Patrick Cervantes "Menchu, kapag may naghanap sa'kin sabihin mong-" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat si Menchu sa kabilang linya. Kausap ko siya sa telepono at sinisiguro ko lang na hindi niya nalilimutan lahat ng bilin ko bago umalis. "Boss naman, e, makailang ulit niyo na pong pinaalala sa'kin 'yan dito pa sa opisina. Pati ba naman dito sa telepono. Ano akala niyo sa'kin? Engot? Nakakasakit na ho kayo ng damdamin, Sir, a." Kahit hindi ko nakakikita si Menchu nakikinita ko ng naka-pout 'yan ngayon. "Wala akong sinabing engot ka." Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa napapaalis 'tong si Menchu. Kung makapag-usap sa'kin parang hindi niya ako boss. "Ah basta. Pagbalik niyo dapat may rest day ako with pay. Aba! Sir, hindi madali ang pinapagawa niyo lalo na't pagsisinungaling sa D