Joey's point of view "LAYNA, umuwi ka na," sabi ko kay Layna na halos ilang bote na ang inuubos. Nandito kami ngayon sa Jacob's bar. Sobrang ingay, at halo-halo ang amoy ng alak. Napatingin ako sa phone ko na kanina pa ako tine-text ng girlfriend ko kung nakauwi na ba ako. Huminga ako ng malalim at balak kong hawakan si Layna para pigilan na s'yang uminom. Naiintindihan ko naman s'ya sa nararamdaman n'ya, pero baka kami naman ng girlfriend ko ang maghiwalay dahil hindi pa ako umuuwi. "Tang-inang babaeng iyon!" sigaw ni Layna. Napaayos ako ng upo sa gulat ng hampasin n'ya ang lamesa gamit ang kamay n'ya. Namumula at halata na ang pagkalasing ni Layna sa mukha n'ya. Tinignan ako ni Layna kaya napalunok ako dahil baka batuhin ako ng bote. Nagiging iba kasi ang babaeng ito pag nalalasin