Chapter 1 -Janine-

1731 Words
Birthday ngayon ni Janine. Kasama niya ang kanyang mga magulang sa mansyon ng mga ito dahil ipinagluto siya ng paborito niyang pananghalian. Never na nag-celebrate ng kaarawan si Janine, ngayon lang dahil pinipilit siya ng kanyang mga magulang. Para sa kanya ay wala namang halaga ito at nadadagdagan lang nito ang edad niya. "Mom, you know I won't marry Niko at kahit na sino pang lalaki sa mundong ito ay hindi ko pakakasalan. Wala akong interes sa kanila at tanggapin n'yo na lang na isa akong lesbian. Iyan ang totoo at hindi na 'yan mababago pa. Bakit ba kasi ipinipilit ninyo sa akin ang lalaking 'yon na huling beses ko nakasama ay batang-bata pa ako. Hindi ko na nga alam ang hitsura ng lalaking 'yon. Isa pa mom, hindi ako interesado sa mga lalaki." Ganito lagi ang tagpo nila sa tuwing makakasama niya ang kanyang mga magulang. Pilit nila itong kinukulit na ipakasal sa inaanak ng kanyang ina na nagngangalang Niko, na hindi niya alam kung ano na ang hitsura ng lalaking 'yon dahil ang huli niyang nakasama ito ay batang paslit pa lamang sila. Ni hindi na nga niya naaalala kung ano ang dating hitsura nito. Alam naman nila na sa babae tumitibok ang puso niya, pero makulit ang mga magulang niya at ipinipilit na baka sakaling makumbinsi siya na kilalanin si Niko. Minsan ay naiinis na siya sa kanyang mga magulang, pero alam naman niya na ginagawa lang 'yon ng kanyang ina para sa kanyang kapakanan. Iniisip din ng mga ito na baka sakaling mabago pa ang pagiging pusong lalaki nito. Pero alam niya na hindi na mangyayari dahil para sa kanya ay isinilang siya na may pusong lalaki. Iyon ang gusto niyang matanggap ng kanyang mga magulang, pero mukhang hindi titigil ang kanyang ina hangga't hindi siya nagiging babae. "Hija, makinig ka kasi sa iyong ina, inaalala lang naman niya ang kapakanan mo." Sabi ng kanyang lola. Ngumiti lang ito sa kanyang lola at yumakap sa braso nito. Maka-lola talaga siya dahil lahat ng kalokohan niya ay sinusuportahan nito, pero ang lolo niya ang kontrapelo sa lahat. Lagi nitong kinokontra ang lola nya, at kaya daw siya naging ganito na pasaway ay dahil sa pangungunsinti nito. "Makipagkita ka muna kasi kay Niko bago mo sabihin na ayaw mo sa kanya. Maniwala ka sa akin apo, kapag nakita mo si Niko ay siguradong malalaglag ang panty mo." Natawa naman siya sa sinabi ng kanyang lola at bumitaw siya sa pagkakayakap sa kanyang abuela. Pagkatapos ay tumayo siya harapan ng lola niya at saka niya ibinaba ang zipper ng suot niyang pantalon. "Look lola, walang malalaglag na panty sa akin dahil boxer brief ang sinusuot ko." Gulat na gulat ang lola niya, at pinagpapalo siya ng magazine na hawak nito habang tumatawa na ang kanyang ina. Sanay na sanay na naman siya sa kanila. Lagi naman silang ganito kapag nagkakasama-sama sila. Siya ang lagi nilang nakikita, at ang Kuya Enrico niya ang tagapagtanggol niya, sayang lang at nasa France ito ngayon. Mabait ang Kuya Enrico niya at ito na ang naging sandalan niya kapag may problema siya. Maraming sikreto ang kanyang kuya na siya lang ang nakakaalam. Mga sikretong hindi dapat malaman ng iba. Ang lahat din ng sikreto niya ay hawak din ng kuya niya, lalo na ang pagiging assassin niya at ang Venum group. "Aalis muna ho ako, may lakad kasi ako ngayon. Kita kits na lang ulit Mom, 'La." Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang mga ito. Alam kasi niya na pipigilan lang sila nito upang pag-usapan pa ang Niko na 'yon. Wala siya sa mood makipag-usap kung ang topic lang nila ay si Niko. Pagkarating niya ng malawak na garahe ay sumampa agad ito sa kanyang motor at pinaharurot na agad ito. Isang sikat na club ang pinuntahan niya. Gusto lang muna niyang mapag-isa ngayong kaarawan niya, 'yung walang kahit na sino na mangungulit sa kanya at walang maraming tanong. Sa harapan mismo ng bar area ito naupo at agad itong umorder ng alak. Napatingin pa ito sa babaeng sumasayaw ng naka two-piece costume. Napangiti siya habang pinapanuod ang babaeng gumigiling sa stage dahil maganda ang babaeng sumasayaw at umiikot sa pole. Hinagod ng mga mata niya ang kabuuan ng katawan ng babaeng sumasayaw kaya napalingon ito sa kanya. Nakatitig lang siya sa magandang babae, ang nga mata nito ay nakakaakit, at ang labi nito ay tila ba kay sarap halikan. Kinindatan niya ito upang makita ng dancer na interesado siya dito kaya ang laki ng pagkakangiti ng babae. Nang matapos itong sumayaw ay nagtungo ito sa likod ng stage. Ilang saglit lang ay naglalakad na ito papalapit sa kanya at may saplot na ang katawan nito na kanina lang ay halos lumitaw na ang kaluluwa. Naupo ito sa tabi niya kaya ibinili niya agad ito ng cocktail drink. Inikot niya ang upuan paharap sa dancer, at saka niya ipinatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang hita ng babae. Pahimas niya itong hinahagod papasok sa manipis na skirt, pagkatapos ay inamoy niya ang leeg nito. Ngumisi siya ng kalahati lang ng mukha ang gumalaw, at saka ito humarap sa bar tender. Sa isang iglap, ang interes niya sa babae ay biglang naglaho na parang bula. "Bigyan mo pa ako ng isang inumin." Utos nito. Ang babaeng dancer na katabi niya ay biglang humimas sa hita niya kaya inikot niya ang bar stool paharap dito, sabay tabig ng kamay nito paalis sa kanyang mga hita. Pagkatapos ay inis na humarap sa bar tender at sinimsim ang kanyang alak. "Problema mo? Kanina lang parang attracted ka sa akin, tapos ngayon ay nag-iinarte ka." Natawa naman si Janine sa kanya at hindi na lang niya ito pinansin. Pero nag-iingay ang babae kaya sa inis niya ay pinatulan na niya ito. "Ayoko ng amoy laspag kaya wala na akong interes sa'yo." Bigla namang itinaob ng babae ang halos paubos na niyang cocktail drink sa ulo ni Janine, pagkatapos ay umalis ito. Hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy na lang niya ang pag-inom. Nang bumalik ang babae ay may kasama na itong mga bouncers. Natawa naman si Janine at hindi na lang sila pinansin. Wala siyang panahon sa mga ito. Kaarawan niya ngayon at ang gusto lang niya ay mag-celebrate mag-isa. Kung hindi lang amoy laspag ang babae, sana ay may kasalo siya ngayon sa inuman. "Ma'am, pwede na kayong umalis ng club na ito. Hindi kayo welcome sa lugar na ito." "Don't call me ma'am. I'm not a woman. I may be more attractive than her, but that doesn't make me a woman. My heart beats with the strength of a man, and my legs can kick like a horse. You'd better release my arm before I show you firsthand just how powerful a horse's kick can be. So, if you value your well-being, you should back off now." Malakas silang nagtawanan. Maging ang dancer ay pinagtatawanan na siya kaya napipikon na siya. Tumayo si Janine mula sa kanyang kinauupuan. Pagkatapos ay bigla niyang pinalipit ang kamay ng lalaking nakahawak sa braso niya, at saka niya ito sinipa ng isang malakas sa dibdib kaya sadsad ang bouncer sa sahig. Gulat na gulat naman ang babaeng nagtawag ng mga bouncers at napa-atras pa ito ng ilang hakbang sa takot. Ang ilang mga bouncers na kasama ng lalaking sinipa ni Janine sa dibdib ay pinalibutan siya. Umakma ng suntok ang isa kaya agad na umilag ito upang hindi siya matamaan. Nagkagulo na ang mga tao at kanya-kanya na ng pulasan ang bawat customers ng club. Isang tadyak naman ang binigay ng dalaga sa lalaking umunday sa kanya ng suntok, at isang suntok sa mukha ng isa pa nilang kasama ang pinadapo niya. Susugod sana sila ng sabay-sabay upang atakihin si Janine, pero isang sipa ang tumama sa likod ng isang bouncer. Pagtingin ng assassin ng Venum org ay sila Marcus ang tumutulong sa kanya. "Okay ka lang? We tried to call you, pero hindi mo sinasagot. So, siguro naman ay alam mo na kung paano ka namin nahanap?" Sabi ni Lyka kaya natawa naman si Janine. "Kaya ko naman sana ang mga 'yan kung hindi kayo dumating. Kuhanin mo ang babaeng 'yon. Siya ang nagsimula ng gulo." Tinignan naman ni Lyka ang tinutukoy ng kaibigan niya. Lalapitan na sana niya ang babae ng bigla itong kumaripas ng takbo kaya tawa na ng tawa si Janine. At least napatawa siya ng babaeng 'yon ngayong kaarawan niya. "Nambababae ka na naman, ano? Napa-away ka dahil hindi mo na naman nagustuhan ang babaeng humarot sa'yo? Kilalang-kilala na kita Jan kapag nagpupunta ka ng club. Babae ang hinahanap mo." Nagkibit balikat lang si Janine at naupo ito sa bar stool at pinanuod sila Marcus na pinabagsak ang mga bouncers. Dumating naman ang may-ari ng bar, at ng makilala nito si Marcus ay wala na rin itong nagawa pa. Binayaran naman nila ang lahat ng naging damage at pinadala sa hospital ang mga bouncers na mukhang mga napuruhan sa ginawa nila Marcus sa mga ito. "Palitan ninyo ang mga bouncers ninyo dito, puro lampa. Babae na lang ay hindi pa nagawang talunin." Nagkatawanan silang lahat sa tinuran ni Marcus. Ang may ari naman ng club ay napapailing ng ulo at hindi makapaniwala sa nangyari. "Huwag ka ng umorder ng maiinom. Pupunta tayo ng Batangas, duon sa hacienda ko at duon tayo mag-iinuman. May mga pagkain na akong ipinaluto duon at may mga alak na rin. Happy birthday." Sabi ni Marcus at hinalikan niya sa ulo si Janine. Ganito lagi si Marcus sa kanila ni Lyka. Taon-taon ay lagi niyang hinahalikan sa ulo ang dalawa niyang babaeng assassin dahil kapatid daw niya ang dalawa kahit hindi niya kadugo ang mga ito. Happy birthday, Jan!" Bati nilang lahat kaya nagpasalamat siya sa mga ito. Sinaid niya ang alak na laman ng kanyang baso at isinenyas nito ang exit ng club. "Alright!" Masayang sabi ni Marcus. Sabay-sabay na silang umalis upang magtungo ng Batangas. Lingid sa kaalaman ni Janine ay may naghihintay sa kanyang pagdating sa Batangas. Walang iba kung hindi si Maguz na kinuntyaba pa si Marcus upang makasama nila sa hacienda si Janine dahil kaarawan nito. Nakahanda na ang maraming pagkain at maraming mga alak na iinumin nila upang magpakalasing at mag celebrate sa buong magdamag. Pero, ano kaya ang magaganap sa gabing ito kapag nalunod na silang lahat sa alak? -To be continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD