Malinaw na malinaw pa sa akin ang pangyayaring nangyari noong siyam na taong gulang pa lamang ako.
Naglalaro sa sala ng aming bahay nang may tatlong babaeng nagwawalang pumasok sa aming bahay, tinitingngnan ako ng masama at nilagpasan.
Hinahanap si mama.
Galit na galit ang kanilang mga itsura at agad na dinapuan ng takot. Narinig ko ang malakas na iyak at sigaw ni mama, pinagtulungan sabunutan ng tatlong babae.
Hindi lumalaban si mama at umiiyak lamang.
Lumapit at pinigilan ang kanilang ginagawa ngunit hindi sapat ang maliit at walang pwersa kong katawan..
Umiiyak at humihingi ng tulong sa kawalan ng pag-asa, nagbabaka-sakaling may tumulong.
Laking pasalamat ko nang dumating si Papa.
Dumagundong sa buong bahay ang sigaw ni Papa.
"Estela tumigil kayo at sinabing walang alam si Meng!"
"Tumigil ka Edward at wala kayong karapatan pagbawalan dahil ilang beses na akong muntik mawala sa katinuan dahil sa inyo! Ngayong napatunayan ko na totoo lahat ng hinala ko humanda kayong lahat! Mga malalandi kayo! Mga baboy!!"
Sigaw ng babae..
"Parang awa mo na tumigil kayo at nakikita nang bata ang ginagawa niyo" pakiusap ni Papa.
"Bakit namin iisipan pa ang bastardo mong anak? Ha! Ikaw ba naisip mo ang anak natin habang nakikipaglandian ka sa babaeng ito? Ilang beses na iyak ang kanilang ginawa ng malaman ang katarantaduhan mo Edward!" sigaw niya.
Dahil sa mga sigawan ay lumapit ang aming mga kapitbahay na siyang mas nagbigay sigla sa tatlong babae.
"Heto ang kapitbahay niyong malandi! Kabet ! Kabet ang babaeng ito pumatol sa may asawa para makahuthot nang pera!" Sigaw nila.
Nagbulung-bulungan ang mga kapitbahay hanggang sa dumating na ang iilang barangay tanod at dinala sina Mama at Papa kasama ang tatlong babae, naiwan ako sa mga kapitbahay na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa din si Mama.
"Ate Len bakit po inaaway si Mama?" Naiiyak kong tanong.
"Nako Yenyen ang Papa mo ay may asawa pala at pinatulan ni Mama mo kaya ayan at baka makulong pa."
"Huh? Si Mama po ang asawa ni Papa!"
Paulit-ulit kong sinabi ngunit walang nakikinig. Gabi na ng dumating si Mama halatang pagod ngunit ng makita ako ay ngumiti na parang walang nangyari at nilapitan ako.
"Anak kalimutan mo ang nangyari kanina ah? Aalis tayo uuwi tayo sa bahay talaga naten sa Pampanga diba gustong-gusto mo makarating doon?"
"Nasaan po si Papa?" Tanong ko na nagpatahimik sa kanya, walang naisagot. Tulad ng sinabi niya ay nangyari nga ang pag-uwi namin sa probinsya.
Hindi alam ni Mama nabasa ko ang isang sulat ng hindi sinasadya. Hindi na naging malinaw ang ibang nakasulat ngunit may tumatak sa aking isipan ang mga katagang
"Lalayuan na namin kasama ng aking anak si Edward Gonzalez at hinding-hindi guguluhin ang kanyang pamilya."
Naguguluhan ako sa nabasa at hindi makapagtanong dahil sigurado magagalit si Mama. Bakit kailangan namin lumayo? Bakit galit na galit sila kay Mama? Bakit hindi nagparamdam pa si Mama sa amin? Mga tanong na bumabagabag sa akin.
Kalaunan ay nalaman ko din ang ibig sabihin ng kabet.
Pakiki-apid, pagsawsaw sa asawa ng may asawa, homewrecker, pokpok, malandi, immoral, kanser ng lipunan at marami pang ibang definition na sila nalang ang gumawa..
Masakit sa akin bilang anak.. paano pa sa kanya?
Dumating kami sa probinsya nila Mama, pamilya daw namin iyon pero hindi ko ramdam, para ngang kaaway pa ang trato sa amin dito. Malamig ang kanilang pakikitungo, baka naninibago lamang..
Isang barung-barong na kubo ang aming titirhan sa tabi nang kanilang naglalakihang bahay. Marami pang espasyo pero hindi para sa amin.
Ayos naman at least may sarili kaming space ni Mama, hindi ko maamin kay Mama na hindi ko gusto ang mga tinging ipinupukol sa akin kahit wala naman akong ginagawa.
Kinabukasan ay mas malaya ko ng napanood ang tanawin sa paligid dahil sa liwanag puro bahay na bato at sa likod ay mga bukirin.
May mga batang naglalaro at naghahabulan na tumigil ng mapansin ako, ngumiti ako at isang halakhak galing sa lalaking payat na may malaki ang mata ang nagsalita "matchura" aniya sabay turo sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig na hindi pamilyar na salita. Oo nga pala ang sabi ni Mama ay "kapampangan" ang kanilang gamit dito.
"Anong sabi mo?" kuryoso kong tanong.
"Maganda" aniya habang may malaking ngiti sa labi.
"Thank you!" Kinikilig kong sambit bago pumasok sa loob ng aming bahay.
"Ma!" Masaya kong tawag.
"Oh ang saya mo ah? Gusto mo na rito? Labas ka para makahanap ka nang mga bagong kalaro" ani mama.
"Oo ma nakita ko na, sabi sa akin kanina machura ako" masayang kwento ko..
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni mama bago bumaling sa akin.
"Tinawag ka palang machura bakit tuwang-tuwa ka pa?"
"Huh syempre maganda daw ako" proud kong sambit.
"Adrienne machura sa kapampangan ay panget tuwang-tuwa ka pa ah." aniya sabay halakhak..
Otomatikong kumunot ang noo ko dahil naisahan ako ng lalaking malaki ang mata na iyon. Kainis at dumoble pa ng simulan akong tawagin ni mama na machura.
Nilibang ko nalang ang sarili sa panonood ng mga pato ng aming kapitbahay wala kasi nito sa Maynila kaya manghang-mangha ako sa mga ito.
"Lapitan mo kaya" suggestion ni mama. Umiling lamang ako dahil natatakot at baka tukain ako ng mga ito.Ilang sandali ay lumabas ang batang malaki ang mata at binigyan ng pagkain ang mga pato. Sila pala ang may-ari ng mga ito. Habang nanonood ay nagsalita si mama.
"Adrienne ayan o si Ruther oh halos kasing idad mo lang iyan ata, kausapin mo para may makalaro ka dito." Ani mama.
"Huh ayoko nga! Ang laki ng mata niya no!"
"Hoy Adrienne ayusin mo nga ang bunganga mo at may pangalan yan! Hindi kita pinalaking maging mapanglait sa kapwa ah!"
"Eh ayan ang tumawag sa aking machura mama" sumbong ko.
"Sus binibiro ka lang siguro, mabait naman siguro."
"Binibiro ko lang din na malaki ang mata niya ma."
"Adrienne isa!"
"Joke lang po" sagot ko at hindi na umimik dahil alam ko na ang kasunod kapag ipinilit ko pa.
Napilit ako ni mama na makisama sa mga bata at ipinakilala niya ako sa mga iyon isa na roon si ArAr o Ruther, Pepay at Potpot. Mabait naman ang dalawa at puro hangin naman si ArAr, hirap din akong kausapin sila dahil hindi ko masyadong maintindihan ang kanilang salita na kalaunan ay nakasanayan na din sa katagalan.
Galing sa eskwela ay pumasok na sa bahay at dumiretso sa kusina para sa tanghalian. Binuksan ko ang nakatakip na kaldero at nakitang wala na sa kalahati at malamig na hula ko ay ang kagabi pa ito. Nakakapanlumo lalo na ng nakitang walang ulam.
Hindi ko naranasan ang ganitong buhay sa Maynila dahil naroon si Papa, marangya ang aming pamumuhay lalo na t'wing umuuwi si Papa. Doctor siya kaya naman parating wala sa bahay na noon ay pinaniniwalaan ko.
Si Papa na ginawang kabet si Mama.
Lumabas ako para hanapin si mama at nakita sa likod, naglalaba. Magulo ang buhok at kumikinang ang mukha dahil sa pawis.
Hindi ganito si mama, dati..
"Ma" tawag ko sa kanya.
Otomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha kaya ginaya ko ito.
"Matagal ka pa diyan? Tanong ko.
"Oo nak, kumain ka na doon para hindi ka mahuli sa klase mag-toyo ka nalang muna ha? Promise mamaya may ulam na tayo kapag natapos ko itong nilalabhan kina tita mo"
"Opo ma." At sunod sunod na tango ang ginawa. Nagpapakatatag si Mama kaya dapat ako din. Kaya namin kahit wala si Papa.
Ngunit mabilis din na natibag ang aking binubuong tapang nang makita si tita. Pinapakain ang mga alagang aso na mas masarap pa ang ulam sa akin. Tumulo ang luha dahil sa awa sa aking sarili, para kay mama.
Mas pamilya pa ang turing nila sa mga aso e.
Dahil naging ganito ang buhay ni Mama ay kung ituring nila ay parang napakababa niyang tao at silang naka-angat ay kung maka-asta ay akala mo kung sino.
Habang naglalakad papasok sa eskwela ay tulala ako at hindi napansin na tumigil na si ArAr habang pinapanood ako.
Sa katagalan ay nakilala ko ang mga bata dito lalo na si ArAr mayabang lang talaga pero mabait naman.
"Napano ka?" Tanong niya.
Umiling lamang ako bilang sagot.
"Oh heto chocolate wag ka ng malungkot. Huwag mo din ipakita kay Pepay at Potpot ikaw lang ang binigyan ko nito."
Tinganggap ko ito at nagpasalamat. Itatabi ko ito at kakainin kasama si mama paborito niya ito e.
Pang-lima na ito sa mga bigay na chocolate ni ArAr hindi ko mapigilan ang mangiti lalo na tuwing naririnig ko ang mga reklamo ni Pepay at Potpot na kahit Hany man lang ay walang naibigay si ArAr dahil nagpadala ng package ang Papa niyang nasa Saudi.
Totoo nga ang sabi ni Mama, may ulam kami kinagabihan at ang paborito ko pa. Adobong baboy. Masayang masaya ako tuwing ganito at masaya pa din kahit wala dahil alam kong pinaghihirapan ni Mama ang lahat ng inihahapag niya. Isa sa mga natutunan ko simula ng lumipat kami rito.
First year at star section kami ni ArAr, samantalang ang dalawa ay nasa panghuling section dahil puro crush ang inaatupag. Hindi ko pa iniisip ang crush-crush na iyan dahil mas gusto ko ang mag-aral nang mabuti at may mapapala pa ako.
"Who got the highest score?" Tanong ng aming teacher. At isa-isang binanggit ang mga matataas na score.
"45 ma'am"
"Wala na bang mas mataas sa 45? Sino ang nakuha?"
"Si Glady po"
"Wow congrats! Glady you-" naputol ang sasabihin pa ni ma'am ng may magsalita.
"Ma'am 49 po! Si Adrienne"
"Wow!"
Sabay sabay na sambit ng mga kaklase ko maliban kay Glady na masama ang tingin.
"Ang galing ni Adrienne isa lang ang mali"
"Maganda na, matalino pa si Adrienne."
"Congratulations Adrienne excempted ka na sa exam!" Masayang bati ni ma'am.
Masaya ako sa kinalabasan dahil pinaghirapan kong imemorize at pinagpuyatan ko to, at deserved ko ito. Pinalakpakan ako at ginawang example ni ma'am na dapat tularan.
Habang nagsasalita ay inikot ko ang paningin sa buong klase at nakitang nakatingin si Glady na inirapan ako ng madaanan ko ng tingin.
Tsk! Palagi nalang nakikipag-kumpetensya wala namang ibinatbat. Chakang 'to!
Tumigil ang paningin ko sa lalaking pinapanood ang aking ginagawa.
Nakangiti habang nakatingin sa akin, parang tanga.
Matagal ko ng naririnig sa mga kakilala na crush niya daw ako, wala naman akong pake dahil wala sa isipan ko ang mga ganyang bagay at hindi ko siya type.
Nalalakihan pa din ako sa mata niya hanggang ngayon.
Pinapanood kong naglalaro si ArAr ngayon dito sa may covered court, star player siya ng sepak takraw at volleyball player kaya kahit hindi katalinuhan ay nasa star section pa din. Fourth year na kami ang bilis ng panahon parang kailan lang hirap na hirap akong intindihin ang pagsasalita nila ngayon ay sanay na at nakakaintindi na pero hirap pa din sa pagsasalita.
"Omg! Ang galing talaga ni ArAr!"
"Oo nga ang gwapo pa! Hindi nga lang namamansin"
"Oo nga e balita ko crush daw niya si Adrienne kaso nahihiyang mag-confess."
Naiiling nalang ako sa mga naririnig una dahil wala akong makitang gwapo sa mukhang iyan at pangalawa walang hiya ang lalaking yan kaya imposibleng mahiya yan!
Nang matapos ang laro ay nag-ayos na ako dahil magpapalit lamang si ArAr at aalis na kami. Parati kaming magkasabay dahil magkadikit lamang ang aming bahay at bakod lamang ang pagitan nito.
Habang naghihintay ay lumapit ang lalaking dati pang nagpapapansin sa akin at nagpadala pa noon ng sulat na mali-mali naman ang grammar. Galing ito sa lower section ng aming batch.
"Hi!" Bati niya.
Umirap lamang ako at hindi pinansin. Naiirita ako sa mga ganitong tao. Bakit hindi na lamang mag-aral ng mabuti at gumanda man lang sa paningin ko.
"Ang suplada mo naman" aniya at tumawa pa.
Wala namang nakakatawa!
"Pwede ba tigil-tigilan mo ako at hindi ako interesado sa iyo." Dire-diretsyo kong sagot.
"Napaka arte mo naman at akala mo naman sobrang ganda mo!"
"Talagang mag-iinarte ako kung ganyang din naman katulad mo! Leche!" Ani ko bago inilabas sa bag ang love letter niyang pinagko-correct ko at nilagyan pa ng score.
"Ayus-ayusin mo buhay mo ah!" Pahabol ko pa bago iniwan.
Pinagtitinginan na ako pero hindi ko na pinansin at dumiretso na lang sa gate para hintayin ang kasabay. Nakita ko siyang kausap pa siya ng kasama pero ang mata ay naghahanap, kumaway ako para makita niya.
Tumatakbo siya papalapit sa akin.
"Oh bat nandyan ka?" Tanong niya ng makalapit.
"Nakakainis kasi ang bwisit na lalaking iyon! Puro landi!"
"Huh sino?"
"Ewan ko at wala akong pakialam doon. Ang kapal ng mukha at sinabihan pa akong maarte at hindi masyadong kagamdahan! Aba talagang mag-iinarte ako kung siya nalang din ay huwag na no!" Mahaba kong sinabi.
"Bakit ano ba ang tipo mo Yen?"
"Syempre matalino no! Ayoko sa puro papogi!"
"Gwapo na ako Yen mag-aaral nalang ng mabuti" bulong niya na narinig ko naman.
Hindi ko na pinaulit dahil hindi naman interesado.
"Renz Ruther second to the highest!" Anang kaklase ko dahilan ng palakpakan.
Tuwang-tuwa ang aming mga guro dahil sa biglang pagbabago ni ArAr.
Kaya naman pala niyang mag-aral ng mabuti, nilingon ko siya at tulad ng dati ay inaabangan niya ang pagsulyap ko sa kanya.
Crush nga ata ako.. Iww!
Sa aming huling subject ay may long test kami.
"Mag prepare kayo ng three pesos para sa test paper." Anunsyo ng aming English teacher.
Inilabas ko ang maliit na kulay brown na pekeng Gucci wallet ko at kumuha ng barya. Pag angat ng aking tingin sa harapan ay si Ruther, nanonood sa aking ginagawa.
"Ano?" I asked.
"Pengeng tatlong piso, Wala akong pera.."
"Talaga Ruther? Pakyu!" Sagot ko dahil imposibleng mawalan ito ng pera kahit pa barya lang. Binigyan ko nalang din upang lumayas na sa aking harapan.
"Okay class may JS prom tayong magaganap" anunsyo ng aming adviser na hindi ko ikinatuwa. Gastos na naman..
Bukas ay sisimulan na ang practice dahil nahuhuli na kami at wala pa kaming naging practice para sa sayaw. Nagkakagulo na ang mga kaklase ko sa paghahanap ng magiging partner samantalang ako ay nagbibilang na kung paanong tipid pa ang gagawin upang hindi na gumastos si Mama.
May mga ipon naman ako pero para sana ito sa nalalapit kong pagko-kolehiyo.
Tulungan ko na lang kaya si Mama sa paglalabada? Sigurado hindi papayag iyon. Naisip kong mag tutor at mabilis din na nailing nang maalala ang huling batang tinuruan ko na muntikan na akong ipa-barangay ng magulang dahil iyak ng iyak ang bata. Kasalanan ko bang hindi niya magets kahit anong simpleng explanation ko na?! At lalong hindi ko tinakot no..
Hinilamos ko ang palad sa aking mukha at nag-isip pa paano hahanap ng pera.
Hayy! Pera mahal na mahal kita bakit hindi mo ako mahalin? Bulong ko ng mahina.
Pag-alis ng aking kamay sa mukha ay mukha ng nakangising si Ruther ang nakita..