CHAPTER SEVENTEEN- THE HOTTEST PANDESAL SHE’D EVER SEEN Her stay here in Hedone’s house has been so good, so far. Nagbabangayan pa rin naman sila ni Rhysand palagi pero hindi na ito kasing lala tulad nang dati. Hindi na rin siya nahihirapang pakainin ito o di kaya ay gisingin dahil kusa na itong gumigising. Ang ginagawa na lang niya ay ang ihanda ang mga damit na isusuot nito at ang mga gamit sa pag-aaral. Sa pagkain naman ay marunong naman itong kumain nang mag-isa. Sinusubuan niya lang ito kapag gahol na sila sa oras. “Asper,” mahinang tawag sa kanya ni Manang Aurora. Nasa salas kasi siya ay nagpupunas ng mga kung anu-ano para tulong na rin sa mga gawaing bahay. Mabuti na lang at nasanay siya sa kumbento sa paglilinis. Araw ng linggo iyon kaya walang pasok si Rhysand. Pati s