IKA-SIYAM NA KABANATA

2352 Words
"Umagang-umaga pero mukhang may kaguluhang nangyari," bulong niya habang nakatanaw sa kinaroroonan ng mga ito. Alam niyang crime is everywhere, even crime can be done anytime. Subalit sa araw na iyon ay sobrang napaaga. OUT of curiosity, tinahak niya ang daan kung saan nakakalat ang mga unipormadong pulis. "Ha! Ano ang nangyari kay Adel? Bakit napapalibutan ang bahay niya ng mga police?" nagtataka niyang tanong sa kawalan. Subalit wala ring sumagot dahil siya lang naman ang sakay sa kaniyang sasakyan. Kaya naman agad siyang bumaba sa sasakyan saka patakbong lumapit sa mga police. Magtatanong pa sana siya kaso hindi na niya nagawa dahil nagsalita ang nasa pintuan o ang kumakatok. "MISS Adel Dela Pena, open the door. We are here to question you. Don't hesitate to come out before we will take you to the headquarters!" sigaw nito. "Miss Dela Pena! Shall we force your door to opened before you come out?!" malakas pang wika ng isa. Mga salitang binitiwan ng mga ito. Magsasalita na nga sana siya ngunit eksaktong lumabas ang bagong gising na dalaga. "WHAT the hell is going on?! Hindi n'yo ba alam na hindi lang ako ang binulabog ninyo kundi pati ang mga kapitbahay ko? Why? What's this all about?!" Galit na ring tanong ni Adel sa mga napagbuksang police o ang mga lintik na nambubulahaw ng maaga. "Alam naming nadisturbo ka sa iyong pagtulog, Miss Dela Pena. Pero sana ay unawain mo rin kami. Ginagawa lang namin ang aming trabaho kaya't kung ayaw mong mas lumala ang usaping ito ay sumama ka na lang ng maayos sa amin sa presinto," wika ng Hepe. "Nakakapagsalita ka rin pala ng malumanay. Kung ganyan sana ang paraan mo kanina pa ay hindi ko rin sana kayo nasigawan---" "Seize her! Put handcufffs on her and let's go back to the headquarters for proper investigation. Now!" Mariing pamumutol ng hepe sa pananalita niya. Inakala pa nga niyang lumubog ang sungay nito. Subalit nagbait-baitan lang pala. "Yes, Sir!" sagot ng isang unipormadong police. NASA alanganing sitwasyon ang mamanugangin nila kung papalarin subalit hindi niya maiwasang mapangiti. Dahil wala itong ipinagkaiba sa kapamilya niyang babae. Palaban, marunong sumagot kung nararapat, tahimik kapag hindi kinakailangang magsalita. Kaso naalarma siya nang nilapitan ito ng mga police at akmang pupusasan. "Release her! Leave this place immediately!" sigaw niya. Kaya naman ay bumaling lahat ang mga nandoon sa kaniya. Ngunit wala siyang pakialam dahil hindi makatarungan ang ginagawa ng mga ito. "T-tito, ano po ang ginagawa mo rito?" maang na tanong ni Adel. Wala naman kasi siyang kaalam-alam na nandoon ito. "Pauwi na ako mula sa panggabi kong duty kaso napansin ko ang mga kapulisan dito. Hindi ko akalaing nandito pala sila. What's going on?" patanong na tugon ni Pierce. KASO bago pa makasagot ang dalaga ay sumabad na ang hepe ng pulisya. "Excuse me, Sir. Sa uniporme mo pa lang ay alam na naming high ranking military officer ka. At alam mo rin naman, Sir, the law of protocols kapag PNP ang nakaaresto sa kriminal ay sila rin ang hahawak sa kaso. Sila ang magpapataw ng parusa sa mga ito dahil hindi maaring pakialaman ng ibang departamento." Lumakad ito palapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Kaya naman! Hinarap ito ni Pierce with furious look! "Ano'ng pangalan mo, Chief? Mukhang hindi mo rin yata alam ang sinasabi mong Law of Protocols? Hindi mo matatawag na kriminal ang tao kahit arestado kung hindi mo napatunayan. Maari kang baliktarin ng nasasakdal sa ginagawa mong iyan. Baka hindi mo rin alam na hindi mo maaring arestuhin ang tao kapag wala kang warrant of arrest? Go ahead, show me your warrant of arrest, and I'll let you take her to the headquarters. But if you don't have that kind of authority, it's better for you to leave this place immediately. If you resist, I'll not hesitate to contact the military service to file a case against you!" Napakuyom ang palad niya dahil tinawag-tawag na kriminal ang taong wala namang kasalanan. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang naging reaksyon ng mga ito. Huling-huli nga niyang nagkatinginan sila kaya't mas tumibay ang hinala niyang mayroong mali sa nagaganap. "See? Mukhang ikaw ang ipapaaresto ko, Hepe. Huwag mo nang alamin kung ano ang dahilan. Dahil ang asawa ko ang magbibigay sa inyo kapag hindi pa kayo aalis sa lugar na ito," aniyang muli. LIHIM siyang nagmanman. Dahil hindi kaila sa kaniya ang reaksyon ng iba sa mga ito. Sila pa nga ang nagpatunay sa kaniyang hinala. "Hepe, ano'ng nangyayari?" sabayan tanong ng mga ito. "Take her to---" "Let that woman go, Hepe. Huwag mong hayaang tayo ang magpang-abot. May pasok pa iyan sa unibersidad. Kapag mahuli siya sa klase at ma-delay siya sa finals ay ikaw ang may kasalanan. Let her go, and I'll face you all." Pamumutol niya sa pananalita ng Hepe. NAGTATAKA man pero wala ring nagawa ang mga pulis na maglalagay sana posas kay Adel. "Wait a minute, Hepe," aniya rito saka hinarap ang dalaga. "Go ahead, Adel. Go back inside and prepare for your class. Ako na ang bahala dito. If you want, call your Tita Jannelle or go to my mother's house. Ako na ang haharap sa kanila, we'll talk later on," sabi niya. "Dito na lang po ako,Tito. Total ilang sandali na lang din at oras na ng pagpasok ko sa University. Salamat po, Tito," tugon ni Adel sa ama ng lalaking nakatalik sa panaginip! "Okay, Adel. Do as you wish and be careful." Inilahad ang palad tanda nang pagpapasok dito sa loob. HINDI na sumagot si Adel. Dumiretso na siya pabalik sa loob ng bahay. Ang hindi niya alam ay nakasunod ang tingin ng lahat sa kaniya lalo at isang opisyal ang humarang sa pagkakaaresto niya sana. SAMANTALANG nang nawala na sa imahe nila ang dalaga ay muling hinarap ni Ginoong Pierce Wesley ang mga kapwa alagad ng batas lalong-lalo na ang hepe. "Let's go, Hepe. Ako ang haharap sa inyo." Binalingan niya ang hepe nang makasiguradong nakapasok na ang dalaga. "Okay, Col Abrasado," tugon ng hepe. SA kaniyang isipan ay mayroong mali sa report na natanggap nila. Wala naman silang ibang balak kundi ang imbitahin ang dalaga sa presinto upang kausapin ng maayos kaso humarang ang high ranking official. Ibig sabihin ay talagang may mali dahil hindi haharang ang opisyal sa raid at pag-aresto kung tama ang proseso. But to save his pride hindi na siya muling nagsalita bagkus ay nanahimik na lamang siya. SAMANTALA, pumasok si Adel sa kabahayan saka tahimik na lumapit sa nakaawang na bintana at pasimple siyang sumilip. Kaya't kitang-kita niyang sumama ang unipormadong military officer o ang ama ng mahal niya. Oh! Speaking of her lalabs! Ilang araw na silang walang contact dito. Hindi nila alam kung ano na ang nangyayari sa rito. "ANG mahal kong si Reynold Wayne ay nakasiping ko na sa panaginip. Ngunit hindi ko ipagkakait sa kaniya ang puri ko. Dahil talaga namang iaalay ko iyon sa kaniya pagdating ng panahon." Wala sa loob niyang napahaplos sa labi at kaselan na inangkin nito ng ilang beses sa panaginip. Ngunit napahagikhik lamang siya dahil sa inasta. Pero muling natigilan nang bumalik sa isipan ang nangyari sa umagang iyon. OUT of the blue, napapitik siya sa eri. Naalala niya ang shadow na minsan nang nabanggit ng kaniyang Tita Jannelle. Ayon dito ay nasa paligid lang ito kaya't maari niyang tawagin anumang oras. "Paano ko kaya siya matatawag? Saka malay ko ba kung ano ang hitsura niya? Ano siya Spider-Man na kumakapit lang sa kung saan-saan?" bulong niya. Napaisip tuloy siya kung existing nga ba ang shadow. "Haist! Sana magpakita siya sa akin para malaman ko kung ano ang kaniyang hitsura niya. Kung saan ito nakatira---Ano ka ba, Adel. Kaya nga shadow dahil bigla na lang magpapakita. Huwag mo nang abalahin ang sarili mo kung ano ang hitsura niya, kung ano siya...Behave, Adel Dela Pena. Hindi oras monologues ngayon, may pasok ka pa." Nagmistula tuloy siyang sira-ulong bulong nang bulong. Ang hindi niya alam ay nasa tabi-tabi lang talaga ang kaniyang shadow. Ang taong itinalaga ng mag-asawang Pierce at Jannelle upang maging bantay niya. "KAYA mo iyan, Miss Adel. Maliit lang iyan kumpara sa kinakaharap mong problema." Napangiwi tuloy ang shadow dahil kitang-kita ang hitsura nang binabantayan. Para itong hilong talilong na lakad nang lakad. SA kabilang panig ng mundo, nagtataka si Sirichi dahil mataas na ang sikat ng araw pero halatang hindi pa gumigising ang bago niyang kakilala. Kaya't kahit ayaw sana niya itong abalahin sa pamamahinga ngunit wala siyang pagpipilian. "Reynolds, wake up. Are you not going to the airport to claim your luggage?" Panggigising niya dito. Kaso hindi ito sumagot. Uulitin na sana niya ang panggigising niya kaso ito ang kusang naupo. "Good morning, Sirichi." Magalang nitong pagbati sa kaniya. "Same to you, Reynold. By the way halika na sa kusina, nakahanda na ang almusal natin---" "Sirichi, listen to me carefully. Nagpapasalamat ako sa iyo dahil sa pagtulong mo sa akin kahit hindi mo ako lubusang kilala. Pero overnight, napag-isip-isip kong bakit ko sila tinatakbuhan? Bakit nagmamadali akong makaalis ng Thailand samantalang wala naman akong kasalanan? Tama ka, Sirichi. Pupunta tayo sa airport upang kunin ang bagahe kong nakarating na sa Africa pero hindi upang makabiyahe palabas ng Thailand. I'll stay here, Sirichi. I'll face them both. Though, malakas ang kapit nila sa government ninyo rito pero naniniwala pa rin akong may matitinong opisyales ng bansa. Kung kinakailangan kong hihingi ng tulong sa Pilipinas upang maagapan ko ang maaring gagawin ng mag-amang Yeonto. My family belongs to law makers. Ang Papa ko ay isang Colonel sa Camp Villaflores, ang pinsan niya ay General sa Camp Villamor. My grandfather and great grandfather was a retired General too. Even my mother and sister, they're lawyers. I belong to a big family and there a some lawyers from them. No, Sirichi. I'll not runaway with this mess. Kagaya nang sinabi mo kagabi ay may Philippines Embassy dito na puwede ring makatulong sa atin. Dahil kahit mga abogada ang Mama at kapatid ko ay hindi sila maaring makialam ng deretsahan. Ngunit mayroong paraan upang matulungan nila tayo, iyan ang embassy ng bansa namin dito." Seryoso at mahaba-haba niyang pahayag. Determinaso siyang harapin ang mga kalaban niya. Hindi siya pinalaki at pinag-aral ng mga magulang upang maging duwag at loser. Tuloy! Ilang sandali rin ang lumipas bago nakapagsalita ang kausap. Halatang nagnilay-nilay din, inisip kung paano at ano ang sasabihin. "Well, nasa iyo na iyan, Reynold. For me, ang problema. Kung inaakala mong mas magandang haharapin mo sila ay ipagpatuloy mo. At kung mas nakakabuting hihingi ka ng tulong sa iyong pamilya o sa Philippines Embassy dito. Nandito lang ako, Reynold, upang tulungan ka," tugon nito. "Thank you. Thank you so much, Sirichi. Huwag kang mag-alala dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang paalala mo sa akin. I'll do everything too para maibalik ko ang kabutihan mo." Napangiti siya dahil ramdam na ramdam niya ang kaseryusuhan ng kausap. SA isipan ni Reynold Wayne, kung kinakailangang pasugurin ang buong angkan upang makauwi siya ay gagawin niya. Kabilaang pamilya ang maaring tutulong sa kanya. Hindi lang iyon, matutulungan din niya ang bagong kaibigan. Ang taong hindi nag-alinlangang tulungan siya kahit nakilala lang siya ito sa airport. And besides, sakripisyo rin nito ang naging tulay sa kaligtasan niya. SAMANTALA, dahil na rin sa kagustuhang mahanap agad ang binata ay sa immigration nagtungo si Melissa. Kung kailangang halughugin niya ang buong airport upang mahanap ang binata ay gagawin niya. "Miss Yeonto, hindi maari ang sinasabi mo. Our records here is confidential. We can't show that to anyone." Pagsalungat ng Immigration Manager na kinausap ng dalaga. "Alam ko, Miss Officer. Kaya nga ikaw ang kinausap ko dahil kaya mong tingnan sa system ninyo kung nakaalis ba ng bansa natin ang taong ito," giit nito. "Kahit na, Miss Yeonto. It's against the law---" "Listen to me, Miss Officer. Ano ang mas pipiliin mo, ang sundin ang sinasabi mong batas pero mawawalan ka ng trabaho o ang sundin ang simpleng kahilingan ko at magkakaroon ng rewards, kayamanan, at mapapanatili ang trabaho? Simple lang naman ang hinihiling ko, Miss Officer." Pananakot pa ni Melissa. Dahil dito ay napaisip ang opisyal. Hindi naman mahirap hinihiling nito pero nahihirapan siya dahil halata ang pagbabanta nito. Hindi na sana bale kung siya lamang kaso nanganganib na nga ang trabaho niya ay idadamay pa ang pamilya. "I'll accompany you, Miss Yeonto, to the management office. This matter can't be done only by me. I'm sorry, Miss Yeonto, but like what I've said I can't decide this alone so please let me accompany you to the management office. I'm hoping that you understand me too." Magalang pa ring pagtanggi ng immigration officer. "Well, well, that's your decisions," taas ang kilay na sagot ng dalaga. NAIINIS siya sa opisyal, alam naman niya ang magiging sagot ng management. Hahayaaan lang din naman siyang titingin sa record nang mga lumabas sa bansa. Hindi lang iisang beses nangyari sa kanila ang bagay na iyon kaya't gusto niyang sapakin ang opisyal dahil sa inis. Ito lang yata ang bukod tanging sumalungat sa nais niya. "Humanda kang babae ka. Bukas na bukas ay laman ka ng pahayagan bilang bangkay. I hate you," pipi niyang bulong. Dahil hindi maitago ang inis na lumulukob sa kaniya ay pinasadahan niya ito nang nakakamatay na tingin. From head to foot! Hindi na kumibo ang rimmigration officer bagkus ay nagpatiuna siya sa paglakad. Wala siyang kakayahang pagbigyan ito kaya't sa management na lang niya ito ipapakausap. Kaso... MAG-ASAWANG sampal ang sumalubong dito. Sa loob mismo ng Management Office ay sinampal ito ng Superior. "How rude you are, Officer! Why did you declined her request? Now go back to your post and show her what she's asking you to do!" Sinampal na nga ang pobreng immigration officer ay pinagalitan pa ito dahil sa pagtangganging ipakita ang records. "I'm sorry, Maam. Hindi ko alam na kilala mo pala si Miss Yeonto. Sige po, Ma'am." Napatungo ito habang hawak ang pisnging sinampal ng Superior. Halos namanhid ang pisngi dahil sa natamong sampal. AGAIN, she lead Miss Yeonto to her post and did what she wanted kahit pa labag na labag sa kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD