Chapter 3 -Pikon si Janine-

2475 Words
❀⊱Janine's POV⊰❀ "Gwapo naman si Maguz, matipuno ang pangangatawan, at higit sa lahat malaki!" Masama kong tinitigan ang kaibigan kong si Hedralyn. "Malaki ang ano?" Natawa naman siya at ako pa talaga ang hinampas niya ng unan. Puro kalokohan din ang isang ito. Nakakainis, paluin ko kaya ito ng baril? "Malaki ang pagmamahal sa'yo! Ang dumi naman ng utak mo. Sinabi ko lang malaki, iba na agad ang nasa utak mo. Siguro nga ay malaki talaga. Bakit, nakita mo na ba? Naipahawak na ba niya sa'yo?" Pang-aasar pa niya. Ang sarap talagang patulan ng kaibigan kong ito. Napapailing na lang ako sa kanya. Silang dalawa ni Charmz Kazie ang laging nanunukso sa akin tungkol kay Maguz. I have no feelings for Maguz and no interest in him whatsoever. My attractions lie solely with women, and that's simply an unchangeable part of who I am. It's not something I can control or alter. It's just the way I'm naturally inclined at kahit na may nangyari na sa amin ng gagong 'yon, hindi nito mababago ang pagkatao ko. "Kung ako kay Maguz, lalasingin kita at saka kita patitikimin ng kakaibang putahe, tignan ko lang kung hindi ka maghabol." Natawa naman ako sa sinabi ni Charmz, kaya tinalikuran ko na lang sila. Hindi nila alam na may nangyari na talaga sa amin ni Maguz. "Saan ka pupunta?" "Sa club. 'Yung malayo sa inyong dalawa." Tawa sila ng tawa dahil alam nila na napikon nila ako ng sobra. Talaga namang pikon ako kapag sila ang kaharap ko, buti pa kay Alona, cool lang ang lahat. "Teka, sasama kami." Sumunod lang sila sa akin. Pagkasakay ko ng big bike ko ay sumakay din sila sa big bike nila. Sa aming tatlo ay ako lang ang may pusong lalake. Bata pa lang kaming tatlo ay kaibigan ko na sila at lumaki kami na hindi nagkakahiwalay, unless na lang may misyon ako na kailangan kong umalis ng bansa. Ganuon din sila. Katulad ko ay mga assassin din sila, kaya lang ay sa pamumuno ni Red. Ako lang ang nahiwalay sa kanila dahil kay Marcus ako naninilbihan bilang assassin. Kung tutuusin ay tatlo na silang kaibigan ko, ang isa kasi nilang kasama na si Alona ay unti-unti ko na rin nakakasundo kaya naging apat na kami. Nuong una kong makilala nuon si Alona, hindi ko pa alam na assassin ito ni Red, at dahil kaibigan ni Alona si Hedz at si Charmz kaya unti-unti na rin akong napapalapit kay Alona lalo pa at mabait ito. Pero wala siya ngayon, nasa Thailand dahil sa isang misyon. Sayang nga at hindi namin siya kasama ngayon. Para kaming nagkakarerahan ng tinutugpa na namin ang daan patungo sa isang sikat na club. Sa club na 'yon ako madalas magtungo kasama lagi ang mga kaibigan ko. Nuon, madalas ko din kasama si Lyka, but since she got married, our dynamic has changed significantly. She’s now more focused on her job, and when she has free time, she prioritizes spending it with her family rather than hanging out with me na dati naming ginagawa, pero okay lang at nauunawaan ko naman. 'Yun nga lang, talagang may times na I find myself missing her quite a bit. Kasi naman, mula ng makasama ko siya sa Venum org, she became one of my closest friends, and I miss the times we used to spend together. It feels like there's a gap in my life without her regular presence, kasi nasanay ako ng ganuon... na siya ang kainuman ko palagi na kasama ang mga kaibigan ko kapag free sila, and I can't help but feel a sense of longing for the friendship we used to share. Ang hirap talaga kapag ang isa sa kaibigan ay bigla na lang nagkaroon ng pamilya, kasi nawawala na 'yung dating samahan, though nagkikita pa rin naman kami at madalas magkasama sa mga misyon namin. But other than that, wala na eh, minsanan na lang kapag may free time siya. Ang dami na kasing nabago sa kanya, at ang malaking responsibilidad sa kanya na ipapasa sa kanya ng kanyang tunay na ina. Bigla akong natawa. Naisip ko na naman si King Alaric at ang pinsan ni Marcus na si Alaric. Hindi kami makapaniwala ng malaman namin na ipinangalan pala si Alaric kay King Alaric. Kaya pala siya palaging tinatawag ni Marcus ng prince, kasi nga kinuha ang pangalan nito sa isang hari. ╰┈➤Pagkarating namin ng club ay sinalubong agad kami ng maingay na musika, mga taong nagtatawanan at mga babasaging baso na nagkakalansingan. Nagmamadali kaming pumasok sa loob matapos naming iparada ang aming mga big bike. "Alright! Pumili na kayo ng table natin at mag-enjoy lang tayo ngayong gabi. Hedz, pili mo ako ng magandang babae, kasing ganda ni Sandy." Natawa sila sa sinabi ko at napailing ng ulo. Hindi ko naman sila pinansin at naupo na ako sa table na napili nila, natawa pa ako dahil masyadong malaki ang table namin. Pero malapit lang ito sa harapan ng stage kung saan ay may sumasayaw na magandang dancer. "Gusto mo nga ba ng ka-table?" Tanong ni Hedz kaya natawa ako. "Nagpapakuha nga ako, katulad ng dati. 'Yung maganda, makinis at mabango. Ayoko ng amoy na pinagsawaan ng kung sino-sino, gusto ko 'yung wala pang nakakahawak ng kahit na sino at may kasamang papel na katunayan." Tawa sila ng tawa at sinunod na lang ni Hedz ang sinabi ko. Si Charmz naman ay umorder ng alak na iinumin namin ngayong gabi. Pagbalik ni Hedralyn ay kasunod na niya ang isang magandang babae, pero hindi ito kasing ganda ni Sandy. Pero okay na rin dahil maganda ito at maganda ang kurba ng katawan. Napatingin siya sa akin, bahagya akong umusad sa kinauupuan ko upang ipaalam sa kanya na sa akin siya magseserbisyo. "Hi po, I'm Jeya," nahihiya niyang pagpapakilala sa akin. "I'm Janine, but feel free to call me Jan." Napangiti siya at naupo naman sa tabi ko. Agad ko siyang inakbayan at hinapit palapit sa katawan ko na ikinagulat niya, naramdaman ko pa na bahagyang nanginig ang katawan niya. Mabango ang ka-table ko, amoy sariwa at hindi amoy laspag, medyo naiilang lang siya dahil siguro first time na may mag table sa kanya na katulad ko. Inorder ko siya ng cocktail drink para may mainom siya at hindi siya maalangan sa akin. Baka kapag nilasing ko ito ay saka siya bumigay sa akin katulad ng nangyari sa amin ng gagong Maguz na 'yon. Naisahan talaga ako ng tarantadong 'yon. Ang sarap niyang barilin sa alaga niyang halimaw. Natatawa lang sa akin ang dalawang kaibigan ko dahil natahimik akong bigla, pagkatapos ay umakbay ako sa babaeng ka-table ko. Kilala naman nila ako at matagal ko na itong gawain. "Ilang taon ka na?" Napatingin sa akin si Jeya habang iniinom ang cocktail drink. "Twenty-three na po ako." Napatitig ako sa mukha niya kasi panay ang po niya sa akin, pagkatapos ay ngumiti lang ako sa kanya at ininom ko ang hawak kong alak. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa babaeng katabi ko, inamoy ko ang kanyang leeg, pagkatapos ay hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ko siya sa may gilid ng kanyang magandang mata kaya mas lalo kong nararamdaman ang pagkailang niya sa akin. "Ang ganda mo, pumapatol ka ba sa isang katulad ko?" Bulong ko sa kanya, kaya isang pilit na ngiti lang ang gumuhit sa labi niya. Napangisi naman ako, mukhang magiging maganda ang gabi ko. "Virgin ka pa ba?" Bigla siyang humarap sa akin dahil sa tanong ko. Napatingin din siya sa dalawang kaibigan ko. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa narinig niya habang ang dalawang kaibigan ko ay tumatawa ng malakas. "Tinatanong ka ni Jan, virgin ka pa daw ba?" Natatawang sabi ni Charmz. Bahagyang umiling ang ka-table ko kaya nilaro ng dila ko ang pang ibabang labi ko, pagkatapos ay bahagya kong hinimas ang kanyang hita, patungo sa pagitan ng mga nito. Hindi naman siya tumanggi, ipinikit lang niya ang kanyang mga mata habang dinadama ko ang mainit-init niyang pagkababaé na nakatago sa suot niyang bikini. "Huwag mong biglain, dahan dahanin mo lang." Sabi ni Hedz. Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Hedz at muli ko lang hinimas ang nakatago sa kanyang bikini. Akma ko siyang hahalikan sa labi ng matigilan ako sa isang boses na galit at pinapaalis ang ka-table ko. "Alis! Kapag hindi ka umalis, ibibitin kita sa puno na maraming namimintog na pulang langgam." Biglang tumayo si Jeya at tumakbo paalis. Takot na takot ito kay Maguz habang galit na galit naman ako dahil nilayasan ako ng ka-table ko. Sarap na sarap pa naman ako. "Ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka nakikialam? Bakit mo pina-alis ang ka-table ko?" Nakakagigil ang sira ulong ito, mukhang ginagalit ako ng lalaking ito. "Alam mo namang nililigawan kita, pagkatapos makikita kita na may ka-table kang babae at hindi lang 'yon, balak mo pa talagang halikan? Hindi ako papayag!" Natawa lang ako sa kanya, pero nagulat ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko. Napatingin din ako sa mga kasama niya, ang buong grupo niya. Nakilala ko na ang mga ito, nakasama pa namin ang mga ito sa isang labanan. "Ano ang ginagawa ninyo dito? May kasama ka pa talagang mga bantay, hindi mo kayang lumakad mag-isa?" Pang-aasar ko. Malakas na tumawa ang mga kasama niya at naupo lang ang mga ito sa tabi ng dalawang kaibigan ko. I smirked, upang makita nila na hindi ko sila gusto despite knowing who they are. My expression was intentionally meant to communicate that I was far from pleased to see them. In fact, I would have much preferred if they weren't here at all. The entire situation left me feeling annoyed and uneasy, and I wanted to make sure na nakikita nila sa reaksyon ko na hindi ko sila gustong makasama dito sa table ko. Nagulat ako ng biglang kinuha ni Maguz ang kamay ko. Nakaramdam pa ako ng inis sa kanya, ang sarap niyang suntukin sa kanyang mukha, pero mas nagulat ako ng bigla niyang hinagod ng kamay niya ang hita ko. "Kami lang mga lalaki ang may karapatan na gumanyan sa mga babae. Naiintindihan mo ba mahal ko?" Bulong niya. Binitawan niya ang kamay at hita ko, kaya isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha niya. Humagalpak ng tawa si Owen at ang mga kasama nila, hindi makapaniwala sa ginawa ko kay Maguz. "Aray ko, babe! Masakit 'yon! Bakit ka ba nanununtok? Itong kaibigan ninyo, may saltik na naman." Sabi niya, natawa lang ang mga kaibigan ko. "Don't call me babe, at next time na hagurin mo ng himas ang hita ko, bubutasin ko ang bunbunan ng ulo mo, naiintindihan mo ba ako? Now, Maguz. Bakit kayo nandito? Kapag hindi mo sinabi sa akin, kaylanman ay hindi mo na ako mahahanap pa. Kilala mo ako, kaya kong mag-disappear without a trace. I can do that, kaya magsabi ka sa akin. Bakit ka nandito at kasama mo pa sila? Sinusundan mo ba ang bawat kilos ko?" Isang mapanuksong ngisi ang sumilay sa kanyang labi kaya kumulubot ang mukha ko na parang naaasiwa ako sa nakikita ko sa kanya. Ano'ng problema ng mukhang kuhol na ito? "So, nagseselos ka sa mga kasama kong babae?" Panunukso niya kaya ang lakas ng tawa ko. Pagkatapos ay bigla akong tumayo sabay lakad palayo. "Fine! Damn it, babe!" Napapailing ako ng ulo ng hinila niya ako sa kamay para makaupo ulit ako sa tabi niya. "Nandito kami dahil birthday ni Rachell Mae Roxwell ngayon, at kahapon naman ay birthday ni Vanessa Molina. Mag celebrate kami ngayon dito, at hindi kita sinusundan, nagkataon lang na dito ko sila dinala. Malay ko ba na nandito kayo ng mga kaibigan mo." Wika niya kaya napatingin kami kay Rachell at kay Vanessa. "Happy birthday, Rachell! Sorry about the misunderstanding earlier. Let’s enjoy your night... drinks are on me, I have got everything covered." Sabi ko, tapos ay humarap naman ako kay Vanessa. "Happy birthday, Vanessa! Have an awesome time and enjoy the night... drink and celebrate as much as you want!" Sabi ko rin sa kanya. "Happy birthday!" Malakas na bati ng dalawa kong kaibigan. Bahagya naman silang yumukod at ngumiti. Tahimik na lang ako at napatingin sa iba pang kasama nila. If I'm not mistaken, ang nasa gitna ay si Shirley Mendoza, ang katabi ni Rachell ay si Wena Marie Taborada at ang isang katabi ni Owen na umiinom na ay si Angel Villanueva. "So, ikaw at si Owen ang boss nila? Magkakaibigan ba kayong lahat katulad namin sa Venum?" Tanong ko. "Not really. Kami ni Owen ang sinusunod nila dahil kami ang may hawak sa kanila, pero may isang pinuno kami na sinusunod namin ni Owen at naming lahat. Walang nakakakilala sa pagkatao nito kung hindi kaming dalawa lang ni Owen at ang mga Hendrickson. Kahit si Marcus ay hindi kilala kung sino ang director ng CIA, sa secured phone lang niya ito nakakausap. Ang lahat ng tungkol sa kanya ay pribado at maging mga kasama ko ay hindi nila ito kilala. Pwedeng nakakasama nila ito at nakakausap, pero hindi nila alam na ito ang pinuno ng CIA. Kung makakaharap nila ang lalaking tinutukoy ko, hindi nila malalaman na iyon ang may hawak sa aming lahat. Lahat sila ay hindi magkakaibigan dahil ipinagbabawal na magkaroon ng relasyon sa bawat isa. Oo nagkakasama-sama kami sa mga ganitong inuman o okasyon, pero hindi sila magkakaibigan. Kami lang ni Owen ang magkaibigan sa grupo na ito, best friend ko 'yan since birth. Kung may kaibigan man ang mga 'yan, hindi ko alam kung sino. Walang nakakaalam ng tunay nilang pangalan, katulad ni Jethro, pwedeng Jethro ang pangalan niya ngayon, pero pwede rin namang Luis ito bukas." Paliwanag ni Maguz. Tumango lang ako kahit gusto kong matawa sa since birth na sinabi niya. Kinuha ko ang bote ng beer at saka ko ito tinungga. Tahimik na ang lahat, nagpapakiramdaman, pero hindi ako sanay ng ganito kaya tumayo na ako. Napatingin sa akin si Maguz, akma niya akong pipigilan pero agad akong nagsalita. "I have to eliminate someone tonight. It's part of my mission, so don't even think about stopping me... or I will put a bullet in your leg." Inis kong sabi. Ipinapakita ko sa kanya na hindi ako natutuwa sa kanya. "Wala ba akong... 'Bye love, sabay kiss?' na pabaon sa akin habang nag-iinuman kami dito?" Sabi niya kaya tumaas ang kilay ko. Malakas namang tumatawa si Hedz at si Charmz. "Gusto mo ba ng... 'Bye for good, sabay baon sa ilalim ng lupa?' ha Maguz? Kapal mo!" Inis na inis ako sa gagong lalaki na ito. Mabilis akong umalis kasunod ang dalawang kaibigan ko. Wala naman talaga akong misyon ngayon, hindi ko lang gusto na kasama ang lalaking 'yon. Lilipat na lang kami ng bar ng mga kaibigan ko. Napipikon ako sa mga pang-aasar sa akin ni Maguz.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD