hOUR

hOUR

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
second chance
manipulative
tragedy
mystery
evil
mythology
abuse
reckless
punishment
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Papaano ang gagawin mo kung sa haba ng itinagal mo sa mundong ito, walang gabi ang hindi ka pinatay. Kung malalagay mo ang iyong paa sa aking sapatos ano ang mga bagay ang hahamakin mo para makabuo ng desisyon. Ngunit papaano kung ikaw ang maykakayahan para bawiin ang mga binitiwan nilang salita? papaano mo tatanggapin na ang kapalaran mong kitilin ang sarili mong buhay ay magiging isang panibagong yugto ng iba.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Patawarin mo ako ate gusto ko lamang maging ganap na isang mortal,” wika ni Jes sa kanyang kapatid na si Carolina. “Mortal? Tao? Sa tingin mo ba makatao ang pagpatay mo sa batang nasa sinapupunan ko,” nagwawalang sagot ni Carolina. “Wag ka magsalita na parang hindi mo ginusto maging normal ang buhay mo, alam kong hindi mo ako papatayin ate dahil pagpinatay mo ko magpapatuloy ang sumpa sa salinglahi ng panganay mong anak” pananakot ni Jes kay Carolina. “Gusto mo siyang maging mortal tama ba ko? Pero kapalit nito hindi kana pwedeng pumatay ng kahit sinong imortal, dapat nga magpasalamat ka nalang na ganyan ang ang dapat mong gawin dahil ako, ako ate kahit ayoko kailangan kong pumatay ng isang sangol sa sinapupuntan ng isang buntis, isa sa isang taon para lang maranasan ko ang maging mortal, ako din gusto ko din at gagawin ko ang lahat para maging mortal ako” dagdag na sigaw ni Jes sa kanyang kapatid. Tumakbo papalayo si Jes. “Ina” naiiyak na wika ng panganay na anak ni Carolina.  “Anak protektahan mo ang mga parating na mortal sa ating isla, sila ang maghihiganti para kapatid mo,” luhaang bilin ni Carolina sa kanyang panganay na anak. “Opo ina ko, sinusumpa ko at ng aking magiging saling lahi” sagot ng panganay na anak ni Carolina  “Nakikita ko ang hinaharap muling magaganap ang mga pangyayaring ito, kikitil ako ng buhay ng dalawang mortal bilang parusa at mawawalan ako ng dalawang paningin kapalit ng pagbibigay ko ng kakayahan sa isang mortal bilang gantimpala” dagdag ni carolina Matapos ang isang taon “Ina, ang dalawang mortal, naramdaman ko ang kanilang presensya papalapit na sila sa ating isla,” tuwang tuwang wika ng panganay na anak ni Carolina, ngunit bigla nalungkot ang mukha nito.  “Ngunit ina, napaka bango ng dugo nila papaano ko sila maproprotektahan kung ako gusto ko din silang kainin,” matapat na dagdag nito. Hinawakan ni Carolina ang dalawang braso ng kanyang panaganay na anak. “Anak ko, kayanin mo dahil sila lang ang makakapaghiganti para sa kapatid mo na pinatay ni jes sa sinapupunan ko, at kayanin mo para sa pagtungtong mong disisais isa ka ng ganap na mortal. Gusto kong mamuhay ka hindi isang nakakatakot na maligno na kinakatakutan nglahat gusto ko maranasan mo ang mabuhay ng masaya tulad ng mga tao, bagaman hindi sila payapa at malaya ngayon malapit ng makamit ng bansang ito ang kalayaan kaya sa pagdating ng panahong iyon gusto ko din makalaya ka sa islang ito anak” naiiyak na bilin ni Carolina. Si Carolina ay isang sinumpang mambabarang sa isla ng shala, siya ang pinaka makapangyarihang kakaibang nilalanang naninirahan sa islang ito tinatawag siyang mata ng isla dahil nakikita niya ang hinaharap at kaya din niyang mabasa ang isip ng mga mortal at kontrolin ito ginagamit niya ang kakayahang ito sa mga nagtatangkang sirain ang kanilang tirahan, pinoprotektahan niya ito gamit ang pambabarang tulad sa mga mananakop na gustong angkinin ang islang ito, ang tagong isla sa timog ng Pilipinas. Bagaman makapangyarihan, hindi niya kayang pumatay ng mga imortal na kapwa niya upang maging ganap na mortal na ang kanyang panganay pagtungtong sa edad na desisais kung kaya’t kahit pinatay ng kanyang kapatid na si Jes na isang tiktik ang bata sa kanyang sinapupunan hindi niya ito magawang patayin. Nag-ngangalang Ave at Nada ang dalawang mortal na taong matagal na nilang inaantay. Sumumpa ang dalawang mortal na ito sa pamamagitan ng kanilang dugo na pangangalagaan ang islang ito kapalit ng kanilang buhay. Kung kaya’t tulad ng nakita ni Carolina sa hinaharap mangyayari muli ang nangyari makalipas ng isang taon dahil kailangan muling pumatay ng kapatid niyang si jes ng isang bata sa sinapupunan ng isang buntis upang maging ganap muling mortal. Dahil si Carolina ang maypinakamalakas na kapangyarihan sa islang ito walang nagawa ang ibang imortal kundi tanggapin din sina Ave at Nada. Duguan na nakarating sa isla ang dalawang mortal at tulad ng inaasahan sinikap ng panganay na anak ni carolina mabigay ang mga pangangailangan ng dalawa sa makatuwid ginawan niya ito ng isang maliit na kubo sa itaas ng puno ng mansanas na sentro ng isla upang malapit ito sa mga prutas na kanilang makakain. Hindi naging madali sa umpisa ang kanilang paninirahan sa islang ito dahil punong puno ito ng misteryo at mga kakaibang nilalang ngunit nandiyan palagi ang panganay na anak ni Carolina upang ipagtanggol ang mga ito sa mga gustong manakit sa dalawang mortal. Hagang sa tagal ng pagsasama nina Ave at Nada unti-unting napamahal ang binata sa dalaga at nagbunga ito. ““Napakaganda talaga ng tanawin mula dito sa itaas mahal ko,” manghang sabi ni Ave habang yakap-yakap si Nada. “Masmaganda ka sa tanawin mahal ko,” malambing na sagot ni Nada. “Mukhang pati ang anak natin sa sinapupunan ko sumasangayon sa sinabi mo,” natatawang sabi ni Ave at kinuha ang kamay ni Nada , nilagay ito sa tiyan niya. “Ang lakas ng mga sipa niya mahal ko!” natutuwang sambit ni Nada. Biglang umihip ang isang malakas na hangin sa ginta ng kanilang paglalambingan. “Mahal mabuti pa mangunguha na ako ng mga punong kahoy at mga bunga dahil nagbabanta ang langit” naalarmang wika ni Nada. “Kanina lamang napakaliwanag pa bakit bigla nalang dumidilim ang paligid? Sige mahal ko magiingat ka sa pagbaba mo” bilin ni Ave kay Nada. Bumaba mula sa bahay nila sa itaas ng puno si Nada para manguha ng mga bunga ng prutas bilang paghahanda mula sa pagbabanta ng malakas na pag-ulan. Hindi inaasahan ni Nada na hindi lang pala ulan ang dadaloy sa gabing iyon. Ang pagdilim pala ng paligid ay hindi dahil sa parating na ulan kundi dahil sa isang trahedyang nakatadhana na mangyayari sa kanilang pamilya tulad ng nangyari makalipas ang isang tao. Habang namimitas si Nada ng mga prutas isang magandang babae ang biglang sumulpot sa kanyang likuran. Yumuko si Nada bilang pagbibigay galang sa mga kakaibang nilalang na nagmamayari ng isla. “Patawad po sa pagpitas ko inihahanda ko lang po ang mga ito dahil sa nalalapit na tag-ulan,” mahinang sabi ni Nada sa babae, hindi niya tiningnan ang muka nito dahil natatakot siya. Patuloy pa rin siya sa pagpitas habang pinagmamasdan siya ng babae na siyang panganay na anak ni Carolina. “Sa tingin mo ba ulan lang aagos sa mga gabing ito” bulong ng babae sa tenga ni Nada. Napatigil ng pagpitas si Nada at binitawan ang mga hawak-hawak nitong mga prutas, kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanilang maliit na kubo sa itaas ng puno. Nadatnan niyang natutulog si Ave sa gilid ng bintana. Napabuntong hininga siya na parang isang tinik ang natanggal sa kanyang lalamunan. “Sobrang nagalala ako sayo mahal ko” wika ni nada habang hinahaplos ang mukha ni Ave. Binalutuyan ni Nada si Ave ang isang makapal na tela dahil naguumpisa ng bumuhos ang ulan. Pagtayo ni Nada mula sa pagkakaupo isang lalaking nakapatiwarik ang nakita niyang nakasabit sa isang sanga ng puno na parang isang malaking paniki. Nakapikit ang mga mata nito na para bang natutulog. Napakamo ng muka ng lalaki na para bang hindi isang maligno tinitigan ni Nada ang hugis ng katawan ng lalaki na aakalain mong isang mortal kung hindi lamang ito nakapatiwarik sa sanga ng puno, ng biglang bumukas ang mata nito na pulang pula at ngumiti ito sabay hangin ng napakalakas, kitang kita ni Nada ang pagbabago nito ng anyo mula sa isang maayos at maamong mukha sa pagiging isang maligno nito. Napaatras si Nada sa kanyang mga nasaksihan biglang bumukas ang bibig ng lalaki at lumabas ang napakahabang mga dila nito. Nilabas ni Nada ang itak na nakapulupot sa kanyang mga bewang para sana pampitas ng mga bunga ng prutas ginamit niya ito para kalabanin ang tiktik sa huli tulad ng inaasahan sa nakitang hinaharap ni Carolina, napatay ni Nada ang tiktik ngunit isang sumpa ang binitiwan nito at tinaningan nito ang buhay ni Ave at batang nasa sinapupunan nito bago tuluyang managutan ng hininga. Kitang kita ng mga mata ni Carolina ang paglibing sa kanyang kapatid. Labis niya itong ikinatuwa at ikinalungkot. Habang naglilinis ng mga kamay si Nada mula sa dugo at lupa, pinaplano na niya sa kanyang isip ang pag-alis mula sa islang ito ngunit paglabas niya ng palikuran kitang kita niya ang pagtalon ni Ave mula sa bintana ng kanilang kubo. Kumaripas ng pagbaba si Nada.  “Ang kamatayan ng iyong anak at minamahal ay ang parusa mo sa pagpatay sa traydor kong kapatid at sa kabila nito tanggapin mo ang kapangyarihan kong makapasok sa isip ng kahit kanino bilang gantimpala sa paghihiganti sa aking pangalawang anak na pinatay ng tikltik kong kapatid,” Wika ni Carolina sa gitna ng pagbuhos ng ulan. Patuloy ang malakas na pagkidlat at pagkulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Summoners Path

read
52.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
156.9K
bc

His Obsession

read
97.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook