IKA-LABING APAT NA KABANATA

2130 Words

Gustong sumigaw ni Bryan Christoph noong mga oras na iyon. Hindi niya akalain na sa muli nilang pagkikita ng asawa niya ay muling manunumbalik sa kanya ang lahat ng sakit simula nang iniwan siya nito nang walang paalam. "Akala ko... Akala ko... Akala ko..." ang paulit-ulit na sambit ni BC. Hindi niya matapos-tapos ang akala niya dahil lingid sa kaalaman ng lahat ay sinundan niya ito sa Harvard makaraan ang isang linggong hindi ito umuuwi sa bahay nila. Hindi pa niya nalaman noon na wala na pala sa bansa ang asawa niya kung hindi siya pinagalitan, o mas tamang sabihing halos binugbog, ng pinsan niyang si Adrian. Handa na siyang harapin ulit si Joy noon, kaso nabuhay muli ang selos at hinanakit na pinalipas niya nang mahanap ang tahanan nito. Ilang araw din ang ginugol niya para matun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD