Chapter 22 Isla Constancia Patungo doon sa Batangas ako dumaan. Sasakay ng Roro patungong Mindoro at mula doon ay mag babangka nalang papuntang Isla Constancia. Madaming turista doon. Madami ang hotels,and Resorts. So ibig sabihin ay mahaba habang byahe ito.Nag iwan lang ako ng sulat kay Kylie. Nagreply rin sa akin si mama kanina. Magkikita raw kami doon pero hindi sa ngayon. Hiniling niya na magkita kami dito sa Maynila pero hindi ko na pinaunlakan iyon. Gusto ko nang umalis agad. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon. Siguro doon ako magpapahilom ng sugat. Mas mabuti na din kung hindi na ako bumalik pa. I'll accept everything.Nasaktan man ako ay hindi ko na mababawi ang lahat.