Chapter 1

2153 Words
Naglalakad ako sa hallway ng second floor building para sa next class ko nang matigil ako. Nakita ko ang dalawang binata na kasama kahapon sa labas. Nakangisi lamang ang mga ito. Kaagad na nabuhay ang inis sa puso ko. Deritso lang ako sa paglalakad at hindi na sila binigyang pansin. Nang dumaan na ako ay kaagad nila akong hinarangan. “A-ano ang kailangan niyo sa ‘kin?” tanong ko. “Pinabibigay ni, boss sa ‘yo,” wika ng lalaki. Napatingin ako sa hawak niya at inis na kinuha iyon at hinampas sa sahig. “Aba’t!” galit niyang saad at kamuntik na akong masampal. Sa takot ko ay napaatras ako. “Leon, kalma ka lang. Tinakot mo tuloy si, Ma’am,” sabat nu’ng kasama niya. Napalingon ako sa paligid subalit walang tao. Ang mga estudyante ay nasa kaniya-kaniya ng silid. “Sobrang pakipot ng babaeng iyan Rio,” inis niyang saad at dinuro pa ako. Pinulot nu’ng Rio ang boquet ng bulaklak at iniumang sa akin. “Tanggapin mo na, huwag mo na pong hintayin na mismo ang boss namin ang magbigay sa ‘yo,” malamig niyang saad. Tiningnan ko lamang sila nang masama. Napaatras ako nang basta na lang niya iyong ibinato sa dibdib ko. Naikuyom ko ang aking kamao at napatingin sa bulaklak. Mula iyon sa isang sikat na boutique. “Sabihin mo sa boss niyo na pinagsisihan ko ang nangyari kahapon. Tigilan niyo na ako, wala kayong mahihita sa akin,” matigas kong saad at itinapon sa pinakamalapit na trash bin. Hindi ko na rin sila nilingon pa. Pagkapasok ko sa room ay kaagad na isinara ko iyon. “Are you okay, Ma’am? Namumutla ka po,” saad ng estudyante ko. Tiningnan ko lamang siya at tipid na nginitian. “I-I’m fine,” sagot ko at pumunta na sa harap. Nagbigay lamang ako ng susulatin dahil binabagabag ako dahil sa mga nangyayari. Sumapit na ang hapon at domoble ang kaba ko. Paano kung nasa labas sila? Paano kung hinihintay nila ang paglabas ko? Paano kung patayin nila ako? Huminga ako nang malalim at napalunok ng aking laway. “Sarissa!” Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Timmy iyon. “Akala ko nauna ka na. Sabay na tayong umuwi lagi ha,” aniya sa ’kin. Ngumiti naman ako bilang pagsang-ayon. “Tara?” aya ko sa kaniya. Tumango naman siya. “Kukunin ko lang ang bag ko sa faculty room ha, hintayin mo ako rito,” nakangiting saad niya. Tumango lamang ako bilang tugon. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin kami kaagad. “Kumusta naman ang pagtuturo mo? Mababait ba ang students mo?” tanong niya. “Oo, may mga edad na rin naman sila at hindi na bata,” sagot ko. “Mabuti naman, kasi may na-handle ako na freshmen, grabe ang titigas ng ulo. Grabe kahit nasa harap ako nagce-cellphone,” aniya. Napailing naman ako. Hindi ko namalayan at palabas na pala kami ng gate. Napalunok ako at nilalabanan ang kaba sa dibdib ko. “Okay ka lang ba?” tanong ni Timmy. Nginitian ko naman siya at tinanguan. “O-oo naman,” ani ko. Paglabas namin ng eskwelahan ay napahinga ako nang maluwag nang wala roon ang mga lalaki. “Mabuti naman at wala ang grupo ni, Infernu ngayon,” ani Timmy. Napalingon naman ako sa kaniya. “Kilala mo rin siya?” tanong ko. She chuckled and shake her head. “Oo naman, lahat naman ng taga Sta. Elena kilala si, Infernu Rasgild.Wala naman siyang records pero ang mga kaibigan niya labas pasok na sa kulungan. Kilalang notorious abuser iyang mga ‘yan. Walang sinasanto. Kahit nga mga high school students basta matipuhan nila eh,” kuwento pa niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” takang tanong ko. “Ganito kasi ‘yan, ang pamilyang Rasgild ay kilalang sobrang mapera. Wala nga yata iyang hindi kayang bilhin eh lalo na iyang si, Infernu. Siya ang panganay na anak eh. Ito atin-atin lang ha, may nagsabi kasi ang dating pinagkakatiwalaan ng pamilya nilang trumaydor sa kanila. Isang boss ng illegal na gawain ang ama niya. Kaya hindi mapantayan ang kayamanan nila dahil sa mga illegal na gawaing ginagawa nila. May dugong Italyano iyan sila, ang sabi kasi head ng Italian mafia ang ama nila, kaya wala ni isa ang bumabangga sa pamilyang ‘yan,” dagdag niya pa. Kumunot naman ang noo ko. Pumara si Timmy ng traysikel at pumasok na kami sa loob. “Huwag kang mag-aalala hindi naman iyan na-confirm ng pamilya nila eh. Pero mag-iingat ka pa rin dahil kahit sobrang guwapo ni, Infernu napapalibutan pa rin iyan ng mga sabog niyang kaibigan. Ibig sabihin siya rin, siya ang may maraming koneksiyon eh. Kaya mag-iingat ka palagi,” saad niya pa. Napatango naman ako. Posible naman kasing hindi talaga nila ako tatantanan. Lalong-lalo na sa ginawa ko kanina panigurado babalikan nila ako. “P-pinuntahan ako kanina ng mga kasama niya. Binigyan ako ng bulaklak itinapon ko sa trash bin,” kuwento ko sa kaniya. Natigil siya at kinunutan ako ng noo. “Ha?!” gulat niyang sigaw. Napatingin naman ang drayber sa amin. “Huwag mo na kami pansinin Manong,” nakangising wika ni Timmy at pinanlakihan ako ng mata. “Oh God! Ano ka ba naman, Sarissa? Puwede mo naman sanang tanggapin iyon. You invited trouble,” saad niya na puno ng frustrasiyon ang boses. “I’m too dumb, hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Basta nainis na lang ako nang makita ko ang dalawa. Muntikan na nila akong saktan kanina kaya dumepensa na rin ako,” sagot ko. Ilang sandali lang ay bumaba na si Timmy. “Basta sabay na tayo ha, hindi puwedeng mag-isa ka lang,” saad niya. Tumango naman ako. “Oo na, sige na. huwag mo akong aalalahanin,” saad ko at kumaway na sa kaniya. “Tara na po Manong,” sambit ko. Tumalima naman kaagad siya. Kumuha ako ng apartment dahil may kalayuan nga ito sa bahay namin. Nasa kabilang barangay pa kami. “Dito na po,” saad ko. Ibinigay ko na aking plete at lumabas. Naglakad lang ako kaunti papunta sa gate nu’ng inaarkilahan ko. “Magandang hapon po, Aling Nena,” bati ko sa landlady. Nginitian niya lamang ako. Pumasok na ako sa loob at kaagad na isinara iyon. Napakunot ang aking noo nang makitang nakabukas na ang photo album na dala ko. Sa pagkakaalala ko kasi ay inilagay ko lang iyon sa ilalaim ng round table sa maliit kong sala. Kaagad na pumunta ako sa loob ng aking kuwarto at t’saka ko lang napansin na hindi na naka-lock ang pinto ng aking space. Kinuha ko ang walis sa gilid at hinawakan iyon. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko. Nakaupo si Infernu sa kama ko. May hawak siyang baril sa kabilang kamay at sa kabila naman ay ang bulaklak na itinapon ko kanina sa trash bin kanina. Natuod ako sa aking kinatatayuan sa labis na gulat. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. Napaatras ako nang tumayo siya at nilapitan ako. Pakiramdam ko ay sobrang liit ko kahit na five-seven ang height ko. He looked like six-two. “Umalis ka rito kung ayaw mong kasuhan kita ng trespassing!” singhal ko sa kaniya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay sobrang lamig. “Sarissa Moran,” aniya. Kumunot naman ang noo ko. “P-paano mo nalaman ang pangalan ko? Huwag kang lalapit. Diyan ka lang!” Umatras ako at iniumang sa kaniya ang hawak kong walis. Ngumisi lamang siya at humalakhak na parang demonyo. Sa isang iglap lang ay hawak na niya ako sa kamay at nakapinid na ako sa dingding. Kahit na anong pasag ko ay walang nagawa dahil likas na malaki siyang tao at malakas. Ang mga mata niya ay namumula at hindi ko alam kung ano ang tama niya. “B-bitiwan mo ako,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. He leaned and sniff my scent again. “Uh! You smell so good,” aniya na parang baliw. Nagsimula na ring magtuluan ang luha ko nang maramdaman ko ang dila niyang bahagyang dinidilaan ang aking leeg. “P-please, maawa ka. Huwag mong gawin sa akin ‘to,” desperada kong saad. Tinitigan niya ako at hinalikan ang luha sa aking mga mata. Bumaba iyon hanggang sa labi ko. “Uhmmmp—” Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sa labis na kaba ko ay malakas na kinagat ko ang labi niya. “f**k!” mura niya at galit na tiningnan ako. Sinalubong ko ang tingin niya at galit na dinuraan. “Masama kang tao! Wala akong ginawa sa ‘yo! Ang sama-sama mo!” singhal ko sa kaniya. Nanlilisik ang matang nilapitan niya ako at ipininid ulit sa dingding at hinawakan nang mahigpit ang bibig ko hanggang sa maramdaman ko ang pagdugo niyon. “Wala naman sana akong planong pag-aksayahan ka ng oras eh. Pero matigas ka at matapang. You caught my attention, ginusto mo ‘to. You’re not the first woman who acted tough on me so you would be noticed. I’m just giving you what you want,” malamig niyang wika. “Hindi lahat ng tao may gusto sa ’yo. Ibahin mo ako, nakakasuka ka. Nakakadiri ang isang katulad mo! Kalalaki mong tao pinapatulan mo ang babae, hindi ako katulad sa mga pota mo! Hindi kita kilala at lalong bago ako rito! Wala akong pakialam sa ’yo, wala kang mahihita sa akin kaya puwede ba? Hayaan mo na ako sa buhay ko,” umiiyak kong saad. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa bibig ko at kinuha ang baril niya. Napalunok ako at nanginginig sa sobrang kaba. Ramdam ko ang nginig sa bawat himaymay ng katawan ko. Mauubusan ako ng dugo. Mabilis na lumuhod ako at nilapitan siya. Hinawakan ko nang mahigpit ang laylayan ng suot niyang rugged jeans. “Maawa ka, ako lang inaasahan ng pamilya ko. Ngayon lang ako makababawi sa kanila. Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to,” pagmamakaawa ko. Paano na lang ang mga kapatid ko? Ang pamilya ko? Narinig ko ang pagkasa ng baril niya at itinutok niya iyon sa aking noo. Pumikit na ako at kahit takot na takot ay sinalubong ko ang tingin niya. “G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo huwag mo lang akong patayin. Kahit ano,” saad ko. Tiningnan niya lang ako at nginisihan. Pumantay siya sa akin at inilagay sa gilid ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko. “Kahit umiiyak ka ang ganda mo pa rin. I like how scared you are, you look so hot,” komento niya. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na galit sa kaniya. “But you look hotter when mad,” dagdag niya pa. “From now on, tatanggapin mo lahat ng ibibigay ko. You like it or not sa akin ka na, Sarissa. Huwag mo na ring tangkaing tumakas o magtago. You can run but you can’t hide from me. You are hell’s property, Sarissa,” nakangisi niyang wika at tumayo na. “Huwag ka ring mag-abalang magsumbong. I have all the authorities in my hand,” saad niya. “Hayop ka! Wala kang kasing sama,” mahina kong saad. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng karapatang ipagtanggol ang sarili ko. “Mahal mo naman ang pamilya mo ‘di ba?” saad niya sa nanunuyang tono. Kaagad na naalarma ako sa sinabi niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” He just smiled menacingly. “What do you think?” sagot niya. Mabilis na tumayo ako at pinagsusuntok ang dibdib niya. “Huwag mong idadamay ang pamilya ko sa kahayupan mo!” singhal ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay tumaob ang paningin ko nang maramdaman ang malakas na pagtulak niya sa ’kin. Tumama pa ang tiyan ko sa ngilit ng kama. “Then…obey me,” wika niya. Tiningnan ko lamang siya nang deritso at pikit-matang tinanguhan. Nginisihan niya ako at walang pasabing umalis na. Hinayaan ko ang aking luha na tumulo at napasandal sa kama. “Diyos ko! Ano ba ‘tong nangyayari sa buhay ko?” Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Suminghot ako at napakunot noo nang makitang unknown number iyon. Akmang ica-cancel ko nang may natanggap akong message. “Answer my call.” Sinagot ko na iyon at nanginginig na pinakinggan ang malalim niyang boses. “Save this number,” saad niya at ilang sgalit lang pinatay na niya agad. Sa galit ko ay naibato ko iyon sa dingding. Mabuti na lamang at hindi nabasag. Naihilamos ko sa aking mukha ang aking kamay at napahinga nang malalim. Kahit ano ang gawin ko alam kong hindi na niya ako tatantanan. Sa ngayon ay titiisin ko muna at hihintayin ko ang tamang pagkakata on at makahanap ako ng taong tutulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD