“Are you sure about this, Avi? Pwede naman ako sa ibang kwarto.” Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Dapat nga ay matuwa pa ako na inanyayahan niya akong magsama muna kami sa kwarto. “Oo naman,” natatawang sambit ni Avion sa akin. Nakatalikod siya sa akin kaya’t hindi ko mawari kung ano ang ekspresyon ng mukha niya ngayon, basta ang alam ko, pinagtatawanan niya ang sinabi ko. Gago ‘to, ah! Hinarap ako ni Avi at ang kanyang pilyong pagtawa ay dahan-dahang napalitan ng isang matamis na ngiting halos magpalaglag ng panga ko. “Mag-asawa naman tayo kaya wala akong nakikitang masama na magsama tayo sa iisang kwarto.” Gusto kong matuwa sa sinabi niya hanggang sa maisip ko na siya naman ang nagdesisyon na maghiwalay kami ng kwarto? Sakalin ko siya nang maalala niya iyon. Napanguso ako da