Blangko ang ekspresyon ng mukha ko nang maramdaman ko ang malamig na dulo ng baril na hawak ng lalaking may malaking pangangatawan at may tattoo sa leeg. “Be a good girl and go back to that room. Give us the guns, too, and you wouldn’t receive even a scratch from us,” sabi ng lalaki sa akin habang paulit-ulit na ipinagdidiinan ang kanyang baril sa akin. “Maui,” pagtawag ni Kolt sa pangalan ko sa likod, halatang natatakot na dahil ano mang oras ay maaaring iputok ng lalaking nasa harapan namin ang baril na hawak nito. Bukod pa roon ay may isa pang lalaki ang nasa gilid ko na may hawak na baseball bat. Anong balak niyang gawin doon? Ipupukpok niya sa ulo ko? God, pakiramdam ko nga ay nagtamo ako ng bukol dahil sa kung sino mang humampas sa ulo ko kanina. Malaman ko lang talaga kung sinong