Chapter 4

3144 Words
JANA's POV NANG sumapit ang alas-singko ng hapon ay kaagad na akong nag-out sa trabaho at hindi na muna ako mag-o-overtime. May usapan kasi kami ni Brix na kakain sa labas kaya heto ako ngayon at palabas na ng building ng pinagtatrabahuan ko. Nagulat pa ako sa pagtunog ang cell phone ko kaya kaagad ko iyong kinuha sa bag ko at nang tignan ko iyon ay hindi naka-register ang number ng tumatawag kaya nagtaka ako kung sino iyon. "Hello?" sagot ko sa tumawag. "Hi, Baby," tugon ng nasa kabilang linya at kilala ko na kaagad kong sino ang tumawag. Iisa lang naman ang tumatawag ng baby sa akin at wala nang iba iyon kundi ang taong iyon kaya napaikot ang mga maya ko sa inis. Si Rafael ang taong iyon at walang iba. "What?" panunungit ko kaagad na tugon sa kaniya. "Ang sungit naman ng baby ko," naglalambing na tugon pa rin niya sa akin. Lalo tuloy ako nakadama ng inis. "P'wede ba Rafael! Tigilan mo ako!" iritado kong tugon sa kaniya. "Jana!" Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin at nginitian ko siya kaagad nang makilala kung sino iyon. Walang iba kundi si Brix iyon at nag-aantay na siya sa akin at katabi pa ang pulang kotse na pag-aari niya. Binuksan ni Brix ang pinto ng kotse kaya mabilis akong lumakad at sumakay na rin doon saka ito umikot at sumakay na rin. "Where are you going?" tanong ni Rafael sa kabilang linya na ipinagtaka ko. Bakit kung makatanong si Rafael parang alam niya na may lakad ako? "Jana gusto mo ba uminom ngayon?" tanong ni Brix habang nagda-drive. "Sige. Wait lang Brix ha, kausap ko lang sa phone kapatid ka," paalam ko kay Brix. "Sige. Go on," tugon niya. "Kapatid mo?" takang tanong sa kanya ni Rafael, "at makikipag-inuman ka naman?" seryoso na ring tanong niya. "Mamaya na tayo mag-usap, okay," iritadong tugon ko. "Jana, I'm following!" sabi ni Rafael na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat. "What! Bullshi*t!" tungayaw ko sa isip. Napalingon ako sa likod ng kotse at nakita ko ang kotseng blue na nakasunod sa amin. Iyon ang kotse kagabi na nirereklamo ko dahil sa pag-park malapit sa bahay namin. "Huta! Kanya pala ang kotse na 'yon?" "What now? Hindi mo ba pahihintuin ang kotse o haharangin ko kayo?" banta na ni Rafael sa akin. "No, umuwi ka na at mamaya na nga tayo mag-usap. May importante lang akong gagawin," kaagad na tanggi ko kay Rafael. Seryoso si Rafael at kilala ko siya kapag ganitong seryoso ang boses ay gagawin niya ang sinabi niya. Isa iyon sa talagang kinaiinis ko sa kanya dahil mas palagi siyang nasusunod kapag gusto niya at ako ay walang magawa kundi hayaan na lang si Rafael. "Bumaba ka na diyan, Jana, dahil hindi ka sasama sa kanya at makikipag-inuman na naman!" pinal na utos ni Rafael. "Nakakainis!" "Raf, naman, eh!" inis na reklamo ko na. Napatingin tuloy sa akin si Brix na may look na, what happened? Look "Do it, Jana, naiinip na ako," sabi pa ni Rafael. "Bwiset ka talaga kahit kailan!" sigaw ng isip ko. Tumingin ako kay Brix na nakatutok na ngayon sa daan at nag-iisip ako ng magadang idadahilan sa kanya na hindi naman sasama ang loob na hindi matutloy ang lakad namin ngayon. "Brix," alanganin kong tawag sa kanya. "Oh?" tugon ni Brix at napatingin pa sa akin. "Sorry. Pwedeng hindi muna tayo matuloy ngayon? Tumawag kasi ang kapatid ko tapos ang kulit pa, may konti kasi sa utak iyon at kapag hindi masunod ang gusto ay nagwawala. Nagyayaya mag-mall, eh, wala naman akong choice kundi samahan," pagsisinungaling ko. Alam ko na ang lame ng kasinungalingan ko pero bahala na basta lang masunod ko ang kumag na si Rafael. "Nice reason," narinig kong sabi ni Rafael sa kabilang linya. "Kung gusto mo, Brix, sa day-off na lang natin ituloy ang date natin. Mas marami tayonng time kapag da-off," pangungumbinsi ko kay Brix. Ngumiti si Brix."Sige. I think good idea iyon," ayon ni Brix na ikinahinga ko ng maluwang, "ihatid na kita sa inyo," alok pa niya. "No. Dito na lang ako kasi susunduin ako ng kapatid ko rito, actually, pasunod na siya. Hinto mo na lang ako rito banda," tanggi ko kaagad. "Are you sure?" Inihinto na ni Brix ang kotse. "Oo. Sorry talaga kasi hindi tayo natuloy ngayon." "It's okay. Kailanagan ka ng kapatid mo, eh, and I understand," nakangiting tugon sa akin ni Brix na ikinangiti ko na rin. "Thank you." Binuksan ko na ang pinto ng kotse at bumaba," ingat ka," bilin ko kay Brix. "Ikaw rin." "Una ka na. Parating naman na siya," utos ko kay Brix. Pinutol ko na ang tawag kay Rafael. Alam naman niya na hindi na ako tutuloy ngayon sa lakad namin ni Brix at nakasunod din naman na siya sa amin. "Sige." Pinaandar na ni Brix ang kotse saka dumating ang kotse ni Rafael. Binuksan ni Rafael ang pinto at lumabas rin. Masama ko siyang tinignan, nakatali ang buhok ni Rafael, naka-T-shirt lang at naka-khaki short. Nilapitan niya ako na nakangiti. "Alam mo, gago ka talaga, eh!" gigil na salubong ko kay Rafael saka mabilis siyang sinipa sa paa. "Ouch!" Napahawak siya sa paa niya na sinipa ko at sinabunutan ko pa siya. "Aray! Aray! Teka lang nasasaktan na ako," reklamo sa niya sa akin. "Dapat lang sa'yo iyan,hayop ka! Lakas talaga ng trip mo, ano? Bakit ba kasi nandito ka?" gigil na tanong ko sa kanya. RAFAEL's POV NAPANGITI ako dahil kitang-kita ang panggigigil ni Jana sa akin at halatang inis na inis siya sa ginawa ko. Ayoko lang talagang uminom siya at lalo nang may kasama siyang lalaki, hindi naman sa over-protected ako kaso naniniwala talaga ako sa kasabihang kapag may alak may balak. Baka kung ano pang gawin ng kumag na 'yon kay Jana. "Bakit ngumingiti ka diyan! Baliw ka talaga!" sigaw sa akin ni Jana at hindi ko naiwasan ang paghampas ng kamay niya sa mukha ko kaya sumapul iyon sa pisngi ko. Malakas at talagang masakit iyon kaya kaagad kong nahawakan ang pisngi ko. "Aray! Nakakarami ka na, ah!" sita ko na sa kanya. "Ano papalag ka?" gigil na hamon na sa akin ni Jana. Inamba pa ni Jana ang kamao at hinawakan ko kamay niya para pigilan siya sa pananakit na naman sa akin. "Hindi, ah, sorry na, Jana, 'wag ka na kasing uminom. Mamaya masapak mo na naman ako sa bahay," nagpapaawang sabi ko. Mas malaki ako kay Jana pero mas matapang siya sa akin. Hindi naman sa takot ako sa kanya dahil kung tutuusin sa liit ni Jana na five- feet flat lang at ako na six-feet ay kayang-kaya kung ibalibag ang pandak na ito kung saan pero siyempre hindi ko gagawin iyon. "Masapak? Talagang makakasapak ako ng tulad mong ang lakas ng trip! Gunggong ka talaga!" tugon niya at lumakad na paalis. "Uy! Saan ka pupunta?" tanong ko kay Jana saka sinundan siya. "Uuwi na! Saan pa ba?" "Sumabay ka na sa akin. Kaya nga ako nandito, eh." Hinarap ako ni Jana. "Tingin mo sasabay ako sa'yo, you asshole! Go away from me! Bullshit! Lumakad na ulit si Jana, palayo. Nakadama na ako ng inis. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya sa akin samantalang kadarating ko pa lang at ito kaagad ang isasalubong niya sa akin. Wala man lang mainit na pag-welcome at puro masasakit na salita na ang tinamo ko kaninang umaga pa pati masasakit na suntok mula sa kanya. Hinabol ko kaagad si Jana at nang maabutan ko siya at hinablot ko na ang braso niya. " Let me go!" sigaw niya. Nagtangka ulit si Jana na suntukin ako pero sinalo ko na kamao niya para pigilan. "Isa pang pananakit mo ay papatulan na kita!" seryosong banta ko na sa kanya. Nakita kong natakot na siya. Hindi ko naman gustong takutin si Jana pero sa ganitong paraan ko mapapatigil ang pagiging war-freak niya. Sanay na sanay na ako sa kanya. "Get in the car!" utos ko sa kanya pero hindi siya gumalaw,"ano? Papasok ka ba ng kusa o pe-pwersahin pa kita?" tanong ko sa kanya. "Oo na!" sigaw niya sa akin. Pumalag siya sa pagkakahawak ko sa braso niya at nang makawala ay saka lumakad pabalik sa kotse at pumasok saka naman ako pumasok sa kotse. "Pupunta ako mall, samahan mo ako para mag-grocery at mamili ng mga kailangan ko sa bahay," mahinahon kong sabi sa kanya pero hindi nagsalita si Jana, "hoy! Kanina ang daldal mo, dakdak ka nang dakdak ngayon tatahimik ka diyan?" sita ko na sa kanya. "Alam mo bang nakakahiya ang ginawa mo kay Brix?" mahinahong sabi ni Jana. "Brix? 'Yon pala pangalan ng jerk na 'yon," sabi ko. "Pwede ba! Hindi jerk 'yong tao." Masama na naman niya akong tinignan. "Hindi ka dapat nakikipag-inuman sa lalaki lalo na kapag hindi mo naman ganoong kakilala. Mamaya kapag lasing ka na kung ano ng gawin sa'yo niyon. Anong laban mo?" panenermon ko na kay Jana. "Hindi naman ako magpapakalasing, eh, saka alam ko limitasyon ko. Matanda na ako at may nagawa lang akong kasalanan kagabi kay Brix, nabatukan ko siya kaya babawi ako," tugon niya sa akin. "Ganon? Dapat pala bumawi ka sa akin kasi sinapak mo ako kahapon," paalala niya kay Jana. "Ha?" Kita ang pagtataka ni Jana nang napatingin sa akin. "Oo, pinagsisipa mo pa nga ako. Dahil napagkamalan mo akong magnanakaw kaso imbes maging nice ka sa akin ay galit ka pa." Nakita ko ang pagtitig ni Jana at inaarok kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Wala siguro siyang matandaan sa nagawa niya na pag-welcome sa akin kagabi. Baliw kasi, inom nang inom!" sabi ko sa sarili. JANA's POV NAPATINGIN ako kay Rafael at inalala ang nangyari kahapon. "Oo nga! s**t! Ang sama ko na naman sa kanya!" sabi ng isip ko nang maalala ang mga nagawa ko kagabi. Nakadama ako nang konsensiya. Naiinis lang naman ako sa kanya kasi naaalala ko pa nang iniwan niya kami. Nasaktan talaga ako noon dahil nawalan ako ng masasandalan at kakampi. Kahit nang naghiwalay kami ni Romeo. Kung nandito sana siya baka hindi ako nahirapan mag-move-on at sana ay may nasandalan ako pero umalis siya at iniwan niya kami. Ako. Naaalala ko pa kung paano siya nagpaalam sa akin at kung gaano ako nagulat at nasaktan, Sinabi naman niya ang dahilan niya, eh, pero hindi ako naniniwala dahil alam ko na hindi naman talaga iyon ang dahilan ni Rafael. Alam ko na hindi. Flashback "Raf sorry," hingi ko ng paumanhin kay Rafael nang puntahan ko siya sa bahay nila. Nakaupo siya sa sofa at hawak ang gitara. Hindi siya tumingin sa akin kaya umupo ako sa sofa katabi niya. "Hindi ko naman sana papatulan si Sophia. Kaya lang ang arte niya kasi! Bakit sa dinami-dami ng sho-shotain mo ay siya pa? Marami namang mas matino diyan at mas maganda!" Tumingin na sa akin si Rafael at seryoso siya. "Huwag mong pakialam ang pakikipag-relasyon ko! Kayo ba ni Romeo mo pinakikialaman ko? Hindi 'di ba? Kaya, mind your own relationship not mine!" inis na sita sa akin ni Rafael. "Aray naman! Sapul dito, Raf, oh." Tinuro ko ang puso ko,"real talk ba iyan?" "Will you please, Jana, leave me alone. I don't want to talk to you!" taboy sa akin ni Rafael. "Sorry na, Raf, hindi ko na uulitin iyon, promise. Ita-try kong magpakabait. Hindi, ahm, hindi ko na papansinin kaartehan ni Sophia," nangangako kong sabi kay Rafael. "Hindi na talaga! Dahil hindi mo na siya makikita pa na pupunta rito." tugon niya sa akin. "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko. "We broke up. Are you happy, now?" Nagulat ako sa sinabing iyon ni Rafael at nakadama ng awa sa kanya. "Sorry Raf, hindi ko inaasahang aabot kayo sa hiwalayan," seryoso ko ng sabi sa kanya. "You really don't expect, huh?" may sarkasmo sa boses na sabi ni Rafael. "Oo. Salbahe ako pero ayaw ko namang saktan ka ng ganyan," tugon ko. "But you did! You're always hurting me!" sumbat na ni Rafael sa akin. Nakadama naman ako bigla ng konsensiya sa kaibigan ko at ngayon pinagsisisihan ko tuloy ang ginawa kong panti-trip sa girlfriend niya. "Raf." Niyakap ko siya bilang pagramay pero bahagya niya akong tinulak. "Please, leave me alone." Tumayo si Rafael at iniwan ako at wala naman akong nagawa kundi umuwi sa bahay. Limang-araw akong hindi pinansin ni Rafael, hindi rin pumunta sa bahay. Tuwing pumupunta ako sa bahay niya ay laging hindi niya ako hinaharap. Naka-lock lagi ang kwarto niya at kahit mamaga kamay ko kakakatok ay hindi niya ako pinagbubuksan. "Sobra na kasi pagiging salbahe ko ,eh, iyan tuloy pati relasyon ni Rafael ay nasira ko. Mahal na mahal pa naman ni Raf 'yong bruhang 'yon," konsensiyang sermon ko sa sarili. Nasa kwarto ako at malayo ang iniisip. Pino-problema ko talaga si Rafael at hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita, nakakasama at nakakausap, Sobrang nakaka-miss na siya. "Ate!" sigaw ng kapatid ko nang buksan ang pinto. "Oh?" matamlay kong tugon sa kanya. "Si Kuya Rafael, hinahanap ka." Napatayo ako at napangiti. "Ha? Sige bababa na ako," masiglang tugon ko. "Hindi niya talaga ako kayang tiisin, eh," masayang sabi ko sa sarili. Masayang-masaya akong bumaba at sala ko nakita si Rafael nakaupo sa sofa. "Raf!" tawag ko sa kanya. Nakangiti akong tumakbo palapit kay Rafael. "Buti naman pumunta ka na rito at hinarap ako. Hindi ka na galit sa akin?" tanong niya sa kaibigan. Malungkot pa rin ang mga mata ni Rafael pero ngumiti siya sa akin. "Sorry na talaga, Rafael." Niyakap ko siya dahil naaawa ako sa kaibigan ko at hindi ganitong Rafael ang kilala ko. "Jana. I'm here to say goodbye." Napahiwalay ako sa sinabi ni Rafael at nagulat na napatingin sa kanya. "Goodbye? Para saan?" naguguluhang tanong ko. "I'm leaving for good- "Are you kidding me? You're not gonna leave us, right?" kinakabahang paninigurado ko kay Rafael. "Sorry. Gusto ko munang gawin ang mga gusto ko," may lungkot sa boses na sabi ni Rafael, "I got a call from Ivan and I took his offer, I'm part of his band now. Sasama na ako sa kanilang mag-travel sa iba't ibang bansa para mag-perform." "Iyon ba talaga ang dahilan o dahil lang nagagalit ka sa akin kasi kasalanan ko kung bakit kayo naghiwalay ni Sophia?" naghihinalang tanong ko kay Rafael. Umiling lang siya pero walang boses na lumabas sa bibig ni Rafael, "Alam kong mali ang nagawa ko, alam ko dapat hindi ko na siya pinatulan para hindi kayo maghiwalay. Sorry na, Raf, hindi ko na uulitin." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "No Baby, that's not my reason! Please understand that I want to leave for my dream, not just to move on.” "Paano kami? Hindi ba nangako ka kina Mama at Papa na aalagaan mo kami? Pero bakit iiwanan mo kami?" may sama ng loob na tanong ko na kay Rafael. "Jana, may sarili rin akong buhay! Hindi pwedeng sa inyo na lang iikot ang mundo ko! Paano naman ako? Sana naman, Jana, isipin mo rin ako kung ano magpapaligaya sa akin. Hindi iyong sarili mo na lang ang iniisip mo!" naiirita ng tugon sa akin ni Rafael. Hindi ko nagawang magsalita para kasing hinati ang puso ko sa dalawa sa sinabi ni Rafael. "Nagiging makasarili na ba ako dahil gusto ko lang laging nasa tabi ko si Rafael? " tanong ko sa sarili. "Jana, please, huwag naman ganito ang maging pagpapaalaman natin. Promise, I will come back." "Sobra na bang pagpapahirap ko sa'yo kaya aalis ka na? Naging masama na ba talaga ako sayo?" puno ng sama ng loob na tanong ko sa kanya. "Jana, please." "Sige. Umalis ka na kung hindi mo na talaga ako makayanan!" Iniwan ko na si Rafael. "Jana!" tawag pa ni Rafael sa akin pero hindi na ako lumingon pa at nagkulong na lang ako sa kwarto. Nalaman ko na lang kay Hana na umalis na si Rafael nang tuluyan. Nasaktan ako ng sobra dahil parang kasing-sakit nang pagkawala nina Mama at Papa ang pag-alis ni Rafael. Sinanay kasi ako ni Rafael na lagi siyang nasa tabi ko lalo pa nang mawala sina Mama at Papa, Si Rafael ang naging dahilan kung bakit ako naging malakas at pinagpatuloy ang buhay pero iniwan pa rin niya kami sa huli, iniwan niya ako. Si Rafael lang din ang gusto kong takbuhan noong sinaktan ako ni Romeo at siya ang palagi kong naaalala nang panahon na iyon kasi alam ko na malakas siya. Magagawa niya muling palakasin ako pero dahil wala siya ay nanahimik na lang ako. Alam ng kapatid ko na hiwalay na kami ni Romeo pero hindi niya alam ang tunay na dahilan, kasi ayokong masaktan kapatid ko. Mahina si Hana at ako lang ang tanging sinasandalan niya kaya kailangan kong maging malakas lalo pa't umalis na at iniwan ako ng nagpapalakas sa akin at ng sinasandalan ko. End of Flashback "Natahimik ka na naman diyan? Sorry na, tinatakot lang naman kita pero hindi ko naman gagawin 'yon. Ikaw pa ba? Hindi kaya kita kayang saktan," untag sa akin ni Rafael. Napangiti ako nang mapait at tumingin sa kanya. Lahat ng ala-ala ko ay bumalik pati ang sakit ng pakiramdam na iyon ay bumalik din. "Oo, B you can leave me," tugon ko, "sorry sa pananakit ko sa'yo kagabi at kanina hindi ko na uulitin dahil baka umalis ka na naman, eh. Magpapakabait muna ako sa'yo hangga't wala pang graduation ni Hana. But don't worry, pagtapos ng graduation pwede ka ng umalis kapag gusto mo," may himig sama ng loob na dagdag ko. "Jana," bulalas na ni Rafael. "You don't need to apologize, Rafael, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan dahil inasahan kita at hindi ko naisip na may sarili kang buhay, na may gusto ka na hindi mo magagawa kung palaging kami ang iisipin mo." Sinasabi ko iyon pero iba ang talagang nasa isip ko. Taliwas sa lahat ng sinabi ko dahil ngayon gusto kong isigaw sa kanya lahat ng paghihirap ko nang mga panahong kailangan ko siya at wala siya. Nang panahong tanging siya lang ang tingin kong magbibigay lakas sa akin sa tuwing nanghihina ako. Pero kasalanan ko naman talaga ang lahat. Bakit kasi si Rafael lang hinayaan kong makakita ng kahinaan ko at siya lang kayang magpalakas sa akin eh, nandyan naman noon si Romeo at pati si Hana na alam na malakas ako at hindi matitinag? Marami naman nagmamahal sa akin pero bakit tanging si Rafae lang hinayaan kong makakita ng kahinaan ko? "Raf, pwede umuwi na ako. Bigla kasing sumama pakiramdam ko at kay Hana ka na lang magpasama. Tingin ko kasi hindi rin naman kita matutulungan," sabi ko kay Rafael. "Okay. Ihahatid na kita pauwi," seryosong pagpayag ni Rafael. "Kung nakakaabala sa'yo--" "Ihahatid kita!" mataas na ang boses na sabi ni Rafael kaya tumahimik na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD