Ang Sa Iyo Ay Akin

Ang Sa Iyo Ay Akin

book_age18+
1.0K
FOLLOW
6.2K
READ
revenge
love-triangle
possessive
billionairess
drama
bxg
city
stubborn
like
intro-logo
Blurb

“Doc, bakit naman ganito ang itsura nang anak ko? anak ko ba talaga siya?” tahimik lamang akong nakikinig sa tanong ni Madam Dinah sa doctor na nagpapaanak sa kanya.“Ma’am Garcia, ito po talaga ang anak ninyo,” kita ko naman ang pangamba sa mukha nang doctor habang kausap si Madam, kahit ako ay hindi makapaniwala na sa ganda at gwapo ni Madam Dinah at Sir Victor ay hindi ito nakukuha nang kanilang anak. Hindi rin ako makapaniwala na iba ang mukha nang anak nila at para itong isang unggoy dahil sa sobrang kapangitan at nababalot nang mga buhok ang buo niyang katawan.“Dinah, huminahon ka, kapapanganak mo pa lang, baka ano ang mangyari sa ‘yo,” Wika ni Sir Victor habang pinapakalma ang umiiyak niyang asawa.“Sabihin mo nga Victor, paano ako kakalma, ano na lang ang sasabihin nang mga magulang natin, mga kamag-anak at lalong-lalo na ang mga kaibigan natin, pagtatawanan nila tayo Victor,” hagulhol niya muli habang yakap ang kanyang asawa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang Sa Iyo Ay Akin C1 “Doc, bakit naman ganito ang itsura nang anak ko? anak ko ba talaga siya?” tahimik lamang akong nakikinig sa tanong ni Madam Dinah sa doctor na nagpapaanak sa kanya. “Ma’am Garcia, ito po talaga ang anak ninyo,” kita ko naman ang pangamba sa mukha nang doctor habang kausap si Madam, kahit ako ay hindi makapaniwala na sa ganda at gwapo ni Madam Dinah at Sir Victor ay hindi ito nakukuha nang kanilang anak. Hindi rin ako makapaniwala na iba ang mukha nang anak nila at para itong isang unggoy dahil sa sobrang kapangitan at nababalot nang mga buhok ang buo niyang katawan. “Dinah, huminahon ka, kapapanganak mo pa lang, baka ano ang mangyari sa ‘yo,” Wika ni Sir Victor habang pinapakalma ang umiiyak niyang asawa. “Sabihin mo nga Victor, paano ako kakalma, ano na lang ang sasabihin nang mga magulang natin, mga kamag-anak at lalong-lalo na ang mga kaibigan natin, pagtatawanan nila tayo Victor,” hagulhol niya muli habang yakap ang kanyang asawa. Hindi ko naman mapigilang maawa sa anak nila Madam. Ilang taon na rin akong naninilbihan sa kanila kaya kilalang-kilala ko na ang mag-asawa. NANG maihatid ko na ang doctor sa labas ay muli akong bumalik sa silid nina Madam Dinah at Sir Victor. Ako lang kasi ang pinapayagan ni lang makapasok at mag-alaga sa anak nila. “Emily,” Nag-angat ako nang tingin kay Madam Dinah habang nasa tabi niya pa rin si Sir. “Opo Madam,” mahina kong sagot sa kanya. “Pwede mo ba siyang itapon?” Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya sa akin, taka akong napatingin sa bata habang mahimbing itong natutulog. “A-ano po ang ibig ninyong sabihin M-Madam?” utal ko namang wika sa kanya. “Bingi ka ba? ang sabi ko itapon mo siya! ‘yong hindi na namin siya makikita kahit kailan!” Malakas niyang sigaw kaya agad kong kinuha ang anak nila. Binalot ko ito nang husto para hindi siya mapansin nang ibang mga katulong. “Emily!” Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Sir Victor, bakas sa mukha niya ang pag-alinlangan habang papalapit siya sa akin. “Please ‘wag mong itapon ang anak namin, kung pwede alagaan mo siya, handa kung ibigay ang lahat alagaan mo lang ang anak ko,” pagmamaka-awa ni Sir habang nakatingin sa batang mahimbing pa ring natutulog sa aking mga braso. ‘di ko alam pero agad akong tumango sa kanya. Sakay kami ngayon sa sasakyan nang mga Garcia ang sabi ni Sir Victor buwan-buwan pa rin akong may sahud mula sa kanila basta raw alagaan ko lang ang anak niya. “Hoy, gumising ka kaya, bakit ba tulog ka lang nang tulog? Hindi ka ba nagugutom?”Mahinang wika ko sa sanggol na mahimbing pa ring natutulog sa aking mga braso. ‘di ko naman mapigilang kabahan at idampi sa kanyang maliit na ilong ang aking isang daliri para masiguro kung humihinga siya. bigla naman siyang dumilat at tumitig sa akin, kaya hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman lalo na nang ngumiti siya. kitang-kita kasi ang malalim niyang dimple. Hindi ko alam pero napapangiti rin ako habang nakatingin sa kanya. “Alam ko na pala ang ipapangalan ko sa ‘yo, Stella,” Ngiting wika ko habang hinalikan si Stella sa kanyang pisngi. “Hmm, ang bango naman nang anak ko,” bigla akong napatigil dahil sa tinawag ko sa kanya. Pero agad din akong napangiti habang nakatingin muli kay Stella na mahimbing nang natutulog. “’Wag kang mag-alala Stella, simula ngayon ako na ang magiging Mama mo, po-protektahan kita anak,” Ani ko sabay halik sa kamay nang anak ko. FIVE YEARS LATER “Stella anak, tama na ang laro mag-merienda ka muna,” Tawag ko sa anak ko habang masaya itong nakikipaglaro sa mga bata rito sa park. Hindi ko rin minsan mapigilan ang mainis sa mga tao na makakasalubong namin dahil sobra sila kung makatitig sa amin. Minsan napagkamalan pa nila akong yaya nang anak ko. ilang beses na rin akong napapa-away sa tuwing sinasabihan nila na napupulot ko lang sa basurahan si Stella. ‘Di ko kasi alam bakit biglang nagbago ang itsura nang anak ko, simula noong naging one year old siya ay nawala ang mga balahibo sa buo niyang katawan, ang pangit niyang mukha ay unti-unting gumanda. “Mama, ano po ang binili niyo?” Napangiti ako sa anak ko habang pumulupot sa aking hita ang kanyang maliliit na braso. “Ano pa nga ba, eh ‘di ‘yong paborito mo,” Ngiting wika ko habang hinalikan siya sa pisngi. “Yehey! Ang sarap naman nito Mama,” excited na sabi nang anak ko habang mas mahigpit pa niya akong niyakap. “Oh, ‘wag ka na masyadong malikot kapag nasa bahay na tayo ha?” wika ko sa anak ko habang sakay kami nang tricycle. Nagtitinda na kasi ako sa park kaya kasama ko siya lagi wala rin kasing ibang magbabantay sa kanya sa bahay. Taka naman akong napatingin sa kotse na nasa harapan nang aming bahay. Nang huminto ang tricycle ay hindi ko rin mapigilang kabahan nang makita ang taong nakatayo sa labas nang bahay. “S-Sir Victor,” Sambit ko habang binuhat ko si Stella. “Emily,” Parang sasabog na ang aking dibdib sa sobrang kaba habang nasa harapan ko siya. “S-Sir, a-ano po ang ginagawa ninyo rito?” Hindi ko mapigilang mapalingon dahil baka kasama niya si Madam Dinah at nagbago na ang isip nito. “Nagtataka lang kasi ako dahil hindi mo na kinuha sa cash card mo ang mga pera na para sa inyo ni..” napatigil siya nang tumingin sa kanya si Stella. “Mama, sino po siya?” Taka namang tanong ni Stella habang nakaturo kay Sir Victor. “Boss siya ni Mama anak,” sagot ko sa anak ko habang napapakagat ako sa aking labi. “S-sino siya?” Napayuko ako dahil sa tanong sa akin ni Sir. “P-pumasok po muna kayo Sir,” pag-iiba ko naman sa tanong ni Sir Victor dahil natatakot akong magbago ang isip niya at kunin na niya si Stella dahil iba na ang itsura nito at hindi na ito nakakatakot. “Emily,” Muling sambit ni Sir sa aking pangalan habang nilagay ko si Stella sa kanyang upuan. “Mama, buksan mo ‘yong TV,” Agad naman akong lumapit sa TV at binuksan ang paborito niyang channel. “Emily.” May diin na sambit ni Sir Victor sa aking pangalan kaya agad akong lumingon sa kanya. “Tinatanong kita kung sino siya?” Galit niyang wika habang tumingin kay Stella. “S-si S-Stella Sir, a-ang anak niyo,” bakas ang gulat sa kanyang mukha habang tumingin sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
158.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
98.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook