RAFAEL's POV
ABALA ako sa kakahanap sa internet sa laptop ko ng trabaho p'wedeng pag-apply-an at ang dami ko nang sinubukan pero wala pa rin akong nakukuhang trabaho. Iyong huli kong pinag-applayan ay ayos naman sana kaso nang malamang na Franco ang apelyedo ko ay doon na nagka-problema at kung anu-ano na tinanong sa akin.
Nakapagtapos naman ako ng pag-aaral na may magandang kurso subalit kapag nakilala nila kung sino ako at kung anong nakakonekta sa pangalan ko ay nagiging over qualified ako sa kanila at minsan tinatanong kung bakit hindi ako nagtatrabaho sa kompanyang pag-aari ng mga Franco.
"s**t! Bakit ba kasi hindi maalis sa akin ang pangalang nakakabit doon?" inis na sabi ko sa sarili.
Miguel Rafael Franco, kilalang-kilala sa buong bansa dahil sa pagiging successful business niya. Mayaman, matalino at ma-empluwensiya kaya mataas din ang tingin sa kaniya. Pero isang nagkulang na ama para sa akin.
Napangiti ako nang mapait. Dahil nang maisip si Papa na puro business na lang ang inaatupag noon at ang kaniyang Company dati. Wala na tuloy naging oras sa akin, sa kaisa-isa niyang anak. Nag-asawa nga siya pero hindi naman nagkaanak, may anak na rin ang asawa ni Papa at si Gian iyon at siya ngayon ang nagma-manage ng mga naiwan ni Papa at hindi ako dahil ayoko.
Naiwan?
Oo. Patay na ang magaling kong ama at ang tanging iniwan sa akin ay ang buong kayamanan niya na kailan man ay hindi ko hinangad. Oras at pagmamahal lang ang tanging hinangad ko sa kaniya noon na hindi niya pa naibigay. Buti pa parents nina Jana at Hana ay naibigay iyon sa akin pati sina Jana at Hana pero ang Tatay ko? Nawala na lang siya na hindi man lang nasabi sa akin kahit kailan na mahal niya ako.
Ang lupit ni Papa at pareho lang sila ni Mama!
Tapos ngayon gusto nilang i-manage ko ang dahilan ng naging pagkukulang sa akin ni Papa? Ang kompanya. Nagpapatawa ba sila? Wala akong balak tanggapin at i-manage 'yon kahit mawala pa iyon ay wala akong pakealam at kaya kong mabuhay na walang kayamanan. Aanhin ko iyon kung iyon ang magiging dahilan nang pagkukulang ko sa magiging pamilya ko at kung babaguhin niya ang buhay ko.
Hindi ako gagaya kay Papa na madaling binitawan ang mga minamahal para sa kayamanan. Ako ipaglalaban ko ang pagmamahal ko hanggang kamatayan kahit pa maging selfish ako sa paningin nila at ng marami ay hinding hindi ko pakakawalan ang taong mahal ko.
Sinarado ko ang laptop at pumasok sa kwarto ko.
Hindi pa tapos ang renovation ng bahay pero konti na lang kaya nailalagay ko na ang mga gamit ko rito. Kinuha ko ang gitara sa kwarto dahil ayoko na munang balikan ang masamang ala-ala at gusto kong mag-relax saka ako pumunta sa hardin ng bahay at umupo sa upuan na nakaayos na rin.
Nag-umpisa na akong mag-gitara at ang kantang naisip kong ipatugtog ay Wake Me up When September Ends by Greenday.
Summer has come and passed
The innocent can never last
Wake me up when September End
Like my Father come to pass seven years has gone so fast
Wake me up when September Ends
JANA's POV
NAKATUTOK na ako sa computer at abalang-abala kakatipa sa keyboard dahil ini-edit ko ang proposal na ginawa ni Sir para sa ipapakita niya sa meeting kasama ng mga kasosyo niya sa kompanya. Sa pagpa-planong magtayo ulit ng Hotel sa isang beach resort kaya ngayon ay tutok na tutok ako at baka magkamali pa ako.
Nagulat tuloy ako nang biglang may kumalabit sa akin at kaagad akong nakadama ng inis nang si Samantha ang nakita kong nangalabit at gumulo sa abala kong isip.
Huwag niya akong pagtripan ngayon at abala ako baka mapatulan ko pa siya!
"Bakit ba?" nakasimangot kong tanong nang si Samantha.
"Tawag ka ni Sir," masungit na sabi niya.
"Okay!" Saka tumayo at iniwan si Samantha para pumunta ng opisina ni Sir Gian.
Nang makarating ako doon ay kumatok na muna ako.
"Come-in," narinig kong utos ni Sir saka ko pinihit ang seradura at pumasok sa opisina.
"Good afternoon po, Sir Gian," bati ko kaagad sa kanya.
"Good afternoon, have a sit."
Umupo naman ako kaagad.
"So, nakausap mo na ba si Jared at nasabi mo na ba na gusto ko siyang makausap?' kaagad na tanong sa akin ni Sir Gian.
"Opo, Sir, kaso mukhang wala po talagang pag-asa. Actually, Sir, ikinagalit nga po niya iyon nang sinabi ko kaya hindi ko na po inulit pa. Ayoko namang mag-away kami dahil pinipili ko po siya sa gusto niyo," tapat na tugon ko.
Nakita kong biglang nalungkot si Sir Gian at napabuntonghininga.
Mukhang gusto talaga ni Sir Gian na ibigay kay Rafael ang kompanyang ito na ayaw namang tanggapin ni Rafael at hindi niya alam kung anong dahilan ng kaibigan.
"Ganoon ba? He still don't want to manage the company, kaso paano na ito kapag iniwan ko? Nakalagay kasi sa last will and testament ni Tito, na oras na hindi tinanggap ni Jared ang ipinamana sa kanya, all of this will give to a charity. Ibebenta na lang lahat ng ari-arian ni Tito at ang pagbebentahan sa charity na lang mapupunta. Sa akin ayos lang naman pero napakalaki nang paghihirap ni Tito Miguel sa company at sa ari-arian niya para lang mawala ang lahat ng ito," mahabang paliwanag ni Sir Gian sa kanya.
"Kaso, Sir, wala na po talaga akong magagawa, eh, sinubukan ko po talaga kaso ayaw niya po nito," tugon ko.
"Okay. Kami na lang ang kakausap sa kanya. Can you give me his address?"
"Pwede po."
Binigyan ako kaagad ng ballpen at papel ni Sir Gian at sinulat ko naman ang address ni Rafael doon.
"Salamat sa tulong, Ms. Alejandra," nakangiting pasasalamat ni Sir Gian.
"You're welcome po," nakangiting tugon ko.
Nang makalabas ako ng opisina ni Sir Gian at bumalik sa pwesto ko ay napaisip pa ako.
"Mawawala pala ang lahat ng ito kapag hindi ito tinanggap ni Raf? Paano mga empleyado rito? Maaari rin kayang mawalan ng trabaho?"
Napatingin ako sa mga kasamahan ko at ilang mga kaibigan ko. Nakadama ako sa kanila ng awa at least ako ay maayos ko lang lahat ng papeles ko ay aalis na rin ako at pupuntang America para doon na magtatrabaho at mamuhay. Kaya wala akong po-problemahin. Pero paano 'yong ilan dito na ito lang talaga ang trabaho?
Ang unfair sa kanila kapag nangyari iyon kaya lang ayaw naman kasi talaga ni Rafael at ayoko nang mangulit dahil baka sakalin na ako niyon, kahit sinasalbahe ko iyon ay takot pa rin ako sa kanya. Ang laki-laki kaya ni Rafael mamaya ay ibalibag niya ako at anong laban ko? Kaya hindi ko na talaga siya kukulitin.
"Sorry sa inyo, friends, kung wala akong magawa," nakonkonsensiyang sabi ko sa sarili.
Muli ay bumalik ako sa trabaho kong nahinto kanina at naging abala na naman doon kaya nawala na sa isipan ko ang pagkakausap namin ni Sir Gian.
SABADO ngayong-araw at wala akong pasok ngayon at bukas kaya masaya akong makakapag-relax. Bumaba na kaagad ako at nakita ko si Hana at Rafael sa kusina.
"Good-morning!" masayang bati ko kina Hana at Rafael.
"Mukhang maganda gising mo, Baby?" pansin sa akin ni Rafael.
"Day-off ko kasi at wala munang stress," tugon ko.
"Ako wala na rin pasok. Practice na lang for graduation at sa Monday pa mag-uumpisa," sabi naman ni Hana.
"Pwede pala tayong mag-bonding muna ngayon kasi nandito kayo lahat," masayang sabi naman ni Rafael.
"Pwede, Kuya Rafael, picnic tayo!" excited na bulalas ni Hana.
"Tara! Ikaw Jana?" tanong sa akin ni Rafael.
"Oo naman." kaagad na tugon ko.
"Ayusin na natin ang mga dadal-
Nakuha ang atensiyon namin sa nag-door bell at hindi na rin natuloy pa ang sasabihin sana ni Rafael.
"May nag-doorbell?" tanong ko.
"Ate, 'wag assuming wala tayo doorbell," sita sa akin ni Hana.
"Eh, 'di sa kabila. Paano ang lakas naman ng doorbell mo, Raf?"
"Sadya 'yan kasi palagi ako rito sa inyo," tugon ni Rafael, "wait lang lalabasin ko lang."
Kaagad umalis si Rafael at sumunod naman sila ni Hana.
Nagulat pa ako nang makita ang boss ko at may kasama siyang may edad na babae.
"Hi, Ms. Alejandra," bati pa sa akin ni sir Gian at ngumiti.
"Hello po, Sir-
Napatigil ako nang tinignan ako nang masama ni Rafael. Nagtaka ako at tinignan ko siya ng What? look, pero tumalim lang lalo ang tingin niya sa akin at tumingin kina Sir Gian.
"Let's get inside," aya ni Rafael saka nauna na siyang pumasok sa bahay niya at sumunod naman sila Sir Gian at ang kasamang may edad na babae.
"Bakit ganoon makatingin sa'yo si Kuya Rafael, Ate? Anong ginawa mo?" nagtatakang tanong ni Hana sa akin.
"Aba! Malay ko! Nagtataka nga rin ako, eh."
Saka pumasok sa bahay at kahit ako napaisip kung anong kinagagalit ni Rafael sa akin.
"Nababaliw na, nagagalit na lang nang walang dahilan porke't pinuntahan lang siya nila Sir Gian-
"f**k! Alam ko na! Ehhh, lagot ako! Ako nga pala nagbigay ng address kay Sir Gian ni Rafael! Anong gagawin ko? Kailangan kong magdahilan kay Rafael, ano idadahilan ko? Patay na ako nito!"
Bigla tuloy akong hindi mapakali.
"Hoy! Ate, anyari sa'yo?" untag sa akin ni Hana na ikinagulat ko pa.
"Ha! Wala! Wala!" pagsisinungaling ko.
RAFAEL's POV
NAKAKAINIS! Paano nalaman nila Gian at Tita kung saan ako nakatira at paano nila nalaman na nandito na ako. Si Jana lang ang may possibility na magsabi kay Gian kaya ngayon nandito sila at alam ko naman ipinunta nila rito.
"Upo po kayo," alok ko sa kanila.
Umupo naman ang dalawang bisita ko ngayong araw.
"You have a nice place," komento ni Tita sa bahay ko.
Siya ang Mama ni Gian, si Tita Rose, na naging pangalawang asawa ni Papa. Kaedad ko lang si Gian pero hindi kami naging close kasi hindi naman ako tumira kasama sila.
"Thanks, Tita." Ngumiti, "Tita, Gian, gusto niyo po ng coffee, tea or juice?" alok ko sa kanila.
"Water na lang sa akin," tugon sa akin ni Tita Rose, "what about you, Gian?" tanong niya sa anak.
" 'Yon na lang din. Ang init kasi sa biyahe, bro."
"Sige po, kukuha lang muna ako."
Kaagad akong pumunta ng kusina at kumuha sa ref ng malamig na tubig, nilabas ko ang cellphone ko at nag-text.
I'm MAD AND I'M SERIOUS!
Iyon lang text ko at kay Jana ko senend iyon.
Tignan lang natin kung hindi siya masindak doon. With angry face emoticon pa.
Matapos kung masigurado na na-send ko na ang text ko ay inilagay ko na sa bulsa ang cellphone ko at dala ang pitsel ng tubig at baso. Nilapitan ko sila at binigyan ng tig-isang baso ng malamig na tubig saka umupo na rin sa sofa kaharap nila.
"Tita, alam ko naman kung ano po ang ipinunta niyo rito, eh, kung may pipirmahan akong papeles, to transfer all of my father's properties I will sign it and I'm willing to give it all to you."
"But Jared, we're not here because we want your company. Please, Jared, accept your father's Company," pakiusap ni Tita Rose.
"I'm sorry, Tita, I don't want that company. Wala na rin akong pakialam kung anong mangyayari sa kompanyang iyan."
"Jared, pinaghirapan ni Tito Miguel ang company. Alam mo bang kapag nag-give-up ka sa compnay na iyon ay sa charity ibibigay matapos ebenta ang lahat ng ari-arian na ipinamana ng Papa mo na tinatanggihan mo,?" tugon sa kanya ni Gian.
"Sa mabuti naman pala mapupunta, eh, bakit kailangan natin panghinayangan?" nang uuyam na sabi ko.
"Pero paano ang pinaghirapan ni Tito Miguel, Jared, maari mo pang mapalawak ang ari-arian na iyon at napakahalaga sa Papa mo iyon," nalungkot na sabi ni Tita Rose.
"Ang company at lahat ng ari-arian ni Papa ang naging dahilan kung bakit nagkulang siya sa akin." Mapait akong ngumiti, "kung bakit nabuhay ako at lumaki na ibang pamilya ang nagpadama sa akin ng pagmamahal na dapat siya at si Mama ang nagbigay. Tingin niyo po ba hahangarin ko ang isang bagay na umagaw sa akin sa isang buong pamilya?" Hindi ko napigilang maglabas ng sama ng loob kina Gian at Tita Rose.
"Jared, I'm sorry."
Napatingin siya sa naiiyak na ginang at hinawakan pa ni Tita Rose ang kamay niya.
"Tita, bakit po kayo nagso-sorry? Wala po-
"Your Dad always saying those words before he died. He's saying, Jared I'm sorry, my son, my only son." Nabigla ako sa sinabi ni Tita Rose.
Hindi ko alam 'yon dahil nalagutan na kasi si Papa ng hininga nang malaman ko at hindi ko na siya nakitang unti-unting namatay.
Gusto kong maiyak pero nagpipigil lang ako.
"I think you need to talk, alone," sabi ni Gian saka siya tumayo at umalis.
Lumabas si Gian ng bahay at hindi na niya alam kung saan nagpunta.
"Gustong-gustong bumawi sa'yo ng Papa mo sa lahat nang pagkukulang niya sa'yo pero iniisip niya na huli na ang lahat para sa inyo. Ilan beses na niyang hiniling sa'yo na lumipat sa amin pero tumatanggi ka at nang minsan pumunta siya sa'yo ay nalaman niya ang dahilan.
"Because you're happy with your new family. Nakita niya na masaya ka na kasama ang Alejandra family at pinaimbestiga niya ang background ng buong pamilya nila at nalaman niyang mabubuting tao ang mga ito. Kaya hinayaan ka na lang niya, ayaw niyang maging sagabal siya sa kaligayahan mo at alam niyang sila na ang magpapasaya sa'yo," mahabang paliwanag ni Tita Rose sa akin.
"Bakit hindi niya ako kinausap about doon Tita? Bakit nanahimik lang siya?" naiiyak niyang tanong sa ginang.
"Dahil nahihiya siya sa'yo. Alam niya ang pagkukulang niya sa'yo at alam niya na naging wala siyang kwentang ama para sa'yo, Jared, ang kompanya ay pinalago niya dahil ikaw ang naging lakas niya para mapaunlad ito. Dahil ang akala niya kapag naibigay niya lahat ng pangangailangan mo ay mababawi niya ang pagkukulang niya bilang isang ama at pagkukulang ng iyong ina.
"Kaya bago pa siya nawala ay sa'yo niya ibinigay ang lahat at ibinilin sa akin na sabihin ko sa'yo kung gaano ka niya kamahal. Magiging masaya ang ama mo kung tatanggapin mo ito at kahit ako bilang pangalawa mong ina. Hindi ako gahaman sa kayamanan at hindi ko hinangad ang lahat ng ari-arian ng Papa mo. Mahal ko ang Papa mo kaya ginagawa ko kung ano ang ikaliligaya niya. Kaya sana, Jared, gawin mo rin iyon para sa ama mo."
Tuluyan ng lumuhasi Tita Rose at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko bilang pagdamay sa akin.
Niyakap ko si Tita Rose at hindi ko na napigilan ang mga luha sa pagtulo. Dama ko ang sakit pero may kaligayahan din dahil nalaman kong mahal na mahal pala ako ng aking ama.
JANA's POV
TUMUNOG ang cellphone ko at nang kunin ko ito at basahin ang text ay lalo akong naligalig.
"I'M MAD AND I'M SERIOUS"
Malalaking letter at may angry face emoticon pa. Gusto kong maihi sa takot at hindi tuloy ako mapakali kakalakad sa kwarto ko.
" 'Wag ka na munang magpakita kay Raffy, nang ilang-araw! Palamigin mo muna ulo niya!" payo ng isip ko sa akin.
"I-text ko kaya siya at sabihin ko na hindi ako nagsabi kay Sir ng address niya?" suhestiyon naman ng isip ko pa rin.
"'Wag mahahalata lalo! Mamaya hinuhuli ka lang niyon, eh. Iwasan mo na lang hangga't sa makakaya mo! "
"Iwasan? Paano kung puntahan din ako sa kwarto niyon? Lagot pa rin ako. Baka sakalin ako niyon o 'di kaya ibalibag niya ako o kaya ibitin patiwarik. Kinakabahan na ako!
"Magpakahinahon ka, 'di ka naman sasaktan ni Raffy, eh, 'di ba dati nagalit din siya sa'yo. Hindi ka naman niya sinaktan 'di ba?"
"Hindi nga pero pinakain niya sa akin lahat ng pagkain na hindi ko gusto, halos masuka ako. Paano kung mas malala pa? Slight lang siyang nagalit noon, eh, paano kung galit siya talaga ngayon?"
"Ate!"
"Ay! Pusang gala!"
Pumasok ang kapatid ko at takang-taka si Hana sa akin.
"Magugulatin ka 'ata ngayon, Ate?" pansin niya sa akin.
"Paano kung makasigaw ka wagas!" sita ko sa kanya.
"Bumaba ka doon, Ate--"
"Si Rafael ba? Sabihin mo tulog ako."
"Ha, bakit? 'Di ka naman tulog, eh."
"Inaantok nga ako kaya matutulog na ako," pagsisinungaling ko kay Hana.
Ayaw ko talaga harapin si Rafael at baka kung anong gawin ng lalaking iyon sa akin.
"Hindi si Kuya Rafael, boss mo ang nasa ibaba. Iyong isang bisita ni Kuya Rafael," sabi ni Hana.
Namilog ang mga mata ko sa gulat nang marinig na si Sir Gian ang naghahanap sa akin.
"Ha? Sige bababa na ako!" tugon ko.
"Pag si Kuya Rafael ay tulog ka pero kapag iba ay bababa ka?" naguguluhang tanong sa akin ni Hana.
"Hindi naman pwedeng hindi ko harapin iyong boss ko? Boss ko iyon, eh, saka minsan lang pumunta rito iyon samantalang si Raffy ay halos dito na tumira kaya sawang-sawa na ko sa itsura niya," mahabang paliwanag at pagsisinungaling ko kay Hana.
"Sabagay! Sige na babain mo na," ayon naman ni Hana.
Mabuti at naniwala siya sa sinabi ko at hindi na nag-usisa nang nag-usisa pa sa akin.
"Sige."
Kaagad akong lumabas ng kwarto at bumaba upang harapin ang bisita kong si Sir Gian na ngayon ay may magandang ngiti nang makita siya.