Chapter 25 I Love You So Much Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong malaman. Parang okay na ako na malaman na hindi tuloy ang kasal. Napanatag ang kalooban ko dahil doon. Alam ko naman na kaya niya iyon. Nakapalibot sa akin ang mga bisig niyang matigas at maugat. Tila naging protekta ko iyon sa lamig ng hangin na aming sinasalubong. Sebe's prepared a romantic dinner for us in a yacht. Hindi ko ito inaasahan. Sa Manila ay okay lang. Kadalasan na pagkikita namin ay sa School. Palagi kaming magkasama sa lunch at tinutulungan niya ako sa mga assignments ko at projects. Naalala ko lang iyong unang nangyari sa amin. Pumikit ako ng mariin at sumandal lalo sa dibdib niya