Nagpatianod na lamang siya ng hilahin na siya ni Nathan sa isang kamay palakad palayo mula sa kanilang kinaroroonan. Halos kaladkarin na siya nito dahil sa bilis ng ginagawa nitong paglalakad. "Wait, Nathan!" Biglang sabi niya dahil nahihirapan na siyang sumabay sa malalaking hakbang na ginagawa nito. Tumigil naman ito sa paglalakad at puno ng pag-alala ang mukha nito na binalingan siya. "Why? masakit ba ang sugat mo? Hindi mo ba kayang maglakad? Do you want me to carry you?" Sunod-sunod na tanong nito at nalilito siya kung ano ang una niyang sasagutin sa lahat ng mga itinanong nito sa kanya. "Nathan, isa-isa lang ang tanong, puwede ba?" Naaliw na sabi niya dito. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti nang matingnan ang mukha nito. Magkahalong ekspresyon ang nandoon. Pag-alala, ga