghahanda ng mga pagkain. Ngayong gabi na mamamanhikan ang pamilya ni Patrick. No'ng nakaraan pa sinabi sa'kin ni Papa na pagdating ni Patrick galing Los Angeles ay mamamanhikan na agad ang pamilya nito. Hindi ko naman alam na dumating na pala si Patrick kahapon. Napa-absent tuloy ako ngayon sa restobar. Hindi ko masasaksihan ang pagpo-prose ng suking customer ng namin sa girlfriend nito. "Shane hija, bakit nandito ka pa? Mag-ayos ka na ro'n at papunta na ang mga Cervantes dito." ani ni Nana Sholing nang makita ako. Sasagot na sana ako nang pumasok si Papa ng kusina para siguro ang i-check ang mga pagkain. "Anak, bakit hindi ka pa nag-aayos?" "Kumuha lang po ako ng maiinom. Mag-aayos na po ako pagkatapos." "'Wag ka na pa la