Chapter 19 Mababaliw Malakas ang kutob ko na naging success si Sebe doon.Kaya ganon nalang ang galit ni Eli sa akin kanina. Ano kaya ang sasabihin ng parents niya? Siguro naman kung maging success si Sebe at maiahon ang kumpanya nila ay okay lang kahit hindi na ituloy ang kasal? "Naku! Insecure talaga sayo ang Eli na yun! Patay na patay pala siya talaga kay Sebe!" Palatak ni Jen at may pinipindot sa cellphone niya. Nandito kami ngayon sa starbucks. Same spot parin naming tatlo. Kylie nodded. "Oo naman hindi nga makamove on kay Sebe e!." Nakatingin lamang ako sa kanila habang nag uusap tungkol sa nangyari kanina. Kahit dito sa loob ng campus iyon din ang usap usapan. "Pero ha!