Andrew's POV Paglabas nya ng silid mabilis nyang pinunasan ang mga luha, never pa syang umiyak sa buong buhay nya, tanging ngayon lang, dahil alam nyang mawawala ang kaisa-isang babaeng minahal nya, ahaw man nyang umabot ang lahat sa ganito, pero wala na syang magagawa pa dahil kahit papano nakakaramdan na rin sya ng awa sa sarili, lahat ginawa na nya, lahat binigay na nya wala na ngang natira sa kanya, ang ginawa nyang pagluhod at pagmamakaawa sa asawa ang pinaka huling bala nya, pero masakit isipin na walang nangyari, marahil hanggang doon nalang ang lahat sa kanila ni Yna. Bago sya tuluyang bumaba ng hagdan, pumasok muna sya sa silid ni Yna kung saan natutulog ang anak. "Kuya" Si Penny ng makita sya, gising pa ito at nakahiga sa tabi ni Yhuan na masarap ang tulog. "Ssshhhh" Sabi la