"We need to talk!" Matigas na sabi ni Andrew matapos ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto nya, nagulat pa sya at si Yhuan na gumalaw mula sa pagtulog. "Yhuan is sleeping! Huwag ka ngang maingay!" Pigil ang tinig na sagot nya. "Let's talk in my room!" Matigas na sabi nito. "Hindi ba pwedeng bukas na lang? Pagod ako!" "Hindi! Dahil gusto kong malaman kung ano nanaman ang pumasok dyan sa kokote mo at umalis ka ng bahay!" Matigas na sabi nito na hindi mapigilan ang galit. "I don't want to talk to you! Gusto ko ng magpahinga!" Sagot nya at muling umayos ng higa sa kama, katabi si Yhuan. "Yna!" Mabalasik tawag nito na nagpakislot sa kanya at sa natutulog na si Yhuan. "Andrew!" Inis na tawag nya at narinig nya ang mga katok sa pinto, binuksan ni Andrew ang pinto, nakita nya si Penny n