C-1: Lamat ng relasyon

1421 Words
"Good morning Ma'am!" sabay-sabay na bati ng nga emplayado sa isang malaking gusali nang makita nila at makilala ang asawa ng kanilang boss. Tango lang ang sagot ng kanilang among babae ni hindi ito ngumiti at seryoso lang ang mukha habang tuloy-tuloy na naglalakad. At patakbo namang sumusunod ang personal assistant nito sa likod. Maya-maya pa'y nagbulungan na ang mga naroon nang matiyak na hindi na sila maririnig ng asawa ng kanilang boss sa naturang kumpanya. "Elsie, nariyan ang Sir mo?" diretsong bungad ng babae pagkarating nito sa bukana ng main office ng kanyang asawa. Gulat si Elsie sa biglang pagdating ng asawa ng kanyang boss. Mabilis itong tumayo at binati ito saka mabilis na tumango. "No need sa pormalan, I came here for my husband." Malamig na wika ng babae. "Sige po, pasok na lang kayo Ma'am!" natatarantang sagot ni Elsie. Ni hindi sumagot ang babae at tuloy-tuloy lang itong nagtungo sa pinto ng opisina ng kanilang boss. Nakahinga naman nang maluwag si Elsie nang mawala na ang pigura ng babae nilang amo. Nanghihina itong napaupo at ipinagpatuloy na nito ang kanyang ginagawa. "Sino 'yong dumating si Ma'am Aira ba?" tanong naman ni Aida nang makabalik ito sa puwesto nila ni Elsie. "Sino pa nga ba ang ating pinangingilagan dito nang sobra?" inis namang sagot ni Elsie. "Hmmpp! Akala mo kung sino eh halata namang walang pagmamahal si boss sa kanya." Yamot namang turan ni Aida. "Shhh! Ang bibig mo baka marinig niya tanggalin pa tayo sa trabaho!" saway naman ni Elsie sa kanyang kaibigan. Nagkibit-balikat na lamang si Aida at nagsimula na ring gawin ang nakatokang gagawin niya. "Aira!" bulalas ni Kent nang iluwa ng pinto ang pigura ng kanyang asawa. "I came here para ipaalala sa'yo ang family day ni Agatha, don't you remember?" tahasang sagot ni Aira. Napabuga naman nang hangin si Kent at umayos nang upo. "Huwag mong sabihing hindi ka na naman pupunta Kent? Ilang occasion na ba ni Agatha ang pinalagpas mo? How can you be rude to her? Kapag kay Klint may oras ka, you're being unfair to Agatha alam mo ba 'yon?" pahayag ni Aira na may galit sa boses nito or mas tamang sabihing tampo. He smirked while looking at Aira's greedy face. Habang napahalukipkip naman si Aira at nakikipagsukatan nang titig sa kanyang asawa. "Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan, Aira? Kailangan ko pa bang araw-arawing ipaalala sa'yo na naggagamitan lang tayo rito para sa sake ng family natin both sides?" Tanong ni Kent. Napasinghap naman si Aira at sa isang iglap ay nagbago ang expression ng mukha nito. Ang kaninang matigas at matapang niyang looks ay naging malambot na at parang nagmamakaawa. "Please lang, I'm being fair to Klint sana ganoon ka din kay Agatha." Tanging nasabi ni Aira. Napabuntonghininga si Kent, sabagay wala rin namang kasalanan ang mga bata. Pero kapag nakikita ni Kent ang pagtrato ni Aira kay Klint ay hindi niya rin maiwasang gawin iyon kay Agatha. "Iibahin ko ang trato ko kay Agatha kapag iniba mo na rin ang trato mo kay Klint, Aira." Mariing turan ni Kent. Napakurap-kurap naman si Aira pero wala siyang sinabi. "Kent, it almost six years hindi ka pa nakakalimot?" mahina na ang boses ni Aira. Biglang naging fierce ang mukha ni Kent na para bang nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin kay Aira. "Hangga't hindi ko pa siya nabibigyan nang hustisya at hangga't hindi ko pa natutuklasan ang buong katotohanan, hinding-hindi ako makakalimot Aira. Kung paulit-ulit mo man itong tatanungin sa akin habang magkasama tayo ito pa rin ang isasagot ko wala ng iba." Matatag na sagot ni Kent. "She's dead, mabigyan mo man siya nang justice hindi na siya babalik pa." Naiiyak na sabi ni Aira. "Yes, she's dead but she will remain in my heart until my last breath." Tumatango-tangong tugon ni Kent. Isa iyong sampal kay Aira at malaking kahihiyan kung malaman ng iba. Pero sinisikap niyang gayahin ang babaeng iyon para lang mapansin siya ni Kent. At ayaw niyang walang silbi ang pagpapakahirap niyang maging isang siya na hindi naman niya kaligayahan, kailangang mabaling ang pagmamahal ni Kent na dating sa kanya inuukol nito. Nag- iba lang noong dumating ang babaeng para sa kanya ay siyang gumulo sa kanila ni Kent hanggang sa maagaw nito si Kent sa kanya. "Ako ang unang naging iyo, ang pagmamahal mo ay unang naging akin pangalawa lang siya Kent huwag kakalimutan." Wika ni Aira. "Nagpapatawa ka ba? Maybe, pero ang true love ko ay siya at hinding-hindi ka magiging katulad niya. She's incomparable, an unique one that cannot be copied anyone else including you." Pahayag ni Kent. At parang kutsilyong nangwawarak sa puso ni Aira ang mga katagang binibitawan ni Kent. Pero, sanay na siya gasgas na sa kanyang mga tainga iyon subalit kay sakit pa rin ng impact sa kanya. "Magalit ka na sa akin huwag lang kay Agatha please? Mahalaga ang araw na ito sa kanya, can we please attend and pretending that we are happy please Kent?" pagsusumamo na lamang ni Aira. "I will see, tatawag na lang ako." Malamig na turan ni Kent. Kahit iyon lang ay ngumiti na si Aira, alam niyang darating si Kent ramdam niya iyon. "Magsisimula ang family day nila at nine please be there mauuna na ako." Nakangiting wika ni Aira saka nilapitan ang asawa at hinalikan niya ito sa pisngi. Hinayaan na lamang ni Kent na gawin iyon ni Aira sa kanya wala namang malisya iyon kung para sa kanya. Muli pang nilingon ni Aira si Kent bago ito tuluyang lumabas ng pinto, habang naiwan si Kent na napatitig sa isang larawang hinding-hindi niya makakalimutan hanggang sa huli niyang hininga. Magenta! Anang ng isipan nito at naikuyom ang kanyang kamao, he even gritted his teeth kapagkuwan ay kusang bumalong ang kanyang mga luha. It's been six years, pero hindi pa niya nakukuha ang hustisya ng para sa babaeng nasa larawan at para siyang pinapatay nang paulit-ulit dahil wala siyang silbi. Hanggang sa huling hininga ng babaeng may malaking parte ng kanyang buhay ay wala pa siyang nagawang makabuluhan upang magkaroon ng saysay ang pagkamatay nito. Sadyang napakalinis ng trabaho ng mga taong gumawa no'n sa kanya pero may lead na siya noon pa man kailangan na lamang niya iyong kumpirmahin. "So, anong sabi ng magaling mong asawa?" medyo asar na tanong ni Fiona, best friend ni Aira mula pa noon. "Nagsumbatan pa kami bago ko siya napapayag, and that's bullsh*t!" Inis na sagot ni Aira. Pagak namang napatawa si Fiona. "Ikaw naman parang hindi ka na nasanay sa asawa mong nabubuhay pa rin sa nakaraan. He's not yet moving on with what happened to Magen-" "Oh, common Fiona! Don't you ever dare to say that name in front me it's getting to my nerve!" mabilis na putol ni Aira sa sinasabi ni Fiona. "Okay, alright hindi na mauulit!" wika naman ni Fiona. "Nasisira ang araw ko kapag binabanggit niyo ang pangalan na iyan. Always remember, ibinaon na natin sa lupa ang babaeng iyan even her name!" nagngangalaiting wika ni Aira. "Excuse me?!" gulat na bulalas ni Fiona. Tila natauhan naman si Aira sa nasabi nito. "I mean, kinalimutan na natin siya ibinaon na natin sa lupa means limot, am I right?" pakunswelo ni Aira. "Oh...okay tama ka naman!" sagot ni Fiona saka sila nagkatawanan. Tawanang tila demonyo lang nakakaalam at magkakagusto sa paraan nang kanilang pagtawa. Napagpasyahan nina Aira at Fiona na dumiretso na sila sa school ni Agatha malapit naman na ang alas nuebe. Para na din maging masaya ang bata at hindi ito mabubugnot sa paghihintay sa darating na kapamilya nito. Sa kabilang banda naman ay isang babae ang may hawak-hawak na litrato sa kanyang kaliwang kamay. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa litrato habang kitang-kita kung gaano ito nagngagalaiti. "Handa ka na ba sa gagawin mo?" tanong ng kasama nitong lalaki sa tabi nito ay dalawa ring babaeng kilala sa lipunan. Nag-angat nang tingin ang babae at tiningnan ang hitsura nito sa malaking salamin na nasa harapan nito. "Matagal na akong handa, sila ang maghahanda dahil magsisimula na ang kanilang mga bangungot." Wika ng babae saka ito ngumiti nang makahulugan. Nagkatinginan naman ang mga kasama nito saka sila ay ngumiti. "Nandito lang kami sa iyong likuran, go girl bawiin mo ang iyong korona." Sabi ng isang babae. Taas noong ngumiti ang babaeng sinabihan saka nito muling sinulyapan ang mga litratong nagkalat sa mesang nasa gitna nila. Habang naroon din sa may dingding ang iba't-ibang litrato pa at iba't-ibang impormasyon tungkol sa gagawin nilang plano.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD