CHAPTER FOUR-THE CHAOTIC MEET UP

1266 Words
CHAPTER FOUR-THE CHAOTIC MEET UP (WILL SHE LOST THE JOB ON HER FIRST DAY?)         Isang maleta lang ang kanyang dinala. Kinailangan pa niyang humiram ng pera kay Sister Amanda para makapamili siya ng ilang pirasong malalaking t-shirt. Pagdating niya sa bahay ng kanyang pagtatrabauhan ay agad siyang kumatok nang mabilis at malakas. Naghintay siya ng ilang segundo bago muling kumatok pero wala pa ring may lumabas para pagbuksan siya. Nagtataka tuloy na tumalon talon siya para makita kung may tao ba sa loob. “Manang Aurora, where art thou? Kanina pa me here naghihintay,” bulong niya sa sarili na halos magkandahaba haba na ang leeg sa pagsilip sa loob. Bakit kasi hindi man lang niya hiningi ang number nito kanina para matawagan niya ito. “Ano ba naman, Manang Aurora-” napatigil siya sa pagsasalita nang mahina nang may mahagip ang mata niya sa may bintana ng bahay sa loob. Napakunot ang noo niya dahil nakasuot ito ng kulay puting damit at pulang-pula ang mga matang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay kanina pa siya nito pinagmamasdan. Hindi siya matatakutin pero ito ang unang pagkakataon na may nakita siyang ganitong klaseng bagay kaya kahit paano ay nakaramdam siya ng kaba pero saglit lang iyon. Kinusot niya ang kanyang mga mata at nang muli niyang tingnan ang bintana kung saan niya nahagip ang isang kababalaghan ay wala ito doon. Kinusot niya ang mga mata sa ikalawang pagkakataong para makasiguro at nang wala nga siyang makita ay napailing na lang siya. Tamang tama naman na bumukas na ang gate at iniluwa niyon si Manang Aurora na sobrang gulo ng buhok at namumutla pa. “A-sperio…mabuti at dumating ka na. Akala ko ay hindi ka na babalik,” habol ang hiningang bungad nito sa kanya. Talo pa nito ang nakipaghabulan kay Usain Bolt sa sobrang pagkahingal. “Pasok ka.” nilapadan nito ang pagbukas ng gate Siya naman ay binuhat na ang maleta. May kabigatan iyon pero hindi siya nagpahalata na nabibigatan siya. Parang lalaki na binuhat niya na kunwari ay magaan lang papasok sa loob. “Ano po ang nangyari sa inyo? Bakit mukhang pagod na pagod po kayo?” hindi niya mapigilang tanong nang nasa loob na sila. “Kow, inatake na naman sa kakulitan si Rhysand. Kung ano na naman ang naisipang gawin. Ewan ko ba sa batang iyon. Kaya nga lalaki na lang ang gusto ni sir Hedone na magbabantay sa kanya para makayanan ang kanyang kakulitan,” paliwanag nito bago pabagsak na naupo sa sofa. “Sandali lang at magpapahinga lang muna ako saglit bago kita dalhin sa iyong magiging silid. Talagang napagod ako nang husto dahil sa batang iyon.” “Okay lang po, Manang Aurora. Kung gusto niyo ay ako na lang ang tutungo sa magiging kwarto ko. Sabihin mo lang kung saan banda.” napatingin ito sa kanya na animo’y sinisigurado kung seryoso ba siya o hindi. “Sigurado ka ba?” bumaba ang tingin nito sa slim niyang mga braso. Nakasuot kasi siya nang maluwang na t-shirt at maluwang din na pantalon. “Opo.” “Bueno,” wika nito. “Nasa second floor ang magiging kwarto mo. Ang pinakadulong kwarto sa kanan katabi ng kwarto ni Rhysand. “Ilagay mo na lang muna ang mga gamit mo roon at pagkababa mo ay hahanapin natin kung saan sumuot ang batang iyon,” wika nito sa pagod na pagod na boses. “Sige po. Areglado at walang problema. Magaling akong maghanap ng taong ayaw magpakita,” biro pa niya bago muling binuhat ang maleta at tinungo na ang hagdan. Nakailang hakbang pa nga lang yata siya ngunit pakiramdam niya ay mapuputol na ang kanyang mga braso. Maliban kasi sa mga damit ay may mga dala rin siyang libro na mababasa kapag gabi. Iyon kasi ang way niya para mapatulog ang sarili. Dala rin niya ang kanyang camera at laptop para kung sakaling may free time siya ay makapagsulat siya. “Wew!” napahawak siya sa kanyang balikat nang sa wakas ay marating na niya ang itaas. Nagpahinga muna siya ng ilang segundo bago tinungo ang pinakadulong kwarto sa bandang kanan tulad ng sabi ni Manang Aurora. Marahan niya iyong binuksan. Nang makapasok na siya ay marahan niyang pinsadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Mas malaki iyon kaysa sa inaasahan niya. Kulay puti ang pintura sa dingding at sa gitna ay naroon ang isang katamtamang laki na kama na may kulay puti ring bedsheet at dalawang unan na kulay puti rin ang punda. Pakiramdam niya tuloy ay nasa trial room siya ng langit. Wala na kasi siyang makitang kahit anong kulay roon maliban sa puti, Kung may naiba man iyon ay ang sarili niya na nakasuot ng pulang t-shirt, blue na pantalon, at itim na sapatos with matching pink na medyas. Maliban sa kama, built in cabinet at isang maliit na mesa sa gilid niyon ay wala nang iba pang mga gamit sa loob ng kwarto. Muli na naman siyang napailing. Inilagay na muna niya sa gilid ang kanyang maleta para bumaba na. Mamaya na lang siya mag-aayos ng kanyang mga gamit dahil tutulungan muna niya si Manang Aurora na hanapin si Rhysand, ang kanyang magiging alaga. Palabas na sana siya ng kwarto nang biglang siyang mapatigil sa paghakbang. Narinig niya kasi ang biglang paglangitngit ng cabinet. Kunot ang noong napatingin siya roon. Dala ng kuryusidad ay marahan siyang humakbang palapit sa cabinet. Akmang bubuksan na sana niya iyon nang kusa iyong bumukas ay tumambad sa kanya ang isang bata na sobrang puti  ng mukha at may mga dugo pang umaapaw sa bibig nito. “W-hat the fu*k!” napamura siya sa sobrang gulat. Umatras siya nang bigla na lang iyong lumabas at lumapit sa kanya. Siya naman ay nakabawi na sa gulat kaya mabilis niyang kinuha ang kumot sa kama at agad iyong tinalukbong sa papalapit sa kanyang multo. Hindi siya sigurado kung multo ba iyon dahil ngayon lang naman siya naka experience nang ganito. Kung sakaling totoo man na multo ito ay hindi siya matatakot na muli itong patayin dahil sa pananakot nito sa kanya. “Got yeah!” sigaw niya nang malambat na niya ito gamit ang kumot. Agad niyang itong niyakap para bugbugin kaya lang ay natigilan siya. Bakit nahahawakan niya ang multo? Hindi ba intangible things ang mga ganoong elemento? Mas lalo pa siyang nagtaka nang biglang umiyak ang multong muntik na niya itong i-slam down sa sahig tulad ng ginagawa nina Shawn Michael at Big Shaw. Bibitawan na sana niya ito ngunit malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang isang nakagwapong nilalang na nakita niya sa kanyang tanang buhay. Hindi siya ‘yung tipo ng babae na madaling ma-attract sa isang lalaki, kaya nga tatanda na yata siyang dalaga ngunit iba ang dating ng lalaking bigla na lang pumasok sa loob ng silid. Mukha itong galit ngunit ang lakas pa rin ng appeal nito. Hindi nga niya namalayan na nakanganga na pala siya habang nakatitig dito. “What are you trying to do with my son, you idi*t!” tila kidlat na dumagundong ang galit na boses nito. Hindi siya natakot sa multong bata pero sa boses nito ay bigla siyang nanginig. Nabitiwan niya tuloy ang yakap-yakap na multo na agad lumabas sa kumot at umiiyak na yumakap sa lalaki. “Daddy!” mas lalo siyang napanganga. Ngayon lang niya narealize ang katangahan na kanyang ginawa. Kulang na ay tawagin niya si Harry Potter para I-transport siya sa Hogwarts sa sobrang kahihiyan! Did she just tried to kill the boy na aalagaan niya? Oh no! Magkano ba ang bayad para magpakain sa lupa? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD