Umalingawngaw ang napakalakas na tawa ni Miss Sarette pagkatapos niyang sabihin iyon. Umaawang ang bibig ko sa kaniyang ekspresyon. Like, anong nakakatawa? Eh?
"I'm just kidding, Miss Pauline. Joke lang 'yon!" bulalas niya habang pinaghahampas niya ang kinauupuan niyang couch. "And I know it's very private." saka ngumiti siya.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay kumalma ang sistema ko nang bawiin niya ang sinabi niya. Ang buong akala ko pa naman, ipapakwento pa talaga niya kung ano talaga ang ginawa ng kapatid niya sa akin! Kung natuloy, iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko! Mabuti nalang talaga. Oh hayan, Pau, matuto kang magpigil sa sarili!
Bumaling ako kay Sir River na kasalukuyang kumakain ngayon pero nasa akin pa arin ang kaniyang tingin. Isang mangahulugang tingin ang iginawad niya sa akin na dahilan para tumindig ang balahibo ko! Bago man mahuli ang lahat, agad kong binawi ang aking tingin. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang ate. "Miss Sarette, may importante po pala akong gagawin sa desk. Maiiwan ko po muna kayo..." pormal kong paalam sa kanila.
Wala nang magawa pa si Miss Sarette kungdi pakawalan ako. Mabilis akong lumabas ng opisina hanggang sa tagumpay kong narating ang aking desk. Tamad akong umupo doon at isinandal aking likod sa swivel chair. Kumawala ako ang isang malalim na buntong-hininga. Mabuti nalang, nakawala ako sa magkapatid. Iba talaga kapag magkasama silang magkapatid, dadaigin mo pang lumuhod sa harap nila. Papaano pa kaya kung makasama nila ang mga pinsan nila? Tiyak sasabog ang palapag na ito. Good thing, wala din si Sir Rowan na kuya nila para bumisita dito dahil sa pagkaalam ko ay abala ito sa sarili nitong kumpanya.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa aking cellphone. Chineck ko ang weather update ngayong araw. Pang-ilang check ko na ba ito ngayon? Pang-anim na yata. Magiging maaraw ngayon pero sinasabi naman na pagsapit na alas otso ng gabi, uulan daw na aabot ng twenty six degree celsius.
Kinagat ko ang labi ko. Kinakailangan kong makauwi ng maaga nito kung sakali para hindi ako maabutan ng ulan. Wait, bago ko makalimutan, nakatira na pala sa lugar ko si Sir River! Ugh! Nakakaloka na siya, magpapanggap lang naman siyang boyfriend ko, pero bakit parang sineryoso naman niya?
**
Pagsapit ng alas singko ay agad ko na iniligpit ang mga gamit ko para makauwi na nang biglang nagbukas ang pinto mula sa opisina ni Sir River na dahilan para mapatingin ako doon. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Nakaayos na din siya. Wala na din ang kaniyang ate na si Miss Sarette dahil umalis ito dahil may aasikasuhin pa daw ito sa sarili nitong unit, lalo na't naghihintay sa kaniyang pagdating ang kaniyang kambal na anak na sina Genesis at Genevieve na hanggang ngayon ay wala pa rin nakakapagsabi kung sino ang biological father ng mga ito.
"Done?" nakangiting tanong niya sa akin sabay lapit sa aking direksyon.
"O-opo."
"Baby Pau, dropped the formality. Boyfriend mo na ako." malumanay niyang sambit.
Binigyan ko siya ng ngiwi. "Eh, sir. Nasa loob pa tayo ng building na ito.. Ayoko lang din na matsismis tayo..." sagot ko na hindi makatingin sa kaniya.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I do not care what they say. All I care is you." mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Ramdam ko nalang na isinandal niya ang kaniyang noo sa aking sentido. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Hugo Boss! Hugo Boss had a yummy male smell that seemed to arrow through my nostril and land bull's eyed between my leg! Damn, Pau! Ano bang pinag-iisip mo?! "What my queen wants to eat for dinner?" he asked softly.
Napalunok ako't iginala ko ang aking paningin sa paligid. Baka kasi may makakita sa amin at iyon ang isa sa mga ikinatatakot ko. "Si-sir..."
"Hmm?"
"Hindi ko po alam, eh. Wala naman ako masyadong alam pagdating sa pagkain." marahan kong sagot.
Medyo inilayo niya ang kaniyang sarili mula sa akin. Bumaling ako sa kaniya na parang nasopresa siya sa aking naisagot. "Is that so?" tanong niya.
Mapait akong ngumiti at tumango. "Hindi naman po kasi ako mapili sa pagkain. Kung ano ang nariyan, iyan ang kakain ko. Hindi naman ako—" hindi ko madugtungan ang sasabihin ko nang bigla niyang niyapos ng isang braso niya ang bewang ko na dahilan para magulat ako.
"Sa stairwell tayo dadaan." he said. Walang sabi na natangay niya ako. Ni hindi ko nga magawang umangal sa kaniya.
Binuksan niya ang pinto ng backdoor. Ang tanging meron lang dito ay mga hagdan at ang hallway kung saan kami makadaan. Wala naman masyadong nadaan dito kaya siguro ito ang naisip na paraan ni Sir River para hindi kami mabuko ng mga empleyado dito tungkol sa relasyon na meron sa aming dalawa.
"One day, I'll mark this place as ours, baby Pau." bigla kong narinig sa kaniya.
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya kahit abala pa rin kami sa paglalakad at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Ano bang pinagsasabi ng isang ito? Anong mamarkahan niya sa stairwell na ito?
Until we reached the Parking Lot. Madali akong nakapasok sa kaniyang Dodge car. Siya na ang nagsara ng pinto at umikot siya sa harap hanggang sa narating niya ang driver's seat. Sinuot niya ang kaniyang seatbelts bago man niya buhayin ang makina ng kaniyang sasakyan. "Ipagluluto kita ng dinner, but first, maggogrocery tayo as what I've mentioned earlier." sabi niya nang hinawakan na niya ang steering wheel.
Ngumuso ako saka tumango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Tinapakan na niya ang gas pedal at humarurot na ito ng takbo palabas ng building niya.
**
Nakasunod lang ako sa kaniya habang naririto kami sa Supermarket. Para akong tanga na nakabuntot sa kaniya. Pero hindi ko maiwasan na mamangha sa kaniya dahil parang alam na alam niya kung ano ang mga bibilhin niyang pagkain at mga sangkap na gagamitin niya sa dinner mamaya. Nakakainggit naman ang isang ito, kalalaking tao, marunong sa mga ganitong bagay. Kumsabagay, alam naman kasi ng karamihan na magagaling magluto na galing sa pamilya nila kaya nga sikat sa kanila ang food business nila. Kilala din mula sa angkan nila ang tiyuhin niya na si Vladimir Hochengco na isa sa mga sikat na molecular gastronomist. Ang ama ng magkapatid na Rowan, Sarette at River Ho na si Sir Finlay Manius Ho, ay isa sa mga sikat na chef dito sa Pilipinas kaya hindi na nakakapagtaka.
Pagkatapos namin maggrocery, ay uuwi na kami sa unit ko. Sa totoo lang, hindi ako sanay na uuwi na kasama ang boss ko dahil sanay ako na ako ang mag-isa sa tirahan ko na iyon. Ito ang unang pagkakataon na may makakasama ako! Mukhang napasubo na talaga ako ng tuluyan.
**
Pagdating namin ng unit ay agad namin inayos ang mga pinamili na grocery. Ako na ang nagprisita na ilagay sa mga pinamili sa ref at sa cupboard habang iniwan naman ang mga sangkap at gamit na gagamitin sa pagluluto. Nang matapos ko nang gawin ay nagpasya akong magshower muna at nagbihis na din. After that, manonood naman ako ng tv dahil wala naman ako masyadong gagawin.
Umupo ako sa couch. Kinuha ko ang remote at binuhay ang LCD tv sa harap ko. Balita palang ang palabas. Wala pang limang minuto ay nawawala na ang kosentrasyon ko sa pinapanood. Nagnakaw ako ng sulyap kay Sir Rivr na abala pa rin sa pagluluto. I swallowed so hard when I realized something...
He's tall. He got a well-built body and a black ebony hair. His light brown eyes were mesmerizing. A sculptured jaw and full pinkish lips. All I gotta say, he's really drop dead gorgeous. Reminded of me some hot and handsome Asian actors, but River only way better.
Agad ko din binawi ang aking tingin at napalunok ulit. Pilit ko maging concentrated sa pinapanood ko. Kung anu-ano nang pumapasok sa isipan ko.
Damn you, Pauline! Bakit pinagnanasaan mo ang boss mo?!
"Baby Pau," he called me.
Agad ako napatingin sabay napatayo dahil naalarma ako sa kaniyang pagtawag sa akin. "Yes, sir?" sambit ko kasabay na napahaplos ako sa aking magkabilang balakang. Inilapat ko ang mga labi ko habang pinapasadahan ko siya ng tingin. He's didn't took any plate and set it on the table. Hinubad niya ang apron at ipinatong niya iyon sa kitchen counter. Nilapitan niya ako.
"Hungry? Gusto mo nang kumain?" malumanay niyang tanong.
Oo, sir. Gutom na ako sa iyo! "O-okay pa naman ako..." sagot ko. Nang tumama ang mga mata namin, those eyes of his were blazing hot, his lust plainly visible! He wasn't even trying to hide it! My goodness, bakit tumindig ang balahibo ko dahil doon?!
"You are startling beautiful," namamaos niyang sambit na hindi matanggal ang tingin niya sa akin. He gently touched the side of my cheek and cupped it. Tila pinag-aaralan niya nang mabuti ang kabuuan ng aking mukha. Dumapo ang hinlalaki niyang daliri sa aking pang-ibabang labi. "You are so amazingly...wonderfully...beautifully...awesomely...most definitely the most precious of all precious things."
"Sir River..." halos kakapusin na ako nang hininga nang sambitin ko ang kaniyang pangalan. Hindi ko magawang dugtungan iyon.
Doon siya nagkaroon ng pagkakataon para angkin ang aking mga labi. Tila uhaw na uhaw siya. Ramdam ko ang pagkasabik na maangkin niya ang mga labi ko. Pinulupot niya ang isang braso niya ang bewang ko na dahilan para mas lalo pa ako mapadikit ang katawan ko sa kaniya. I could feel the warm and sweet in his kisses. Habang pinagsasaluhan namin ang maiinit na halik ay kasabay na bumilis ang pagtibok ng aking puso, ramdam ko din ang panginginig ng aking mga binti
Tila may sariling pag-iisip ang aking mga kamay. Hinawakan ko ang kuwelyo ng kaniyang polo at mas hinatak ko pa siya sa akin. Wala akong maramdaman na pagtatanggi mula sa kaniya nang gawin ko iyon, imbis tila nagustuhan pa niya. Hanggang sa nagawa niya akong buhatin, agad ko pinulupot ang magkabilang binti ko sa bewang niya bilang suporta. Ayaw namin bitawan ang isa't isa. Kahit ako, nakakaramdam na ako ng pagkasabik. Damn it!
And he sucked my bottom lip and gently bite it that made me moan!
Ramdam ko na umupo siya sa couch at ako'y nasa kandungan niya!
But he suddenly pulled back. "Calm down, my baby Pau..." he whispered. "There would be plenty of time for us to know each other physically. I want to enjoy you, anticipate your sweet taste on my tongue, your smooth skin along the pads of my fingers..." he said softly while he keep staring at me. Hinawi niya ang takas kong buhok at isinabit niya iyon sa isang tainga.
"Bakit pakiramdam ko, totoo ang ipinapakita mo?" mahina kong tanong. Tulad niya ay nanatili akong nakatitig sa kaniya. "Totoo bang narinig ko sa ate mo na torpe ka?"
"Yeah, I did." he answered.
"Pero sa pinapakita mo, parang hindi naman..."
"Naghihintay ako ng tyempo, hanggang sa humingi ka ng pabor sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na sunggaban ang pagkakataon na iyon." saka gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "If you don't know, I'm f*****g horny when I see you."
Nanlaki ang mga mata ko sa naging pahayag niya. "What?! Are you serious?!" bulalas ko.
Tumawa siya habang hinihimas niya ang magkabila kong hita. "Yes, I did, my baby Pau."
"My goodness, River!"
"Yeah, well... I'm imagining some things when I'm alone in my office. Kahit saang sulok ng kumpanya ko, maski saang sulok ng bahay mo, mamarkahan natin para kapag nag-away tayo, mahihirapan tayong makalimutan ang isa't isa. So, anong uunahin natin? Storage room? Conference room? Sa Kusina mo? O sa kuwarto mo?"
Mapapikit ako sabay na napangiti ako sa mga suhesyon niya. "You're unbelievable, Mr. Douglas River Hochengco." natatawa kong sambit.
"River for you, my baby Pau."
Muli akong sumulyap sa kaniya. "I'm a virgin, River." I said directly and softly. "How can you deal with that?"
Tumaas ang isang kilay niya. "I'll give you the best feeling while we we're making love, my baby Pau." then he hungrily kiss my lips once more before we eat dinner.