"What took you so long, hon?" tanong ni Jada na may tono ng pagkainip. Kararating lang kasi ni Jacob, halos bente minutos din itong nawala, nagpaalam lang naman ito sa kaniya na magba-banyo. "I'm sorry, sweetheart, on my way back here ay may nakasalubong akong kakilala, napakuwento ng konti. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko kakausapin si Judge Ignacio iyon," alibi nito. "Ah, ganu'n ba? Sige, tapos na akong kumain. Halika na umuwi na tayo," aya niya sa asawa. Tumayo siya at isinukbit ang kaniyang sling bag sa balikat. "No, we'll stay here, hindi tayo uuwi, dito tayo matutulog ngayong gabi." Pinigilan ni Jacob ang kamay ni Jada. Pumihit siya paharap sa asawa. "What? Hindi puwedeng hindi tayo umuwi. Paano si Justin? Nakakahiya naman kay Heidee." "Don't worry, kinausap ko na siya. Sta