"Wow! Ikaw nagluto nito?" Tanong ni Andrew habang kumakain ito sa mesa, kung saan kanina lang eh sya ang nakahain doon, tumango sya at inayos ang suot na dress na magulo na dahil sa asawa. "Alam na alam mo ang gusto kung asim ah" Dagdag pa ni Andrew habang panay subo sa pagkain. "Syempre naman asawa mo ko, kaya kailangan alam ko lahat" Sagot nya at pumasok sa isip nya si Lea, hindi nya alam kung paano ba itatanong sa asawa ang mga nabasa nyang text ni Lea rito at kung para saan ang mga text na yon. "Sino palang kausap mo kanina?" Lakas loob na tanong nya at napansin nyang nag iba ang mukha ng asawa. "Kanina?" "Oo pagpasok ko kanina may kausap ka, nag-aaway nga yata kayo eh" sagot nya at tumingin ng deretcho sa asawa na kaagad namang nag iwas ng tingin sa kanya. "Ah... si Lea" sagot n