Pagdating niya sa tapat ng bahay nila Amara ay mabilis niyang ipinarada sa gilid ng gate ang sasakyan niya. Naglalakad siya papunta sa may entrance ng gate nang bumukas naman 'yon. Lumabas ang nakangiti na si Amara. Parang biglang lumiwanag ang paligid kahit na pahapon na ngayon. Kasing liwanag ng sikat ng araw sa umaga. Napatingin siya sa mukha nito. Nakasabog ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha. May dumi pa siyang nakikita sa mukha nito. Wala sa sarili na linapitan niya ito hinawi ang mga buhok na 'yon na nakatabing sa mukha nito. Pagkatapos ay pinunasan din ng isang daliri niya ang nakita niyang dumikit na dumi sa mukha nito. Para namang namamalikmata na napatitig ito sa mukha niya. Halos hindi na nga ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. Iyon bang uri ng titig na parang hindi