Chapter 10 Mariposa's POV Ilang araw na ako sa mansyon ng mga Alcantara at hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa mga mata ko ang paghanga sa sobrang laki at ganda ng bahay. Perpekto ang pagkaka-disenyo ng bawat kagamitan sa loob ng bahay. Mga palamuti sa paligid, ang mga plorerang may nakalagay na sariwang bulaklak na nagmula pa sa harden nila. Mga sari saring larawan na naka-sabit sa kulay puting dingding at dagdagan pa ang mga mamahaling kagamitan. "Mari?" napa-lingon ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Si Lola Lodie. "La," sinalubong ko siya ng pagmano at ngiti. "Ang laking bahay naman pala ang tinutuluyan niyo. Masiyon na talaga." Tumawa lang ang matanda sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Mabuti pa at mag meryenda ka muna." Tumango ako. "Teka! Nasaan sina Kuya?" P